That should be me

1.2K 35 0
                                    

"Sweetheart, are you okay?" tanong ni Liam sa kanya.

Nasa veranda sila ng kanyang silid habang nakatunghay sa nagkakasiyahan sa ibaba ng mansiyon.

That day was doña Natty's birthday, marami rin ang dumalong bisita ni granny. Bumuntong hininga muna siya bago tumango.

"Yeah." Aniya

Naramdaman niya ang pag akbay nito sa kanya

"Next week nakaplano na ulit ang naudlot nating kasal." Anito

Nagulat siya sa sinabi nito.

"Bukas na kaagad?" gulat na tanong niya

Mabilis na napatawad ng pamilya niya si Liam dahil hindi naman nito intensyon na hindi matuloy ang kasal nila.

Nakangiting niyakap siya nito

"Yes, hindi na ako makapaghintay na makasal tayo Kei. I'm so excited to be your husband and you as my wife." Nakangiting sabi nito

Pakiramdam niya ay hindi magandang balita iyon para sa kanya.

Kung bakit hinanap ng mga mata niya si Einar ay hindi niya alam

Gusto niya itong makita kahit sa huling pagkakataon, sa gabi ring iyon ang announcement ng engagement ni Einar at Sofie na pangungunahan ng ina ng binata. Her heart seems sliced into two knowing he was going to marry Sofie.

Paano ang babaeng gusto nito?

Hindi ba nito ipaglalaban ang babaeng iyon sa kanyang ina?

Pero kung mangyayari man iyon ay masasaktan pa rin siya dahil mahal na niya ang binata at hindi yata niya kayang tanggapin kung sa ibang babae ito mapupunta.

"Where is he?" bulong niya habang hinahanap ang bulto ni Einar

"Who's he?" kunot noong tanong ni Liam, natigilan siya at sunod sunod na umiling, hindi na rin ba niya kayang pigilan ang bibig niya dahil naisasatinig nito ang nilalaman ng puso at isipan niya.

"Hindi ka pa ba bababa?" tanong ni Liam.

"Susunod na ako, mauna ka na Liam."

"Okay, after ten minutes susunduin kita kapag hindi ka pa rin bumaba." Anito, tumango siya.

Nang lumabas na ng silid niya ang binata ay saka lang niya nagawang ilabas ang nararamdaman niya, her heart was bleeding inside.

Tahimik siyang lumuha, hindi niya alam ang gagawin niya sa nararamdaman niya, pakiramdam niya ay mas dumoble ang sakit niyon ngayon kaysa noong akala niya ay iniwanan siya ni Liam.

She can't explain how hurt she was right now.

Mahal na mahal na niya si Einar pero ikakasal na siya bukas at hindi magtatagal ay ikakasal na rin ito kay Sofie

Hahayaan na lang ba niya iyon?

Magpapakasal na lang ba siya kay Liam at kakalimutan niya ang nararamdaman kay Einar?

Oh God help me.

Mula sa ibaba ng veranda ay nahagip ng mga mata niya ang ina ni Einar kasama si Sofie, ganon na lamang ang pagtataka niya ng lapitan ni Eiren ang mga ito.

Nakita niyang niyakap nito si Sofie pagkuwan ay masaya nang nag uusap.

Akala ko ba ay ayaw niya sa babaeng iyon?

Ahh siguro dahil natanggap na niyang malapit na nitong maging hipag ang babaeng iyon.

Parang pinilipit ang puso niya sa mga naiisip.

FLOWER PRINCE TRILOGY 3: Einar, My Knight PrinceWhere stories live. Discover now