The Girl He loved

1.2K 36 0
                                    

"What?! I can't do that mom." Einar protested.

Narinig niya ang nagpipigil na buntong hininga ng kanyang ina, nasa Korea ito at kasalukuyang may shooting.

Tumawag lang ito para ipaalala sa kanya ang importanteng bagay.

His mom was a Filipino, she was known as a supermodel in America way back in her teenage years, doon naman nito nakilala ang kanyang ama na isang sikat na singer sa Korea, nang magkaroon ng fashion show sa bansang iyon ay nagkaroon ng pagkakataon na magkakilala ang dalawa at hindi nagtagal ay nagkaroon ng relasyon. Hanggang sa magpakasal ang mga ito at pinasya ng kanyang ina na sa Korea na rin manirahan at magkaroon ng career.

Hindi naman ito nabigo dahil simula noon ay nakilala na rin itong magaling na artista.

"Stop arguing with me Einar, matagal ko ng sinasabi iyon sa'yo. Hyun family was close friend of mine, ayokong masira sa kanila lalo na ang kasunduan namin, you know what I'm talking about." Giit ng ina

Kahit hindi niya ito nakikita ay natitiyak niyang nanlalaki ang mga mata nito sa inis.

"But mom, I can't marry her, she's only a friend, tell aunt Susan na i-cancel ang kasunduan."

"Okay, mapuputol lang ang kasunduan kung malalaman kong may girlfriend ka na rin dyan at pakakasal kayo sa lalong madaling panahon."

Ekseheradong bumuntong hininga siya, pare-pareho ang ugali ng mga babae sa kanyang pamilya, they're all stubborn.

Narinig niya ang pagpalatak nito

"Alam ko naman na hanggang ngayon ay umaasa ka pa rin sa babaeng iyon, forget about her Einar. Sofie was the best woman for you." anito,

Hindi lingid sa pamilya niya na may gusto siya kay Kei, malimit na ibida niya noon ang babae sa pamilya niya sa tuwing uuwi siya sa Korea, kung gaano ito kaganda at gaano niya ito kamahal.

"Mom, hindi naman tama na i-match mo ako kung kani-kaninong babae. Hayaan mo akong pumili ng babaeng mamahalin ko." aniya.

"Kailan? Kapag puti na ang uwak?'' sarkatikong saad nito

''No, planado na ang lahat, sa ayaw at sa gusto mo magpapakasal ka sa anak ni Susan, maliwanag ba?" anito pagkuwan ay namatay na ang telepono.

Inis na ibinulsa ni Einar ang cellphone pagkuwan ay lumabas ng silid niya, hindi niya pinansin ang sinabing iyon ng ina.

Excited siyang nagtungo sa garden lawn kung nasaan si Keitlene.

Sa garden lawn,

"I think we need jazz band, granny loves jazz music." Komento ni Einar,

Tahimik lang si Kei habang nag uusap ang magkapatid, nagpaplano ang mga ito kung paano gagawing maganda ang birthday party ni doña Natty.

"Bakit kailangan pa ng jazz band? Nandyan ka naman at ang flower prince, I saw your poster at granny's bed room." May ngisi sa mga labi ng dalaga,

Napakamot sa batok ang binata ng di oras but in some way she found him cute.

Tumayo ang binata

"I think I need to call a friend, tatawagan ko ang kakilala kong event organizer." Anito, akma na itong maglalakad ng may umagaw sa atensyon nila.

"Einar!" wika ng babae sa kung saan at yumakap ditto

Nagulat sila sa biglang pagsulpot nito.

"Sofie?" gulat na bulalas ni Einar sa babaeng nakayakap sa likuran nito.

FLOWER PRINCE TRILOGY 3: Einar, My Knight PrinceWhere stories live. Discover now