Kierra Firra 9

3.1K 77 2
                                    

Herixdectors Schanrus

"Students you may now go to your  dormitories" sigaw ni Professor Strun. Nagsipag tayuan naman kaming lahat sa kinauupuan namin. Si Zoe ang naglead ng way para sa mga new students na kagaya ko. I wave my hand to Hera and Wendie as a goodbye. And they also wave back. Nakakalungkot lang kasi hindi ko sila makakasama.

"This way! Come on!" sigaw ni Zoe binilisan na rin namin ang lakad namin. Umakyat kami sa hagdan na tanging mga taga Flowk lang ang makakapasok. Nakarating kami sa isang maliit na pintuan na kung saan ang pintuan na ito ay may buhay! Kaloka! Ngayon lang ako nakakita ng ganito.

"Verification~" pakantang sabi nito ahhh!! Ang ganda ng boses nya. She looks like a mermaid. A mermaid who loves to sing.

"Lucia openium" pakantang sagot ni Zoe dito.

"Lucia openium~" ulit nito sa sinabi ni Zoe at bumukas na nga ang pintuan. In complicated way, I mean bigla kasing naging visible ang loob ng pintuan. Parang puzzle sya at biglang nagbago ang suot-suot ng babae. So fantastic!.

"Thank you Miss Lucia" sabi ni Zoe at yinaya nya na kami papunta sa loob. Kung titignan natin maliit lang ang pinto pero ang laki ng room! May sala, kitchen, bathroom syempre may 2nd floor ito na kung saan nahahati sa dalawa. Ang nasa right na mga rooms ay para sa girls kasi daw girls are always right char lang! and ang mga nasa left ay para sa mga boys dahil mahilig silang mangaliwa char ulet!.

All incoming first years ay sama-sama sa iisang room and the other year levels ay nasa kabilang room lang, ganito rin ang set up sa ibang dormitories. Ibig sabihin magkasama yung dalawa. Kaya good luck sa kanila. Curious ako kung sino ang guguluhin ng mga yun.

Umakyat naman ako sa second floor pagkatapos na i-explain ni Zoe ang do's and don'ts yung iba mas ginustong sa sala tumambay at duon magkulitan.  Pumunta ako sa right wing. Kada pintuan kasi ay may nakalagay na mga pangalan kaya sure akong hindi ako maliligaw.

Nang Makita ko na yung pintuan na kasama ang pangalan ko. Pinihit ko na ang door knob. Simpleng room lang ang bumungad sa akin dito. Nakakatawag ng pansin ang gray na paint sa wall. Humakbang na ako para makapasok pero maya-maya rin ay halos mapatalon ako sa aking nakita at nasaksihan.

Hindi kaya namamalikmata lang ako? Pero kasi normal na yun dito sa mundong ito kasi lahat ng bagay ay nadadaan sa magic! Super wow!

"That's why I love magics." tanging sabi ko sa sarili ko. Bigla kasi nag-iba yung kulay ng room ko kaya sobrang na-shock talaga ako. Kung kanina gray lang ang wall ko, ngayon ay nagmukha na syang under water!. Ang daming fishes na malayang nakakapag langoy sa malinaw na tubig na bumabalot sa room ko.

Trinay kong hawakan ang mga ito. At hayun nahawakan ko nga sila! Siguro naman pwedeng pwede akong magsisid jan kapag may time?.

Since I'm still confuse kung pano nangyari yun. Binuksan ko ang pinto at lumabas sa pintuan ulit at nakita kong bumalik ito sa gray na pintura. Cool! Nag step in and step out ako at hayun nagbabago bago nga yung wall! Ang saya naman nito!.

"What is happening Kierra?" tanong ni Jhiwel at dumungaw ito sa room ko. Nagmukha tuloy akong ignorante. Pero sabagay, ignorante naman talaga. Ang kaso biglang nagbago naman ang itsura ni Jhiwel into a shocked one! Why?

"Nothing, I'm just amazed in this magic!" masiglang sagot ko dito.

"Under water, nice one! Kierra. I think I already know what is your power!" masayang sabi nito sa akin habang pataas-taas ang kilay. Pumasok naman sya sa kwarto ko at nag iba ang wall. May mga rocks and leaves na, alam nyo ba yung parang nasa dalampasigan ka?. Waah!! Ang sarap mag picnic tas ganito scenery? Ahhhh!! Nakaka-refreshing.

KIERRA FIRRA [COMPLETED]Where stories live. Discover now