A little Conversation turns into Sweet Sensation

1.2K 38 0
                                    

Nang bumalik si Kei sa garden lawn ay naroon pa rin si Einar at matiyagang naghihintay sa kanya, inabot din siya ng siyam siyam sa paglalakad pabalik dahil kumikirot pa rin ang paa niya subalit hindi niya ininda iyon sa pagkakataong iyon.

Nakangiting naupo siya sa tapat nito habang bitbit niya ang isang pink pouch na hiniram niya kay Granny.

Takang taka naman ang binata ng bumalik siya, naupo muli siya at ipinatong ang dala sa ibabaw ng lamesa.

Walang imik na kinuha niya ang braso nito at mula sa loob ng medicine kit ay nilabas niya ang alcohol.

Narinig niya ang mahinang pag ungol ng binata ng ibuhos niya ang alcohol sa braso nitong may galos.

"May galit ka ba sa'kin?" tanong nito,

Inirapan niya ito subalit nakangiti na siya.

"Tumigil ka nga diyan, kasalanan mo naman yan, ano na lang ang sasabihin ng mga fans mo kung makikitang may galos sa katawan ang idol nila? baka mapatay nila ako kapag nalaman nilang umakyat ka sa puno ng star apple para ikuha lang ako." aniya habang pinupunasan na nang bulak ang braso nito.

Narinig niya ang mahinang pagtawa nito

"So nag aalala ka rin pala sa'kin." nakangiting sabi nito

Saglit siyang natigilan pagkuwan ay nakangiting diniinan niya ang sugat nito, ganon na lamang ang pag ngiwi nito.

"Ouch! That's hurt." Reklamo nito.

"Marunong lang akong magpasalamat." Aniya,

Kung bakit tumahimik ito bigla ay hindi niya alam.

Hindi na ito gumanti ng asaran sa kanya, nakakapagtaka.

Nilalagyan na niya ng band aid ang kaliwang pisngi nito ng hindi sinasadyang dumikit ang daliri niya sa mapupula at malambot nitong labi.

Sumagi na naman sa isip niya ang mga halik nito, ang matamis na halik nito na ilang gabi na ring nagpapapuyat sa kanya dahil sa kaiisip niya dito.

She swallowed hard, ramdam na naman niya ang mabilis na pagtibok ng puso niya lalo na nang masalubong niya ang mga titig nito.

Para bang sa tuwing tititig siya sa binata ay nata-trap siya sa isang bitag na napakahirap ng makawala pa kaya naman hangga't kaya pa niyang paglabanan ang nararamdaman ay siya na ang umiiwas.

Mabilis siyang lumayo dito.

"Done." Aniya,

Niligpit na niya ang ginamit niya.

"Thanks." Nakangiting wika nito,

Tumango lang siya.

Nagulat siya ng bigla na lamang siyang iharap nito at kinuha ang kaliwang paa niyang may benda at ipinatong sa hita nito.

Napasinghap siya ng maramdaman niya ang malambot nitong kamay habang tinatanggal ang benda sa paa niya.

"I'll check if it's still swollen." He said, pumalatak ito.

"Namamaga pa rin." Anito,

Maya maya ay hinihilot na nito ang paa niya.

"T-teka hindi mo naman kailangan gawin yan Einar." Aniya,

Hindi dahil sa ayaw niyang magpahilot dito kundi dahil naiilang na siya, mas bumibilis kasi ang tibok ng puso niya habang tumititig siya sa binata.

"It's okay, pagpapasalamat ko lang din ito sa ginawa mo ngayon at isa pa, kasalanan ko rin naman kaya nangyari ito sa'yo." anito habang minamasahe ang paa niya.

FLOWER PRINCE TRILOGY 3: Einar, My Knight PrinceWhere stories live. Discover now