Kierra Firra 8

3.2K 85 0
                                    

Flowk Dormitory

"Congratulation students! You may now go to your dormitories." sabi sa amin ni Professor Strun

Pumunta naman ako sa magiging dorm ko at ito ay ang FLOWK dormitories. Yep! Flowk ang sinulat ng apoy sa papel kanina. Part of me natutuwa dahil kahit papaano may kakilala na rin ako. Pero yung dalawa kasi eh ang daya! Hmp! Di kami magkakasama. Tsaka may asungot akong makakasama makakatagal kaya ako nito?

Naglakad na ako papunta sa mahabang mesa ng Flowk. Kahit labag na labag sa kalooban kong makasama sa iisang lamesa si Hunter ei wala na rin akong nagawa pa. Pagkarating ko duon ay sinalubong naman ako ng malalawak na ngiti nina Zoe. except kay Hunter of course na ang sama ng tingin sa akin. duh? Ano pa nga ba ang bago sa lalaking yan? Wala na nga atang ginawa yan nang tama lagi na lang nakakunot ang noo sa akin. Tsaka as if naman ginusto ko dito like duh? Don't me.

Ka-onti na lang talaga aakalain ko nang may dalaw 'to araw-araw. Umupo naman ako sa katabing upuan ni Zoe. Syempre komportable na ako sa presence ni Zoe ei. Kaharap naman namin sina Jhiwel, Hunter and Ford at kahanay ko naman ay si Zoe at Iver. Ang saya saya nila na makasama ako sa dorm nila.

May pinakilala sa akin sina Ford ka-barkada raw nila yun kambal na sina Nate and Ten Maayos naman sila kasama and ang saya saya nila. I can feel na they want me also to be part of this family.

Sinilip ko naman sina Hera and Wendie na masayang masayang maka-meet ng bagong friends. Later on Natahimik ang lahat ng nag ring ang hawak-hawak na bell ni Professor Strun.

"students! Attention please!" sigaw ni Professor Strun. Kaya tumahimik naman kaming lahat. After namin tumahimik, Tumayo na naman si Headmaster.

"Before we start our celebration let's give an around of applause  to our  beloved Royal Highnesses who witness the start of the year!" Pumalakpak naman kami. Royal Highnesses nga talaga ang dami dami nila pero, may isang Royal Highness ang naka-agaw ng aking pansin. Isang tao ang nakatingin sa akin kanina pa, naka-upo ito sa hanay ng King and Queen. Ang cool nyang tignan, pala ngiti ito hindi kagaya ni Hunter  na mukhang lupa na at sa bawat ngiti nito mas lalo syang gumagwapo. aaah!! Stop that! Kierra he was also a Royal Highness! Respect.

Tsaka isa pa mukha syang mas bata sayo. Kaso kasi! Nakakapanggigil ka kyutan nya. At saka bakit mo pala sya kinukumpara kay Hunter the bubuyog? My goodness Kierra mas hamak na cute ang batang ito kesa dun. Ah! Basta hawig lang kasi sila.

"Now. Let this celebration begin!" at pinitik ni Headmaster ang daliri nya and viola! May mga nagsidatingan na mga pagkain galing sa taas. Iniaabot ito sa amin ng mga baging na aakalain mong mga higanteng kamay na inilalapag ang mga pagkain sa mesa. May mga tumutulong din na mga ibon sa paghahatid ng pagkain sa lamesa. Oh my! ang cool!! Tsaka ang cu-cute nila.

"Wow!" tanging nasabi ng lahat. Sa kakaibang mahikang ginawa ni Headmaster. Nagsimula na kaming magkainan halos lahat busy sa paglantak ng mga pagkain. Ang sarap ng mga nakahain super!.

"Kakaiba talaga si Headmaster" sabi ni Ford na pailing-iling sa kinauupuan nya.

"Tangengot ka ba Ford? Malamang kaya yun ni Headmaster halos lahat ata ng spell kaya nya na gawin." segunda ni Jhiwel

"lahat? as in? how did you know Jhiwel?" ako with oh expression. Nag aaway ba sila?

"Siguro ata? Hindi sya magiging Headmaster kung hindi nya alam di ba?" sabi ni Jhiwel sa akin. Well totoo naman.

KIERRA FIRRA [COMPLETED]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें