Love Confession on Air

1.4K 39 0
                                    

Sa canteen ng university,

"Kahit siguro magaling na pintor ay hindi kayang ipinta ang mukha mo."

narinig niyang saad ng isang boses ng lalaki.

Nasa canteen siya at mag isang kumakain, vacant period niya at doon siya tumambay sa canteen.

Isang oras na ang nakakaraan matapos siyang umorder ng pagkain subalit ni hindi pa iyon nangangalahati.

Wala siya sa mood para ngumuya, nasasaktan pa rin siya sa ginawa sa kanya ni Liam.

Nang balingan niya ito ay nakita niya ang matalik na kaibigan niya, na bagamat isa itong lalaki ay nagkalapit pa rin sila ng loob, naging magkaklase sila nito noong mga freshman sila, pareho sila ng mga gusto at hindi gusto.

"Hanne, ikaw pala." Aniya

Umisod siya ng maupo ito sa tabi niya, doon lang niya napansin ang tray na dala nito na may lamang pagkain.

"Yeah, mukhang malungkot ka na naman."

Nagbuga siya ng hangin

Hindi lingid sa kaibigan ang relasyon nila ni Liam at ang hindi nila pagkakasundo minsan.

"May nangyari na naman ba na hindi mo nagustuhan? O hindi niya nagustuhan?" tanong nito habang inilalapag sa lamesa ang mga pagkain nito pagkatapos niyon ay iniabot nito ang tray sa isang canteen boy na dumaan sa harap nila.

Muli lang siyang nagbuntong hininga

Naiiling na nagsalita ito

"Kailangan lang ninyong mag usap."

"Alam ko pero paano kami mag uusap kung isang linggo na siyang absent, hindi kami nagkikita, tumatawag nga siya sa'kin pero sandali lang. mas inuna niya ang ibang tao kaysa sa kasintahan niya." sumbong niya sa kaibigan

Natigil ang pagsubo nito at sumulyap sa kanya.

"And where on earth Liam is?" takang tanong nito

"Nasa Singapore kasama ang auntie niya at yung babaeng gusto niya para kay Liam." Aniya

Nararamdaman niya ang pangingilid ng mga mata niya

"What?! What the hell is he doing? Hindi ba niya alam na may girlfriend na siya at-?" hindi na nito naituloy ang sasabihin ng makitang lumuluha na siya.

Alam kasi niya kung saan patutunguhan ang mga sasabihin nito at nasasaktan siya sa katotohanan na sa kabila ng matagal na relasyon nila ni Liam ay hindi pa rin siya nito kayang ipaglaban sa tiyahin nito.

Malaki kasi ang utang na loob ng pamilya ni Liam sa tiyahin nito, ito rin halos nagpaaral kay Liam noon at hanggang ngayon.

Ang alam kasi niya ay nakasanla ang lupain at ang plantasyon ng pamilya nito sa tiyahin nito kaya siguro hindi ito matanggihan ng nobyo.

"I'm sorry Kei." Malungkot na saad ni Johanne at hinawakan ang kanyang mga kamay

"It's okay Hanne, alam ko naman iyon. nasasaktan ako ng sobra dahil kahit na umiiyak ako ngayon hindi ko kayang makipaghiwalay sa kanya." aniya.

"Mahal mo pa rin ba siya o ayaw mo lang makipaghiwalay sa kanya dahil sa isinasaalang alang mo ang pinagsamahan ninyo?" tanong nito

Natigilan siya, hindi nga niya maintindihan ang nararamdaman niya, matagal na silang magkasintahan ni Liam.

Sa katunayan on and off ang relationship nila, nanghihinayang siya sa mga alaalang pinagsamahan nila kaya sa tuwing manunuyo na muli ang nobyo ay pinapatawad niya ito kaagad.

FLOWER PRINCE TRILOGY 3: Einar, My Knight PrinceWhere stories live. Discover now