Kierra Firra 18

2.6K 64 0
                                    

Twelfth Element


"hahahaha sabi ko naman kasi sayo ei wag mo yan kainin!" natatawang sabi ko Kay Raven. Nandito kasi kami sa dining hall ngayon, kasalukuyang kumakain ng mga pagkaing may Magic ^•^ well ganun talaga na-curious kasi kami masyado kaya sinubukan naming kainin ang mga pagkain ng mga immortal. Well some o them ay nalasahan ko na kaya todo ang pangti-trip ko kay Raven.

May pinakita kasi ako sa kanya na isang pizza. Masarap kung ito ay tititigan, kung ito naman ay iyong titikman nakakatiyak ako na ito ay sobrang sama ng lasa as in!. Magtataka ka talaga kung, pagkain pa ba 'to o ano?. Ako nga nung una kong nalasahan yun halos bumaliktad na ang sikmura kaya sinabihan ko syang 'wag na 'wag nyang kainin yun! hahaha inagaw ba naman sa akin yung pizza, sabay kinain! Di nya kasi alam ang lasa kaya hayan suffering to the max sya ngayon! Hohohoho. Ayaw kasi maniwala, akala mo naman nagsisinungaling. Ayan tuloy pft!.

"Sino ba ang nag imbento nito? aaacckk!! Pwe! Pwe!" nandidiring sabi ni Raven. inabutan ko sya ng tubig, pero ang loko tinignan pa yung tubig na inaabot ko sa kanya. hahahaha ano akala nya? pati yun may something? Na trauma na agad? Hindi ko rin sya masisi.

"Ayan kasi katakawan mo pairalin mo pa  nang maka-jackpot ka ulit. Pero infairness Raven ha? di ka tumataba? bat nga ba ganun? kahit anong kain mo sa mga pagkain ko ay di ka man lang tumataba" tanong ko habang pinipisil pisnge nya. Diinan ko kaya? dun sa bandang pasa nya? hahaha ang sama ko namang bestfriend! Kalaunan ay sinimulan nya na ding inumin ang inabot ko sa kanyang tubig, nang biglang may naisip akong kalokohan. Opps!

"hala! Raven nakalimutan ko! Ayan pala yung bote na pinag lagyan ko ng baby crocodile kanina, oh my gosh sorry!" pagsisinungaling ko at mayamaya din...

"ark ark" at ilinuwa nya yung nasa bibig nya na tubig. Wahahahahaha hindi ko na mapigilan pa ang sarili at tumawa ng sobrang lakas.

"hahahahaha ang epic ng mukha mo Raven pft!  joke lang yun, ano ka ba nakita mo naman kanina na ibinalik ko na sa lagayan yung crocodile at iniwan dun." tawang tawa na sabi ko. Ewan ko ba kay Raven masyadong naniniwala agad. Pero kadalasan kapag nadadala na sya sa mga prank ko ay asahan mo nang hindi ka nyan paniniwalaan buong araw!

"aba ikaw na bata ka. Lumapit ka nga dito Kierra Firra Halt!" pag babanta nya sa akin. Nako naman Raven! wag ako!

"Sorry na! Hehehe" paghihingi ko ng tawad habang kinikiliti nya ako. Ayan lagi ang natatanggap ko sa kanya kapag nahuhulog sya sa mga prank ko! Argh! Alam nyang malakas ang kiliti ko lalo na sa tagiliran.

"ehem! Ehem! pwede kaming maki-upo?" biglang sulpot sa harap namin nina Zoe. By the way Hindi lang si Zoe ang nandirito. Complete attendance silang lahat! pati si Hunter kasama. Kaya pala parang nag iba mood nitong katabi ko. Subukan lang nila mag away, ako na mismo ang mag uuntog sa mga ulo nila.

KIERRA FIRRA [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora