Kierra Firra 34

2K 42 0
                                    

Hide and Seek, Die or Live


Hera POV.

Ano kaya meron sa babaeng ito at tila gustong gusto kaming pahirapan ha? Lalong lalo na kay Ate Wendie. Lahat ng kilos namin ay may kaakibat na komento na nanggagaling sa kanya. Hindi sya cool kung di nya aayusin yung pag papahirap nya sa amin. At ngayon? Gusto nya kaming mag laban laban kahit alam nya ata na Mag kakaibigan ang turingan namin dito?

Paano kaya sya nagawang pag katiwalaan nina Headmaster? Bat di nya man lang sabihin kung ano ang totoo nyang pangalan? May tinatago ba sya? Kasi kung Oo, pwes! Ako na mismo ang aalam nun

Bago ko matapos ang pag mumuni ko slash pang ra-rant sa Trainor na ito ay yinaya na ako ni Ate Wendie para sumunod na sa kanila.

Pinapasok nya kami sa isang Portal. Sa pagkapasok namin dito bumungad sa amin ang  isang magubat na lugar. At sa di namin inaasahan  ay binigyan  nya kami ng regalo at dali-daling pinasuot nya sa amin ang nasa loob nito. Isa itong tig-iisang life rate na sa pag kakaalam ko ay kadalasang ginagamit ito sa tuwing may mga quest ang Vuinrie at dito malalaman kung ilang percent na lang ng buhay mo ang natitira. naka lagay ito sa mga wrist namin. Kung di mo ito titignan ng mabuti aakalain mong isa itong maliit na relo. Isa lang ang Ibig sabihin nito siguradong sigurado na talaga sya sa kanyang ipinapagawa sa amin. Wala nang atrasan pa!

"Para naman may trill ang labanan na ito. Tumawag ako ng mga makakasagupa nyo dito sa loob. Oh common Ms. Haiss and Company!" tawag ng trainor sa limang mga panget na akala mo sinumpa ng langit dahil sa pagiging maldita ng mga ito. May masama akong kutob dito. At isa pa! Di pa ako nakakapag move on sa ginawa sa akin ng mga babaeng yan tapos ihaharap nya yan sa akin? Abaugh?! Sarap nilang pag hahampasin sa pader ng mag mukha na din silang pader! Kakaloka eh.

Siguro hindi agad agad mamatay itong si Haiss kasi ganyan ang mga masamang damo. Patagal ng patagal mas lalong humahaba ang buhay.

"Masama ito." Sabat ni TenEnen habang naka halumbaba pa! Katabi ko pala ang makulit na yan ngayon.

"Mas masama ka." Singit ko at iniwanan ito at Lumapit sa pwesto ni kuya para di nya na ako magawang guluhin. Well takot nya na lang sa kakambal ko hue hue. Tinignan naman ako ni Kuya nang nag tataka.

Teka nga, Ano problema nito? Dahil sa sobrang bait ko nginitian ko na lang ito ng ubod ng tamis. Nagulantangan na lamang ako na mali pala ang pwesto na pinili ko. Kasi Katabi nya si Ate Zoe.

Hayst alam nyo naman? Kapag mag syota mag lalambingan yan!. Bat dito pa ako pumwesto? May love birds alert!!! Shocks!! Aym liek ampalaya here! So bitter and loner

"Hello guys " bati sa amin ni Xapire habang may ngiting tagumpay. Sarap talagang hampasin! Grrrrrr

"Mukhang mag kakakilala na pala kayo. " sabi naman ng Trainor. Duh? Sarap na ngang sunugin eh. May balak ka pang ipakilala yan?

"So now, I change my mind gagawin kong by group ang labanang ito. At ang bawat grupo ay kinakailangang manatiling buhay sa loob ng dalawang oras. Parang Hide and Seek lang yan. Sa oras na makita kayo ng kalaban kailangang ninyong mag tuos hanggang ang isa ay maubusan ng life rate. At ang grupong may madaming nakaligtas ay bibigyan ng tig i-isang broom stick plus this" sabi ng trainor sabay pakita ng hawak hawak nyang itlog. Ano naman yun?

"Ano naman yan? " tanong ko dito. Tumingin ito sa akin tsaka sinuri ang itsura ko. Gandang ganda ka noh?

