SIAP: Escape Plan #60.1

615 6 0
                                    

Note ni Mawi:

Guys after ng SIAP sana abangan nyo din ang next story ko entitled 'The Painter's Eyes'

Pero sana matapos ko din ung 'I can't believe I Fell in love with a Jejemon'

#####

Escape Plan #60

Tita Xandra: "Doc, ano na po bang kalagayan ng anak ko?"

Kausap namin nila tita si Dr. Roi, kaibigan nila tita noong college na dito din nagtatrabaho sa QGMI bilang doctor at scientist na din, isa siya sa mga nagdevelope ng formula para sa sleeping pellets.

Nandito kaming lahat sa kwarto ni Becca, nailipat na kasi siya sa isang presidential suite dito sa QGMI. Kumpleto kami dito, nandito din sila kuya Migz, Yanie at Red.

Dr. Roi: "Sa ngayon stable naman na ang vital signs niya, we're still doing some test on her. Tulad nga ng paliwanag namin noong unang i-launch ang sleeping pellets ay may mga ilang side effects ito. Ang sleeping pellets ay naglalaman ng mga chemicals na ginagamit, technically to set the target into a deep sleep or coma for approximately about 2-3 days depending on the dosage."

Tito Axein: "so in less than a week magigising na ba ang anak namin?"

Dr. Roi: "I am sorry to say Axein at Xandra pero mukhang matatagalan pa bago siya magising. Iba kasi ang kaso ni Rebecca, kung nagkaroon siya ng isang normal na coma ay posible tumagal ito ng mahigit-kumulang apat na linggo pero tulad nga ng sabi ko kanina, may mga ilang side effects ito lalong lalo pang ang utak niya ang naapektuhan. Maswerte tayo kung magising siya in less than 6 months--alam ko masyadong matagal. Kailangan lang natin ng matinding pagt-tyaga."

Nagsisimula ng mamuo muli ang mga luha sa mga mata ni tita. Napatingin ako kay Becca na nakahiga sa kama hindi kalayuan sa amin.

'wag ka mag-alala Becca... malalagpasan din natin ito.

Tumayo na si Dr. Roi.

Dr. Roi: "mauna na ako sa inyo... Kapag may nakita kayong kahit na anong signs katulad ng pagresponse gamit ang kahit na anong parte ng katawan, pagsasalita o pag-ungol, ipagbigay alam nyo agad sa amin."

Yanie: "doc... Totoo po bang nakakarinig sila? I mean nakakarinig naman po ang mga coma patients di ba po?"

Tumingi muna sa akin si Dr. Roi at ngumiti tapos ay tumingi sya kay Yanie at sinabing,

Dr. Roi: "no'ng una hindi ako naniniwalang nakakarinig sila pero no'ng nagkaroon ako ng isang pasyente na nalagay din sa ganyang sitwasyon, tinanong ko siya kung totoong bang nakakarinig ang coma patient, sabi niya totoo daw, ang bawat salita ng mga mahal niya sa buhay at panalangin ang tangi niyang pinangawakan para magpatuloy sa paglaban, akala nga daw niya na matutuluyan na siya. Kaya mas maigi kung lagi niyo siyang kakausapin, sabihin niyo kung gaano siya kahalaga sa inyo."

Tuluyan ng umalis si Dr. Roi.

MARCH...

...APRIL...

...MAY...

...JUNE,2008

Tatlong buwan na akong lutang. Ang dami na masyadong nangyari sa maiksing panahon. Tatlong buwan, pinatigil na kami ni tita Xandra na maging agents. Sabi niya mas mabuti kung mamumuhay na lang kami na parang normal na high school student pero syempre kulang pa rin ang lahat ng ito kasi hanggang ngayon ay coma pa din si Becca.

Tatlong buwan na mahigit simula noong barili niya ang kanyang sarili. Sabi ni doc hindi naman daw aabot sa puntong mamamatay siya unless si Becca na mismo ang bumigay. May posibilidad din na mawala ang ilang bahagi ng memorya niya, o kaya naman ay magkaroon ng ilang malfunctions ang pagkilos niya pero magagamot pa naman raw iyon ng therapy at medications.

Stuck in a Photograph by Mawi CataranWhere stories live. Discover now