Hate to Love You

1.3K 39 0
                                    

"What?"

"Ang sabi ko makiusap ka naman sa'kin, wala bang please dyan?"

Umikot ang eyeballs niya at tinalikuran ito.

"Fine, can you get me Einar – please?" labas sa ilong na sabi niya,

Kung hindi lang talaga niya gustong kumain niyon..nunca na gagawin niya iyon...

Nakatalikod rin sa binata, narinig niya ang mahinang pagtawa nito.

"Kakaiba ka rin humingi ng pabor." Anito na hinawakan ang kawayan,

Nang sulyapan niya ito nakangisi pa rin itong nakatingin sa kanya.

"By the way, one fruit is equivalent to a kiss."

Ganon na lamang ang pag awang ng labi niya,

Inagaw niya ang kawayan at ekseheradong nagsalita.

"No way!"

Muling tumawa ito, halatang nasisiyahan sa nakikitang reaksyon niya.

"You look so funny, I'm just kidding. Sineryoso mo naman, mas gugustuhin ko pang halikan ang drumsticks ko maghapon kaysa halikan ka." pang aasar nito

What the-?! So annoying!

"Ha ha. Funny." Sarkastikong sagot niya,

Mangali ngaling itusok niya sa binata ang kawayan pagkatapos ay ililitson niya.

'But this guy seems the yummiest food in a stick if that would happen.'

sabi ng kabilang bahagi ng isip niya,

Oh no! I'm just kidding myself.

Inalis niya sa isipin ang ideyang iyon.

Hindi niya ibinigay dito ang kawayan ng subukan nitong kunin sa kanya

"No thanks, h'wag na lang baka magkautang na loob pa ako." inis na sabi niya, nawalan na siya ng ganang magpatulong dito.

"But I insist." Giit nito at pilit na kinukuha sa kamay niya ang kawayan,

Itinaas niya ang kawayan at hindi pa rin iyon ibinigay sa binata.

"Kaya ko naman talagang manungkit, hindi ko na kailangan ng tulong mo, bumalik ka na lang sa mansiyon at abalahin mo ang sarili mo doon" sarkastikong sabi niya

"I'm done doing my job, kaya nga narito na ako para mag alis ng pagka inip."

"Kung gusto mong maalis ang pagkainip mo, tulungan mo ang mga trabahador ninyo sa pag aani ng saging. That would help you to ease your boredom."

Lalo lang tumaas ang isang sulok ng labi nito.

"But I think you are the best way to ease my boredom."

Ganon na lamang ang paniningkit ng mga mata niya.

"What?! You're such a jerk! Go away! Leave me alone!" inis na sabi niya,

Napikon na naman siya sa pang aasar nito, hahampasin sana niya ito ng hawak na kawayan subalit sumabit iyon sa sanga ng katabing puno ng star apple, pinilit niyang alisin iyon sa umipit na sanga.

Huli na ng makita niyang hindi pala sa sanga ng puno umipit iyon kundi sa bahay ng lulumbo, it's some kind of big bees.

"Oh dammit!" narinig niyang bulalas ni Einar ng bumagsak sa lupa ang bahay ng bubuyog, bago pa maglabasan ang mga bubuyog sa bahay nito ay mabilis na siyang nahila ni Einar.

FLOWER PRINCE TRILOGY 3: Einar, My Knight PrinceWhere stories live. Discover now