Kierra Firra 28 part 2

1.8K 38 0
                                    

[Continuation]

"Woah!" tanging sabi ko pag katapos kong makita ang hayop na nasa likod ko. Ang tangkad nya at ang laki!! Halos langgam na kami kung ikukumpara sa higanteng dragon na ito.

Napatayo naman si Babe at lumapit sa akin. Dali dali namang nag bigay galang ang mga wolves. All of them bow, they are now respecting their 'pinuno' na halata namang sya ang namumuno.

"Yes you are the Green Dragonite! We need to talk to you ASAP!" sabi ni babe at tumango naman ito sa amin. Habang ang mga wolves ay na natiling naka yuko hindi ba sila nangangalay?. Sabagay sanay naman na siguro sila na gawin yan araw araw.

"Follow me" at tumalikod ito sa amin. Bakit ganun? Hindi bat dapat nayayanig ang lupa sa tuwing naglalakad sya? Pero bakit ganun? kahit tunog ng foot steps ay wala?

Woah! Feeling ko may something dito sa Dragon na ito.

"Babe una ka na sa loob aayusin ko lang itong sintas ng sapatos ko" mag piprisinta pa sana syang tulungan ako pero sinamaan ko na agad sya ng tingin, nasa harap na ang target bat di pa tukain? Mas importante ang mission namin kesa sa sintas ko.

Nauna silang pumasok sa loob looban ng madadamong halaman. At si ako naman inayos ko ang sintas

"Sino ba talaga kayo? Ano ang pakay nyo sa aming pinuno?" tanong sakin nung Kyle. Pwede kaya patapusin muna nya akong ayusin sintas ko? Nanahimik muna ako sandali at pumokus sa kung ano ang ginagawa ko ngayon. Pag katapos kong ayusin ito ay aking hinarap ng taas noo ang bakulaw na nasa harap ko ngayon. nakakapanggigil na ang isang ito ah kanina pa. pansin ko lang ang dami dami nyang tanong simula ng dumating kami dito. Gigil nya na si ako.

"Wala na sayo yun. At Isa pa. Ano ka ba nang pinuno or mas kilalang Green Dragonite? hindi ba't isa ka lamang julalay? Kaya wala kang karapatan para malaman pa mga yun" pag katapos kong sabihin iyon tinalikuran ko na sya at sumunod sa dalawang nauna. Susunggaban nya pa sana ako pero sorry sya mas mabilis ata ako sa kanya. Dali dali ko syang tinutukan ng wand at sa isang iglap? Nag karoon sya ng buntot ng isda. Yuck! Ang laswa pala nyang tignan. Dahil sa trip nya ako kanina, Ako naman ang mang t-trip sa kanya para fair eh noh?. Pinalipad ko sya sa ere gulat na gulat pa sya ng makita nyang unti onti syang lumilipad pa taas, nang masyado nang mataas ang narating nya. Ni-ready ko na wand ko para sa final show. Sinumulan ko na paikot ikutin sya. Well di nyo naman ako masisi kasi ganyan ako mag mahal sa mga taong may ayaw sa akin. Sana feel na feel nya yung pagmamahal ko sa kanya.

Wand is Wand. Hahaha Ano pa ba ang silbi nang wand diba? Easy! To use when you need it. Since kailangan ko syang gamitin ngayon. Why not di gamitin? It's my wand by the way.

Inayos ko muna itsura ko at sumunod na talaga sa kanila. Well kailangan ko na ihanda sarili ko. Dadaan pa kasi ako sa gitna ng makakapal na halaman. Di na nakakapagtataka kung magugulat si babe pag nakita nya akong mukhang musmusin na pagala gala lang. Mga sanga sanga ng halaman ang katapat ko dito ei

Pero after 5 seconds.... Charan! Success!! Walang kahirap hirap! Kainis Akala ko naman kasi masisira damit ko pag dumaan ako dito o di kaya gutay gutay at marami akong sugat pero kabaliktaran pala ang mangyayari... Yung feeling na 'akala ko' ganern? Umasa ako charr

Yung tipong pumasok lang ako sa isang pintuan. Yung ganun! Dire diretso at walang liko liko. Hayst. Di na dapat ako mamangha masyado Marami talaga kasi ang nagagawa nang isang mahika sa mundong ito. Ano pa nga ba ang bago?. Sa tagal ko pa ba naman dito sa mundong ito bat di pa din ako masanay sanay sa mga nagagawa ng magic?!

"Oh babe bakit ka natagalan?" salubong agad sa akin ni babe. Halatang halata sa kanyang alalang alala na. That's why I love him so much! Yieee kinikilig ako to the bones!

"Nag saya muna ako." pag katapos kong sabihin yun kinurot nya ilong ko na nag patili sa akin ng malakas

"Ang sakitttt!! Letse ka DOMINIC NOMIE!!!" at ang loko pinag tawanan ako. Kainis huhuhu my baby RED nose. Aist! Poor me.

"Ang cute cute naman ng baby ko." at yinakap nya ako at hinalikan sa noo. Kainis ka talaga Dominic! Bakit ganyan ka? Dapat maiinis ako sayo eh. Ang sakit kaya. Pero bakit ganun yinakap mo LANG ako at hinalikan sa noo. Parang nawala na ang lahat ng inis na nararamdaman ko?

"Nga pala babe. Yung Green Dragonite? Nasaan na?" tanong ko dito. Nilabas nya ang isang maliit na cage. At nakita ko ang baby Green Dragonite.

"How come--?" putol nya sa sasabihin ko.

"Shhh he still asleep." senyas sa akin na halos pabulong nyang sabi. Ibinalik nya na ulit yung Green Dragonite sa bag nya at hinarap ako.

"He change his self into a smaller size dragon" he explain it to me. He can do that pala? I can't believe! They can turn them self in the size that they want? Fantastic!

"But why?" tanong ko dito, kasi pede namang mang agaw ng pansin sa Zaigot tas nasa likuran namin sya.

"He can fly but he need to keep his self like nothing happen." okay, Sabi nya eh. Tinanguan ko na ito at yinaya ko na sya sa labasan. Pero hinila ako pabalik ni Dominic.

"Oh bakit? Dito daanan ah?" nag tatakang tanong ko dito. Sabay turo ko dun sa pinasukan ko kanina, kung nasaan yung mga UniWolves ko hihihi kamusta na kaya yung bisangot na Kyle? Siguradong hilong hilo na yun. Tsk tsk.

"Hiling nung Dragon na dito tayo sa kabilang portal dumaan papuntang Zaigot para daw di na tayo mahirapan pa sa pag lalakbay." ayos din pala itong Dragon na ito buti naman may ganyan sya eh noh? Edi mas okay para sa akin! Tsaka in fairness concern sya sa amin.

Here we Go!!!! Mission Complete!!
Sorry na lang dun sa isang alagad nung Dragonite. He deserve it very very much! Sana mag enjoy sya sa pandaliang pag lilipad nya. Well pasalamat sya sa akin nang sobra sobra talaga kasi kahit papaano di masyadong mabilis yung pag papaikot ko sa kanya. Well sorry na lang sa kanya mahihilo nga lang talaga sya. Hahahaha. The spell will just last for 12 hours kaya don't worry!

Bad bad Zoe...

Pero akalain nyo yun? Naging instant sikat ako kanina? Oh my gash! I really love what I'm doing people! Who's with me? Ey! Ey!

A/N: BTS Jin as our Dominic

KIERRA FIRRA [COMPLETED]Where stories live. Discover now