The sudden change of Heart

1.3K 34 0
                                    

Sunod sunod na pagbuntong hininga ang pinakawalan ni Einar habang nakatunghay siya sa natutulog na dalaga, it was twelve midnight and still awake, hindi siya makatulog dahil napakalalim ng iniisip niya.

Ang mga nangyari sa pagitan nila ni Kei kanina ay alam niyang malaking pagkakamali lalo na sa dalaga.

Alam niyang mas dumoble ang pagkamuhi nito sa kanya.

Sumimsim siya ng alak sa kopitang hawak niya, tinitigan niya ang dalaga, ang napakagandang babaeng nakilala niya.

He had been yearning to see her beside him, eating together, talking, laughing, hugging each other, kissing......

Oh damn!

How he wished it come true.

Keitlene Aldena was the only girl he could see, he was the only girl who made him happy in just one look, kung alam lang nito kung gaano siya kasaya sa kaunting oras na ibinibigay nito sa kanya, kahit na ba alam niyang kakausapin lang siya nito dahil sa pang aasar niya.

Ewan ba niya kung anong mayron kay Kei na hindi niya makita sa ibang babae dahil hanggang sa sandaling iyon ay hindi man lang nabawasan ang pagtingin niya dito. Hindi na siya tumingin sa iba for she was the perfect woman for him.

She was still beautiful as always, ang hirap din tanggapin na sa kabila ng lahat ay hindi pa rin siya nito natutuhang mahalin.

Hindi rin naman kasi niya ito masisisi, sino ba naman kasi ang magseseryoso sa mga sinasabi niya noon dito, nakilala na siya nitong hari ng alaskador, ang akala nito ay biro lang lahat sa kanya.

Dinaan na rin niya sa ibang paraan iyon noon pero hindi rin umubra.

Nagbuntong hininga siya.

"Sinabi ko naman sa'yong kalimutan mo na si Liam, napakatigas ng ulo mo, umiiyak ka tuloy." Bulong niya.

Nakuyom niya ang palad dahil sa pagsisisi, sana'y noon pa ay inagaw na niya si Kei kay Liam.

Noong panahon na nagkahiwalay ang dalawa, sana ay umeksena na siya, sana ay sinabi na niya dito ang totoong nararamdaman niya.

Na mahal na mahal niya ito at ipangakong hinding hindi niya ito paiiyakin.

Sana ngayon ay hindi ito lumuluha ngayon, hindi sana ito masasaktan ng ganon pero anong magagawa niya?

Natatakot siya noon, natatakot siyang aminin dito ang katotohanan,

Yeah, mahina ako pagdating sa ganong bagay kaya nga dinadaan ko sa pagbibiro ang nararamdaman ko.

Pero ganon na lang ang pagsisisi niya ng bumalik si Liam at magkabalikan ang mga ito, parang gumuho ang mga pangarap niya ng malaman pa niyang magpapakasal na ang dalawa.

Kahit masakit sa kanya noon ay nagparaya siya, nagkasya na lamang siyang tingnan sa malayo si Kei habang masaya itong kasama si Liam, kahit na ba sa bawat ngiti nito at saya sa tuwing kasama nito si Liam ay sumusugat naman sa kanyang puso. Napakasakit isipin na ang babaeng pinakamamahal niya ay nasa piling ng ibang lalaki.

Kaya naman sa tuwing makikita niyang malungkot ang dalaga o kung may problema ito at ni Liam ay doon na lamang siya bumabawi, naroon siya sa tabi nito para pasayahin, even in a way of teasing her atleast nakikita niyang nakakalimutan nito pansamantala ang kalungkutan.

He hates seeing her sad. Gagawin niya ang lahat maging masaya lang si Kei.

Sana lang ay maramdaman niya ang presensya ko, maramdaman niya na nag aalala rin ako sa kanya, maramdaman niya na mahal na mahal ko siya.

FLOWER PRINCE TRILOGY 3: Einar, My Knight PrinceWhere stories live. Discover now