Kierra Firra 39

2.8K 53 0
                                    

The Evolution: Ice Dragonite


Kierra POV

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon ang dating Zaigot ay napuno na ng mga patay na mga Immortals at Mga Halimaw. Kitang kita ko din dito sa himpapawid ang mga kaibigan at guro ko na nanghihina na dahil sa walang tigil na pakikipaglaban, isama na din ang Mga Dragonite na may mga natamo na din na sugat sa kanilang mga katawan.

Hindi ako lubos na makapaniwala. Kung sana hinanap na namin agad ang Blue Dragonite edi sana walang digmaan na magaganap at nasa maayos pa din ang buong Zaigot.

Tumulong na din ako sa pakikipag laban tinapos ko ang mga lumilipad na malalaking ibon na may mahaba at matulis na mga bibig. Tila naging isang tustado na ibon ang mga ito habang unti unting bumabagsak sa kalupaan. Pinaulanan ko ng pinaulanan ng mga apoy ang mga Darks at sa pamamagitan nito, nakuha ko ang atensyon ng lahat. Nakita kong Nainis ang Reyna ng Darks. Samantala sa kabilang panig naman ay kasalukuyang nag diriwang sa loob loob ang mga Whites. Tila natigil ang labanan.

Pause muna sila may dunating kasing maganda na naka agaw nang kanilang mga pansin. Feeling ko tuloy isa akong artista na makalaglag talaga ng panga.

"Di ko inaasahan na makakarating ka agad dito Ms. Kierra, hahahaha" sabi nito habang tumatawa na parang Demonyo. Bati ba yun?

"Ay hinde! Sa totoo lang picture ko lang ito!" Sarcastic na sabi ko dito.

"Di ko alam na may pag ka komedyante ka pala hahahaha" tawa nito. Tumawa pa sarcastic naman. Bentang benta na 'to sa akin sa totoo lang.

"Oh talaga? Dami mo satsat bat di na lang natin tapusin ang dapat tapusin para mawala na yang nakakarindi mong tawa?" sabi ko dito. At mas lalo itong ngumisi sa akin. Grrr you make me angrier you creepy and ugly!

"Masyado ka namang excited Bata, hahaha pero bago muna yun, mamatay ka muna sa mahiwaga kong palad. KILOS! patayin ang babaeng yan!" utos nito at onti onting lumulusob sa akin ang mga Darks na ang papanget naman, balak ata akong pagurin at pahirapan ng mga ito. Bakit di na lang sya ang kumalaban sa akin para malaman kung sino ang talo at panalo.

Inilabas ko ang Wand ko at lahat ng umaatake sa akin ay pinapalipad ko lamang. Sisiw sana kaso nakakapagod din, kahit naka sakay ako sa Blue Dragonite nakaka ngalay din ang ginagawa ko, kailangang ibalanse ang katawan para di mahulog.

"Mga wala kayong awa! " sambit ko habang nakikipag laban sa mga halimaw na ito. Napakapit naman ako ng mahigpit sa kasama kong Blue Dragontie. Muntikan na kasi kaming matamaan ng mga ibinabato sa akin ng Reyna. At muntikan na din akong mahulog kanina. Buti na lang talaga at to the rescue at alert ang Blue Dragonite na ito.

Masyado nya naman ata akong mahal? Sige na nga masyado syang mapilit ibibigay ko na sa kanya ang tunay na pag mamahal. Pumunta ako sa mga kaibigan ko lumapit ako sa mga Dragonite at isinagawa ang Rituals na itinuro sa akin ng mga Multo na nakilala ko sa loob ng Kweba.

KIERRA FIRRA [COMPLETED]Where stories live. Discover now