"Oh, Ms. Nomie this is  just an egg of a Rivarsour." Sagot nito sa akin habang may nakakalokong ngiti. What the? How come na nakakuha sya ng isang yan?.

Rivarsour, isa sa mga Nilalang na naninirahan lamang sa Immortal World at di kaylan man nag karoon sa Mortal World. Base sa nabasa ko. Critical ang kalagayan ng mga Rivarsour dahil sa di ma kontrol na mga kapangyarihan nito. Except na lamang sa mga Rivarsour na lumaki sa pag aalaga ng isang Immortal. Pero bihira lang makakuha nito kahit isang itlog lamang. Kadalasan kasing naninirahan ang mga Rivarsour sa Volnix Mountain na kung saan ay napapalibutan ng maiinit na apoy.

Kadalasang mga pumupunta doon ay para makakuha lang ng isang itlog ng Rivarsour pero di tumatagal ng 1 minuto ang buhay ng mga pumupunta doon dahil sa sobrang init at nakakapasong apoy. At base din sa nabasa ko, nagagalit ang mga Rivarsour lalo na kung kinuha mo ang pinakamamahal nyang anak. Humahantong naman sa kamatayan ang mga sinumang kumukuha ng isa sa mga anak nito. Tanging babala na lamang sa amin ng Hari ay wag na tangkain pang kumuha ng isa dahil ikamamatay mo lang ito.

"How come?" tanong ni Nate. Kahit sina Zoe ay nag tataka kung paano sya nakakuha ng isa nun.

"It's a secret! Com'on! Open your life rate and find the color of the letter flash in the screen" binuksan na namin ang mga life rate namin at biglang lumitaw ang letter A na color Green.

"Okay find your Group and then this 5 people here will be the seeker of the game and all of you will do the training into a game. Is that clear?"

"Yes!" sabay na sabi namin kaya nag sipag takbuhan na kami. well yung trainor? Bumalik na ulit sa portal para panoorin kami sa labas. Kapag naubos ang Life rate automatic out na sa nakakalokong larong ito. Pero mananatili kang buhay, may galos ka nga lang na makukuha after. Iniisip ko pa lang nasasaktan na ako!!! Blood blood yay!!!

Bago matuluyan akong mandiri. Kasama ko nga pala ang magaganda na sina Ate Zoe, Ate Wendie at Ate Jhiwel. Girls power ang peg namin. So sad wala si Ate Kierra, para masabunutan nya naman yung malditang babaeng yun. Well poor malditas mali ata binangga nyo? Kung di lang nila alam. Tsaka mas chaka sila kesa sa amin noh! Nako natural beauty yung amin while sa kanila? Full of make ups and such!!

While the other groups? All boys din ang grupo ng Letter B red siguro naman di sila papatol sa amin para makuha lang yung itlog diba? Subukan lang talaga nila nako nako ginigigil ako ei!

"Takbo Guys ! Malapit na sila. " sabi ni Ate Zoe kaya tumakbo kami ng mabilis. Running Man? Walking Dead? Or Train to Busan? Pwede na ata kami sumali sa mga Olympics sa sobrang bilis naming tumakbo ngayon. Naupo muna kami sa isang malaking puno at nag pahinga ng kaonti.

"Kailangan muna nating mag tago Jhiwel! Since nasa Gubat tayo siguro naman magagawa mo kaming takpan para di nila tayo mahalata hindi ba? Kailangan muna natin mag tago nako naman baka makita ang isa sa inyo ha. Tsaka iwasang magtamo ng sugat kung sakali" paalala ni Ate Zoe. Kaya love na love ko si Ate Zoe for Kuya.

"Sure I can do that" at sinimulan na mag magic ni Ate Jhiwel para mag mukha kaming mga puno't halaman. Galing galing talaga ng powers ni Ate Jhiwel. Well I love trees and plants or to be exact i love natures of magic.

Pero nag tataka pa din ako kung sino ba talaga ang Trainor namin na iyon kung mapag kakatiwalaan ba sya o hindi? At mayaman ba sya at may pang pa Rivarsour pa sya ah? Marami akong gustong itanong sa trainor namin na iyon. Kaso wala akong karapatan, bukod sa pagiging maganda isa lamang akong hamak na bata. Tanggap ko na mas bata ako sa mga kasama ko ngayon. Hindi ko na mababago yun -~-

KIERRA FIRRA [COMPLETED]Where stories live. Discover now