Kierra Firra 38

2.1K 47 1
                                    

The Blue Dragon

"Akalain mo nga naman? Hahahaha paonti-onti ko nang nasasakop ang pinakamamahal nilang Zaigot!." wika ng Reyna ng Darks sa kanyang sarili. Hindi nya akalaing hindi nya na kailangan pang dumihan ang kanyang mga kamay upang sya mismo ang makipag laban sa mga ito.

Sa kasalukuyan ay mas dumoble ang bilang ng mga napinsalang mga kagamitan. Mas lalo ring lumalakas ang mga Darks at hirap na hirap na ang mga ito sa pakikipag laban.  Ang mga Whites, karamihan sa kanila ay may mga natamong sugat sa kanilang  mga katawan, at ang iba naman ay nag paalam na sa mundo nang Immortal World, na may naiambag sa kasaysayan ng Zaigot.

"Hindi ko na kaya hindi sila nauubos!" Reklamo ni Jhiwel kasabay nang pag atake sa kalaban na nag tatangkang patayin sya.

Iba't ibang uri ng halimaw ang kanilang kina kalaban ngayon. Hindi lang sila pang ordinaryong mga halimaw, malalakas ang mga ito at may angking galing din sa pakikipag laban. Ang mga immortals nang Darks kadalasan sila ang mga Immortals na linason ng kasamaan ng Reyna ng Darks, gaya ng anak ng Reyna, isa lamang silang mga biktima.

Nilason ng Masamang Reyna ang mga utak nila, lahat sila ay kontrolado na ngayon, mga patay na mga bangkay ay kanyang binuhay.

Oo, Kaya nya buhayin ang mga ito, except sa Asawa nitong si Wade. Na lahit kaylan hindi nya magagawang buhayin pa.

"Ano mga Whites Suko na ba kayo? Hahahaha!" singit ng Reyna habang nakasakay sa kanyang karwahe na kulay itim, may apat na gulong na malalaki ang Karwahe nito. Ang nasabing karwahe ay napaka elegante kung titignan ito ay hila hila ng isang napakalaking higante.

Naka damit ang Reyna ng Darks, ng kulay itim na Gown nag mistulang espasol dahil sa mapuputing kutis nito at na mumutlang mga labi. May korona itong nakapatong sa ulo, may kapa na nasa likuran at may hawak itong tungkod at sa tungkod nito ay nakalagay dito ang wand nya. Ang wand nyang may kakayahang pumatay ng isang nilalang. Kaya sa isang kumpas ng kanyang Wand pwedeng lumabas ang itim na kapangyarihan nito.

Sa unti unting pag lapit ng Reyna ng Kasamaan mas lalong lumiliit ang tyansa na manalo pa ang Whites sandamakmak pa ang mga Darks na buhay. Lahat sila ay naka palibot sa Reyna.

"Horisma oripsima!" nagulat ang lahat sa pag pasok ng Headmaster. Pinaulanan nya ng mga apoy ang mga Darks, pero tila walang nag bago mas lalo silang dumami, kung gaano karami ang napatay nya ay ganun na din ang pag doble ng mga ito.

"Masyadong mahina hindi kinakaya, wala akong choice!" Sambit ng Headmaster at inilabas nito ang apat na Dragon sakay sakay ang mga Elementia

Ang White Dragonite na nag tago sa Nuniña Village na hinanap nina Hera Raven at Wendie

Ang Red Dragonite na hinanap nina Nate and Ten sa Zaigot Village.

Ang Green Dragonite na nanatili sa Dark forest of Hafricon Village at natagpuan ito nina Zoe at Dominic

Ang Gray Dragonite na nasa Wairnax Village lang pala buti na lang nahanap nina Ford at Jhiwel.

Isa na lang ang hinihintay upang makumpleto ang limang Dragonite.

Ang Blue Dragonite na hanggang ngayon ay hinhanap pa din nina Hunter at Kierra.

KIERRA FIRRA [COMPLETED]Where stories live. Discover now