Finding My Secret Admirer

1.5K 37 0
                                    

I'd go hungry; I'd go black and blue

I'd go crawling down the avenue

There ain't nothing there I wouldn't do

To make you feel my love

Lumipas ang ilang mga taon....

Nasa kolehiyo na si Keitlene. Third year college na siya sa kursong Bs Agriculture sa mataas na unibersidad samantalang Computer Programming naman ang kinuhang kurso ng kambal niya.

Si Liam ay Business Administration ang kurso samantalang Music conservatory naman si Einar, mahilig sa music ang binata at isa pa nasa dugo nito ang pagiging musician.

Nagkahiwalay na sila ng landas ni Reggie simula ng magtapos sila ng high school, umuwi kasi ito ng province at doon nagkolehiyo.

Ibinalik niya ang maikling papel sa librong hawak niya.

Nagpalinga linga siya at nagbabakasakaling maabutan pa niya ang taong nag ipit ng papel na iyon sa librong naiwan niya.

Nasa library siya at saglit na iniwan ang mga gamit sa lamesang okupado niya upang humiram ng ilang librong gagamitin niya para sa thesis niya at pagbalik nga niya ay kaagad na napansin niya ang nakatuping papel sa mga pahina ng romance fiction na librong binabasa niya.

Hindi naman niya sigurado kung sino sa mga estudyanteng naroon na abala rin sa pagbabasa ng libro ang secret admirer niya.

Simula kasi ng magkolehiyo siya ay ngayon lang uli siya nakatanggap ng maikling papel na iyon.

Marami sa mga kaklase niya ang nag enroll din sa unibersidad na iyon kaya mahirap para sa kanya na kilalanin ang admirer niyang iyon.

Sa paglinga linga niya ay nahagip ng mga mata niya si Vash Carreon, the book genius of their class way back in their highschool days.

Kaklase nila ang binata at ito ang valedictorian nila, sa sobrang talino nito ay kaya nitong sauluhin ang isang pahina ng libro ng isang minuto lang. ganon kataba ang utak nito.

Ipinilig niya ang ulo dahil napaka imposible ng bagay na iniisip niya, hindi ang tipo ni Vash ang magaaksaya ng oras para gumawa ng tula at iipit sa libro niya dahil mas gugustuhin pa yata nito na magbasa ng sandamakmak na libro sa isang araw kaysa gawin iyon sa kanya. Ni hindi nga yata ito nagkakagusto sa babae.

Sa kabilang bahagi naman ng library ay nakita niya si Hunter Monseratt habang nakikipagkwentuhan sa mga babaeng freshman students.

Tila kilig na kilig naman ang mga ito habang titig na titig sa gwapong binata.

Sa klase nila noon ito ang tinaguriang chick boy.

Paano ba naman lahat yata ng muse ng bawat section noong highschool ay niligawan nito at naging girl friend. Walang naging matinong relasyon ito.

Wala yata sa bokubularyo nito ang salitang seryoso.

Nang sulyapan siya nito ay isang malanding kindat ang binigay nito sa kanya, pilit naman na napangiti siya.

No! Imposibleng si Hunter ang admirer niya, hindi ito magtitiyaga sa ganong paraan ng panliligaw.

Mabilisan ang gusto nito kumbaga sa sulit dot com, 'click..usap...deal...'

Pinilig niya ang ulo, sa pagpilig niya ay nadaanan ng mga mata niya si Tanner Patrick.

Sa klase nila ito na yata ang masasabi niyang isa sa ilang matitinong kaklase niya noon.

FLOWER PRINCE TRILOGY 3: Einar, My Knight PrinceWhere stories live. Discover now