Ang Pag amin sa sarili

1.2K 38 0
                                    

Nagising si Kei sa tama ng sinag ng araw na tumatagos sa siwang ng bintana.

Nagmulat siya ng mga mata, hindi pamilyar sa kanya ang lugar, maya maya ay bumangon siya.

Pinagmasdan niya ang kabuuan ng silid, napakalaki niyon, makikita rin na elegante ang bawat detalye sa silid na iyon, tumayo siya at nagtungo sa full length mirror, may bumalatay na lungkot sa mukha niya ng makita niya ang sarili sa salamin.

She still wore her wedding dress, hindi niya akalain na mangyayari sa kanya ang mapait na pangyayaring iyon, lumuluhang hinubad niya ang wedding dress niya pagkuwan ay naglakad patungo sa bintana at binuksan iyon, binuhos niya ang sama ng loob niya.

"I should forget about you Liam, this wedding dress bring me so much pain. Sinungaling ka, iiwanan mo rin pala ako." Lumuluhang sabi niya at itinapon ang wedding dress.

Nakita naman niya na sumabit iyon sa sanga ng puno, doon lang niya napansin ang tanawing bumungad sa kanya, napakalawak na lupain na napapalibutan ng iba't ibang puno at halaman, makikita rin ang mataas na bundok sa di kalayuan, such a beautiful place.

Pumikit siya at suminghap siya ng malinis na hangin.

"This feels so good." Bulong niya, tila nagbigay iyon ng kapayapaan sa damdamin niya.

Muli niyang sinilip ang wedding dress niya,

Bigla ay nag iba ang isip niya, baka biglang dumating si Liam at magbago ang isip nito, kailangan niyang makuha muli ang wedding dress niya.

Hindi ganon kadaling kalimutan ang lahat, hindi pa niya kaya.

I'm still hoping.

Dumukwang siya sa bintana at pinilit na inabot ang wedding dress niya, umakyat pa siya sa barandilya, maaabot na sana niya ang wedding dress subalit bigla na lamang may humila sa kanya.

Sa bilis ng mga pangyayari ay natagpuan na lamang ni Kei na nasa ilalim siya ng malaking bulto ng lalaki.

Nang tingnan niya ito, nasalubong niya ang madilim na mukha nito.

"Nababaliw ka na ba? hindi lang si Liam ang lalaki sa mundo, h'wag kang magpakamatay dahil lang sa kanya." nagtatagis ang mga bagang na wika nito.

Napatitig siya sa napakagwapong mukha nito, matagal na panahon din simula ng huli nilang paguusap at aaminin niya na may naramdaman siyang kakaiba habang magkahinang ang kanilang mga mata.

Madalas man niyang makita ito dahil isa na itong sikat na personalidad sa bansa, minsang nakikita din niya ito sa kanilang bahay kasa-kasama ang kaniyang kakambal pero hindi niya hinahayaang magkaroon sila nito ng pagkakataong makapag usap.

Iniiwasan kasi niya ito, she hates him...simula ng makilala niya ito ay hindi na ito nagsawang sirain ang araw niya, he loves to tease her.

Sa tuwing magkakaroon kasi ng pag uusap sa pagitan nila ay puro pang aasar lang ang ginagawa nito at pagkapikon naman ang inaabot niya.

Naiinis siya dahil hindi na ito nagbago, lumipas na ang maraming taon pero wala yata itong balak na magbago.

Hindi na ito naging seryoso sa buhay, kaya nga kahit kailan ay hindi niya ito nagustuhan sabihin pang nagtataglay ito ng malakas na karisma.

Pero sa hindi niya maipaliwanag na damdamin ay ramdam na ramdam niya ang malakas na pagtibok ng puso niya.

Oh sige, aaminin ko na....

Madalas din kasi na hindi niya maintindihan ang damdamin niya, may nobyo na siya pero sa tuwing makikita niya ang binata ay kumakabog ang dibdib niya.

