Kierra Firra 14

2.6K 76 1
                                    

Jericho and Scarlet Flaws


"Aquarin! I know na how to swim!" masayang sabi ko kay Aquarin habang pakanta-kanta pa. I'm so proud of myself!. Pagkarating ko kasi dito sa kwarto ko biglang bumunga bigla si Aquarin.

"Good fof you, now can we do the rituals?" masayang tanong nito sa akin. Kaso umiling lang ako dito na syang ikinataka nya naman. There's one thing pa eh.

"Hindi ko pa kasi kayang tumagal ng mas matagal sa tubig, er give me another one day para pagpraktisan ko ulit ito" sabi ko. Napa kamot na lang ito sa kaniyang ulo huhuhu I know na disappointed si Aquarin pero kasi eh! Wala naman tumuturo sa akin.

"Akala ko pa naman marunong ka na. sino ba nagtuturo sa'yo?" pang-uusisa nito sa akin.

"Sarili ko lang" proud na sabi ko. Wala naman si Ford at si Hunter naman ay pinanood lang ako.

"Bakit hindi ka nagpaturo kay Mr. Cruen?" nanghihina na sabi nito. Si Ford kasi eh! Wala sa timing.

"may date daw sabi ni Hunter" hindi siguradong sabi ko. mukha kasing nag si-sinungaling yung Hunter di pa naman kapani-paniwala mga sinasabi nun.

"That Cruen dumadamoves" di makapaniwalang sabi nito. may pa iling-iling pa

"Sa susunod na araw na lang natin gawin ang rituals may importante lang akong pupuntahan ngayon at bukas. Magpahinga ka muna Ms. Halt." At lumangoy na nga ito papalayo. Seriously? Hindi ba uso sa kanila ang good bye? Nako naman. Pero ayos na rin iyon, buti na lang at makakapagpahinga ako ngayong gabi at bukas ng buong araw! Sumasakit na kasi ang likod ko. Dapat pala nag stretching muna ako kanina Geez I forgot! Ayan tuloy nabigla.

Nagbihis na ako pagkatapos na mawala sa paningin ko si Aquarin. Naisipan ko ring titigan sarili ko sa salamin. Napapansin kong hindi na masyadong nagbabago kulay ng mata ko. Usually kasi kapag nagiging masaya ako kahit panandalian lamang napapalitan kulay ng mata ko pero bakit ngayon hindi?

Siguro nga hindi ako ganun kasaya. Oo masaya naman ako na nandirito ako ngayon. Sino naman di sasaya kung lahat ng nasa paligid mo ay all about magics? Aakalain mong nasa fairytale ka na?. Na kung dati ay karaniwang nababasa lang sa mga fairy tale's book. Ang kaso lang din ay sa tuwing sumasaya na ako naaalala ko sina Mom and Dad. 3 days na akong nandirito pero heto pa rin ako may home sick pa rin. Hay! Buhay nga naman parang life.

Buti pa sila Zoe parang sanay na sanay na hindi kasama ang mga magulang nila. Oh geez sa tingin ko kailangan ko na maging independent!

WENDIE POV

"Sa tingin mo Ate Wendie totoo yung mga nabasa natin nung nakaraan sa wand book?" tanong sa akin ni Hera. Kasalukuyan kaming nasa loob ng kwarto ko.

"Oo naman Hera, kitang-kita nga ng mga mata ko na magkakapareho nga yung mga Wands natin na nandun sa libro" sabi ko dito habang inaayos ang unan ko.

KIERRA FIRRA [COMPLETED]Where stories live. Discover now