Kierra Firra 17

2.5K 68 0
                                    

The fight

"Class dismissed and Miss Kierra Firra Halt, please stay. I want to talk to you. and the rest. You may now all go." sabi ni Professor sa amin at nagsilabasan na nga ein sila. Ano naman kaya pag u-usapan namin? nakinig naman ako sa kanya kanina. Promise cross my heart! kahit papaano ei nakinig ako, hindi gaya dati na hindi talaga. hahaha well onti lang naman hihihi.

inayos ko muna mga libro ko at pumunta sa harap ni Ma'am I mean Professor.

"Kamusta ka naman dito Kierra?" umpisa nito. Habang busying-busy sa sinusulat nya sa papel.

"okay lang naman po ako Ma'am ay este Professor. I'm enjoying the new atmosphere here hehehe." 'di ko alam kung matatawa ba ako o ewan? nag mu-mukha na naman akong tanga dito eh.

"it's good to hear that. By the way, I know you are wondering why me and Raven are here, right?" sabi nito habang nakatingin na sa mga mata ko. Oo nga naman? nag wa-wonder na ako dito kanina pa. tinanguan ko na lang sya bilang pagsangayon sa tanong nya.

"let us start with Raven. Raven is My Sister's Son. I know you don't know about it. Me and my Sister are pure Wizard. same with Raven. We keep this secret to the both of you since you and Raven are still a child back then. But I know, nakakahalata na si Raven sa mga nagagawa nya na hindi pangkaraniwang ginagawa ng mga bata. Hanggang sa nalaman na nga nya ng tuluyan kaya we decided na pag-aralin na dito si Raven since you are here too." paliwanag sa akin ni Professor habang matiimtim na nakatingin sa akin.

"paano nyo naman po nalaman na I'm a wizard too? kahit nga po nung nasa mortal world pa ako hindi ko man lang nalaman na isa pala akong wizard? tapos po kayo nalaman nyo ka-agad?" nginitian lang ako nito, may mali ba sa sinabi ko?

"because of your eyes and tattoo. Nandun ako ng pinapakita mo sa mga dati mong mga kaklase na may tattoo ka sa batok. Ang kaso, they can't see it. and I always see your eyes changed into blue." sabi ni Professor habang nakangiti. Nga naman, di ko expected yun ha. Pero bakit feeling ko ang gulo? bakit nya sa akin ito sinasabi ngayon? tsaka kung pure wizard si Raven bakit mas pinili nilang manirahan sa mortal world kung lahat ng ka-kailanganin nilang lahat ay nandito na?. So weird ha.

"Can I borrow Kierra now Professor?" singit ni Hera na ngayon ay nakasilip na pala sa pintuan, akala mo nagmamadali na ewan. May lakad lang teh? Kaya hayun tinanguan sya ni Professor. Agad-agad nya naman akong hinila papalabas ng Dark Arts room. Why on hurry?

Bakit kaya ang hilig nilang manghila talaga eh noh? lagyan ko na kaya ng tali mga kamay ko? nang sa ganun kitang kitang hinihila talaga nila ako?. Tsaka naman! Hera! may bitbit akong dalawang malalaking libro about dark arts. Baka naman diba? Pwede naman sigurong magdahan-dahan.

"bakit ba tayo nagmamadali Hera?" tanong ko dito habang patuloy nya pa rin akong hinihila. Pero ang loka parang walang balak sagutin tanong ko ah?
Hanggang sa nakarating kami sa isang soccer field. Ano naman kaya ang gagawin namin dito ha?

KIERRA FIRRA [COMPLETED]Where stories live. Discover now