Ang paglabas ni Knight Prince

1.3K 40 0
                                    

Ganon na lamang ang panggigilalas ni Kei ng marinig niya ang lyrics ng kanta.

That was actually the poems she'd receive from her secret admirer.

Tutop ang bibig na isa isang nag sink in sa kanya ang mga sinabi nito kanina patungkol sa babaeng gusto nito, hindi niya narealize kanina na siya ang babaeng iyon at kung hindi pa niya narinig ang lyrics ay hindi niya iyon malalaman.

Pagkatapos ng magandang musika na tinugtog nito ay nagpalakpakan ang lahat, napansin niya na may mga nag iiyakang babae, siguro ay nadala lang sa mensahe ni Knight prince.

"That was sweet! That woman was lucky to have knight prince."

Komento ng isa sa mga umiiyak na babaeng estudyante

"I want to see him, let's go at the radio booth." Narinig naman niyang sabi ng isang babae sa katabing lamesa nila.

Bigla ay may bumulong sa kanya na sulyapan rin ang knight prince na iyon, ang secret admirer niya since then.

"Where are you going Kei?" takang tanong ni Johanne

"Sa comfort room" pagsisinungaling niya

Habang naglalakad si Kei patungo sa kabilang building kung nasaan ang radio booth ay papalakas ng papalakas ang tibok ng puso niya.

She can't believe na ganon siya kamahal ni knight prince at kung sino man siya ay gustong gusto niya itong makilala.

"That was the bravest confession I've ever heard, narinig ng lahat ang pagtatapat ni Knight prince sa kanyang only love, I hope she's listening right now at kung sino man siya sigurado akong mamahalin mo rin si Knight prince kapag nakilala mo siya. he did this only for you. you're a lucky girl." Komento ni dj Mogly

"Okay, thank you for guesting in our radio booth knight prince, I wish you all the best. Sana ay mahalin ka rin niya at maging masaya ka na." ani dj Cloud.

Naglalakad na siya sa hallway ng kabilang building habang nakikinig pa rin sa radio intercom, palibhasa buong school ay may radio speaker na nakakabit kaya kahit anong ginagawa ng mga estudyante ay nakakapakinig pa rin.

Napaatras siya ng makita niya ang kumpulan ng kababaihan na nasa tapat ng radio booth, napakaimposible sa kanya na makalagpas sa mga nagkakagulong estudyante.

Nakita niyang bumukas ang pinto ng radio booth at lumabas ang isang lalaki.

She crane her neck for a better look but other students kept getting in the way. Gusto rin sana niyang makipagsiksikan ng may kumulbit sa likod niya.

"What are you doing here Kei?" a voice of a man said behind her

Namula ang pisngi niya dahil nahihiya siyang makita ng mga kakilala niya na nakikipagsiksikan rin dahil sa kuryusidad kay knight prince.

Nang balingan niya ito ay nakita niya ang nakakunot noong si Einar, he was holding a guitar bag.

Bigla siyang kinabahan.

Siya kaya si knight Prince?

"Saan ka galing?" tanong niya.

Hindi siya nagpahalata na kinakabahan.

Saglit itong natigilan pagkuwan ay nakabawi rin kaagad.

"Kadarating ko lang, we're having a band rehearsal bukod doon ay may afternoon class ako kaya narito ako." sagot nit

Nakita niyang ngumisi ito

"Why are you asking? Interesado ka na rin ba sa'kin?" nakakalokong tanong nito.

Awtomatikong tumaas ang isang kilay niya pagkatapos ay inirapan ang binata.

"Kapal mo! kahit sa bangungot mo hindi pa rin mangyayari na magkakainteres ako sa'yo." inis na sabi niya pagkuwan ay tumalikod na siya at naglakad sa kabilang building.

Nang matiyak niyang nakalayo na siya sa radio booth at kay Einar ay muli siyang sumulyap dito.

Her heart trilicated in time when she saw him still gazing after her, his aura looks so dim.

Hindi niya maintindihan kung bakit pero naapektuhan siya, nagi-guilty siya sa ginawa niyang pag iwan sa binata, baka nabastusan ito sa pagbaback out niya.

Darn! Stop thinking that nerve!

Ipinilig niya ang ulo at nagpatuloy sa paglalakad.

Nanghihinayang siya dahil hindi niya nakilala si knight prince.

Sa host club room...

Kapapasok lang ni Einar sa host club room at naabutan niya roon ang ibang ka club member niya.

They were looking at him with disbelieve in their faces.

"What?" inis na tanong niya ng maupo siya sa single sofa.

Napansin kaagad niya si Kaizer na nakahiga sa mahabang sofa at mahimbing na natutulog.

"Are you okay now knight prince?" nakangising tanong sa kanya ng club president na si Yuan nakaupo ito sa mataas na stool habang may hawak na organizer at pencil, maang na tumingin siya dito

"What are you talking about?" maang na tanong niya, lalo lang ngumisi ang mga lokong kaibigan niya

"Nah, graduating na tayo ng kolehiyo at ilang taon na tayong magkakasama at magkakaibigan simula ng mabuo ang host club. kami pa ba ang lolokohin mo?" komento naman ng vice president na si Jared naglalaro ito ng nogo kasama si Tanner na seryoso sa pagiisip ng magandang move.

Ginatungan naman iyon ng mga alaskador ring sina Xien, Sky at Reed na abala naman sa paggawa ng project.

"Idol!" magkasabay pang banat ng tatlo sabay na nagtawanan.

"Ibang klase ang confession mo, live on air? Bakit ba hindi ko iyon naisip na paraan para mapasagot ako ni Ella." Napapalatak na komento ni Hunter habang nasa tapat ng malaking salamin at sinipat sipat ang mukha.

"What do you think Vash, is there a positive result in knight prince's action?" sabad naman ni Trevor habang kausap si Vash na tahimik na nagbabasa ng libro sa tapat ng bintana.

Tumigil ito at tumingin sa kanya na bihirang mangyari dahil wala itong pakealam sa paligid nito maliban kung interesado ito sa paksang pinag uusapan o sa isang bagay.

"Sa ginawa niyang pagtatapat sa babaeng nagugustuhan niya, sa paggamit niya ng radio intercom at pagamin ng kanyang nararamdaman kahit na marami ang nakakarinig at ang magandang boses niya na may magandang liriko ay may napakalaking tsansa na magkaroon ng pag asa." Komento ni Vash

Napaayos siya ng upo at natutuwa sa kanyang naririnig subalit hindi pa rin siya nagpahalata sa mga ito.

"Ibig sabihin may pag asa si knight prince idol?" tanong ni Reed

Tumango si Vash na tila isang love guru ng grupo.

"Oo naman subalit hindi rin natin kontrolado ang puso at isipan ng babaeng iyon, gaya ng binanggit niya ay may boyfriend na ang babae kaya hindi pa rin isandaang porsyento ang pag asa ni knight prince." Anito at ibinalik ang atensyon sa binabasa.

"Yun lang." komento ni Trevor

Hindi siya nagsalita, lugong lugo siyang tumayo muli at naglakad.

Nakita niya ang pagtitinginan ng mga kaibigan niya.

"May klase pa ako. maiwan ko muna kayo." paalam niya at lumabas ng host club room.

FLOWER PRINCE TRILOGY 3: Einar, My Knight PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon