Einar's Granny

1.3K 39 0
                                    

Bumaba ng bahay si Kei ng maramdaman niya ang pagkalam ng tiyan niya.

Doon lang niya napagtanto na nasa bahay siya ni doña Natividad, ang lola ng binata.

Nasa komedor siya at kumakain ng break fast, kasalo niya ang matanda at si Einar na kanina pa niya napapansing hindi nawawala ang ngisi sa mga labi, mangali ngaling batuhin niya ito ng platito sa tabi niya.

Inis na iniirapan na lang niya ito sa tuwing magkakasalubong sila ng tingin nito

"Alam ba sa inyo na narito ka hija?" naagaw naman ang atensyon niya sa matanda. Umiling siya

"Tatawagan ko na lang po sila para ipalaam na narito po ako." sagot niya

"Kung gayon sumabay ka na rin sa pag uwi kay Einar, mananatili kasi siya dito hanggang sa kaarawan ko sa susunod na linggo." Nakangiting sabi nito

"Okay lang ho, makakapagbakasyon na rin po ako kahit papano."

Ngumiti ito sa kanya, Doña Nat was so calm and nice.

"That's good, feel at home hija. Sabihin mo lang kung anong kailangan mo." anito, nakangiting tumango siya.

"Salamat po."

Nagpapasalamat siya dahil hindi nito inuungkat ang tungkol sa naudlot niyang kasal.

Pagkatapos nilang kumain ay niyaya siya ng doña na magpahangin sa veranda ng mansiyon.

"How do you find this place hija?" narinig niyang tanong nito,

Nakaharap sila sa napakalawak na lupain nito.

Si Doña Natividad Morfon o mas kilala sa tawag na doña Nat ay isa sa pinakamayaman sa bayan ng Batangas, malawak ang nasasakupan nitong lupain, marami itong taniman ng gulay at prutas, mayroon din itong malaking sakahan.

"This place was beautiful, ang totoo po mas gusto ko po sa ganitong lugar kaysa sa maynila." Sagot niya,

Nakita naman niya ang pagliwanag ng mukha nito

"Really, it's good to hear. Marami kasing taga maynila ang hindi nakakatagal sa ganitong lugar, tahimik at walang masyadong kasiyahan hindi katulad sa maynila na maingay kahit na gabing gabi na."

"Tama po kayo, karamihan sa taga maynila ang nahuhulog sa kalayawan at night life pero kabaligtaran po nila ang gusto ko, I love seeing mountains, hills and this kind of scenery, it makes me happy, nawawala ang problema ko." saad niya, totoo naman ang sinabi niya, nature lover siya at mas gugustuhin pa niyang tumira sa napakatahimik na lugar na iyon kaysa sa maynila kahit na doon siya lumaki.

Mas lumapad ang ngiti nito,

"Do you want to come with me this later afternoon?"

"Saan po doña Nat?"

Narinig niya ang mahinang pagtawa nito

"Just call me granny, iyon din ang tawag sa'kin ng mga apo ko."

Nakangiting tumango siya.

"Tag ani ng saging, bibisitahin ko ang mga trabahador ko kung kamusta na ang pag aani nila ng saging, baka gusto mo lang sumama."

Ngumiti siya,

"Gustong gusto ko po." Aniya

Gusto niyang malibang at pansamantalang kalimutan ang mga problema niya.

"Saan naman ang punta ninyo?" agaw atensyon ni Einar mula sa likuran nila

"Sa sagingan, gusto mo bang sumama." Untag ni granny,

FLOWER PRINCE TRILOGY 3: Einar, My Knight PrinceOù les histoires vivent. Découvrez maintenant