Iniisip na lang niya noon na naiinis siya sa binata kaya ganon na lamang ang malakas na pagtibok ng puso niya.

Akala niya ay mawawala din iyon kapag iniwasan niya ito total naman hindi naman sila close nito pero nagkakamali siya...

Ngayon na magkahugpong ang kanilang mga mata para siyang kina-carjack arrest dahil animo lalabas sa rib cage niya ang puso niya sa malakas na pagtahip niyon.

Ah siguro dahil hindi pa nagkakaroon ng pagkakataon ang mga bagay na katulad na iyon, they were close to each other while looking straight in their eyes.

Pagkatapos nakikita pa niyang seryoso ang mukha nito, wala ang bahid ng panunukso o pang aasar.

Bigla ay nanibago rin siya sa tono ng pananalita nito, kahit na galit ito naroon pa rin kasi ang pag aalala.

Ano bang pinagsasasabi mo Kei? Porke't ngayon mo lang ulit nakita ang lalaking iyan ay ano ano na ang iniisip mo?

There's something weird happened to her veins.

Sunod sunod siyang napalunok ng maamoy niya ang mabangong hininga nito na dumadampi sa kanyang pisngi habang nasa ibabaw niya ito.

Ipinilig niya ang ulo at pilit na inalis ang kakaibang nararamdaman niya, kaya naman ng muli niya itong tingnan ay pinaningkitan niya ito ng mga mata.

"Will you stay away from me?" asik niya atsaka marahas na tinulak ang binata,

Lumayo naman ito sa kanya.

"Iniligtas ka na nga, ikaw pa ang galit." Angil nito,

Inirapan niya ang binata.

"Sino kasing nagsabing magpapakamatay ako?" inis na sabi niya,

Tumayo siya at namaywang sa harap nito.

"I saw you, hindi ako bulag para hindi ko makita ang gagawin mong pagtalon sa bintana." may iritasyon sa tinig nito,

Matalim na tinitigan niya ito.

"Hindi pa sira ang tuktok ko para magpakamatay no!"

"Don't tell me nagpapahangin ka nang nakasampa pa sa bintana? what a stupid trip." Pang aasar nito,

Gigil na gigil siya sa binata subalit ng maalala na nakakamison nga lang pala siya ay nayakap niya ng di oras ang sarili, halos lantad na rin kasi ang buong katawan niya.

"What a pervert man! bastos ka!" gigil na wika niya,

Hindi naman ito nagpatalo lalo lang siyang inasar nito.

"Pervert? What makes you think na babastusin kita? Ni wala ka ngang dating para sa'kin." pang aasar nito,

Umawang ang labi at naningkit ang mga mata niya sa sinabi nito.

Hayan na naman siya!

Kaya never niya itong nagustuhan eh....

"How dare you?! go away! Leave me alone!" inis na inis na sabi niya, ngiting ngiti namang naglakad ito palabas ng silid na iyon at bago ito lumabas ay muli itong nagsalita.

"I'm glad kahit papaano ay nakalimutan mo ang problema mo." anito, bahagya siyang natigilan

"Bumaba ka na, break fast is ready." Anito at tuluyan ng lumabas.

Einar was right, sa tuwing malungkot siya darating ito upang asarin siya at pansamantala nga niyang nakakalimutan ang problema niya.

Ngayon lang niya iyon narealized.

He's actually a knight in disguise.

Ang tagapagligtas niya sa tuwing manganganib siya sa kalungkutan at problema.

Bigla ay naalala niya si knight prince, naalala niya ang admirer niya sa gitna ng kanyang kalungkutan.

At si Einar pa ang nagpaalala sa kanya niyon kahit na ilang taon na rin ang lumipas ng hindi na ito magparamdam sa kanya,

that's weird.....

FLOWER PRINCE TRILOGY 3: Einar, My Knight PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon