SIAP: Escape Plan #05

1.9K 30 3
                                    

Escape Plan #05

<Pananaw ni Becca>

Hindi ko akalaing inapproach ako ni Tor. I mean, ‘di ba nga magka-away kami no’n?! Saka ang weird talaga niya simula noong nagkaalitan kami ni Denise.

Magkasabay kaming pumunta sa may parking lot. Ni-isa sa amin walang nagsasalita. Ano ba ‘yan! Mas maigi pa na nagaaway kami kesa sa ganito. Nakakapanibago! Grabe hindi ko na kaya itong katahimikang ito!

Tumigil siya noong nasa may parking lot na kami.

Anong problema niya ngayon??

Becca: “oh, bakit ka tumigil?”

Tor: “sa’n nga pala tayo sasakay?”

Oo nga noh!

Sa’n nga ba?

.

.

.

SHOOT!

Sinabi ko nga pala kay Kuya Judis na kay Red ako sasabay pag-uwi. Pa’no na ‘to? Wala pa naman akong phone ngayon.

Becca: “wala kasi akong phone ngayon e, grounded kasi ako. Sinabi ko kasi kay Kuya judis na ‘wag na akong sunduin kasi kay Red ako sasabay...”

Kasi naman wrong timing magyaya ‘tong si Tor e! At ang tanga ko naman kasi pumayag ako.

Tor: “ah, gano’n ba?”

Tumango ako.

Tor: “ok lang ba sa’yo kung mag-commute tayo?”

Becca: “HUH?!”

Tor: “Bakit?”

Becca: “ah..eh... hindi kasi ako marunong magcommute e.”

Tor: “seryoso??!”

Tumango ulit ako.

Isa beses pa lang ako nakakapagcommute at ayoko ng ulitin pa ‘yon!

*pagbabalik-tanaw*

Becca: “hello kuya! Nasaan ka na ba? Gabi na wala pa ‘yung sundo ko!”

Alex: “’di ba tinuruan kita kung paano magcommute?”

Tinuruan mo lang ako kuya pero hindi ko pa nasusubukang gawin.

Sinabi niya lang kung anong sasakyan ko at kung saan ako bababa pero NEVER ko pang nagagawa ‘yun!

Becca: “pero kuya hindi ko pa nagagawang i-apply ‘yun sa buhay ko.”

Alex: “e di mas maigi siguro na i-APPLY mo ngayon. Marami pa akong ginagawa. Tandaan mo ‘yung mga tinuro ko sa’yo ok? Ingat ka kulet.”

Pagkasabi niya no’n ay inend na niya ‘yung tawag. Kuya ang sama mo talaga! Huhuhu. Pa’no na ako!!!!!

Magko-commute ba talaga ako? Malamang! Wala naman kasing susundo sa akin e. Nasanay na kasi akong may sundo kasi mahina resistensya ko sa ma-usko na lugar. Saka hassle ‘yung mag-commute.

Wahayst.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa sakayan ng jeep.

Habang naglalakad ako, medyo napansin kong may sumusunod sa akin. Walanjumokanamantalagawoh! Ayoko ng ganitong pakirandam!! ‘wag siyang magkakamaling lapitan ako! NAKOOOOOOOOO baka mapatay kosiya!!

???: “miss”

Hindi ko siya pinansin at binilisan ko ‘yung lakad ko.

Pero,

Sinusundan pa rin niya ako!

Lord please po help me...

Naramdaman kong may tumapik sa likod ko.

???: “miss.”

Becca: “WWAAAAAAAAAHHHHHH!!”

Kumaripas ako ng takbo dahil sa takot ko! WALANJUMOKATALAGANGMALIGNOKAAAA!!!!

Sa bilis ng takbo ko ay nakarating agad ako sa may sakayan ng jeep. At dali-daling sumakay sa paalis na jeep. Hindi na akong nagdalawang-isip pa. Lahat ng pasahero sa jeep e sadyang nakatingin sa akin.

Medyo malayo na rin ang binayahe ko. WAIT, parang hindi naman ito ‘yong daan pauwi wah. Nakalimutan kong magbayad!!

Becca: “manong bayad po.”

Manong: “sa’n papunta ‘to ne?”

Sa puso niyo este sa inyo?!! Hahahaha

Becca: “Pacita po.”

Manong: “Binan ‘to ineng. Sa kabilang daan ‘yung papuntang Pacita.”

Becca: “PO?!!! Ma, para na po!”

Hala! Nasa’ng lugar na ba ako??!! Hindi na ako pamilyar sa lugar na ‘to! T_T gabi na, natatakot na talaga ako. Kuya naman kasi e.

Tatawag ko na talaga siya. Kinuha ko ‘yung cellphone ko sa bag ko. ‘yung... cellpho—WTF!!! CELLPHONE KO NAWAWALA!!!

Sa’n ba may pay phone dito?

*lingon sa kaliwa*

*lingon sa kanan*

Madilim na... sa’n naman ako makakahanap ng payphone dito sa lugar na ‘to? Wala na akong choice kung hindi ang maglakad at maghanap ng pay phone. Sa hindi kalayuan ay nakakita ako ng babaeng naglalakad...

Becca: “ate, sa’ po may payphone dito?”

Hindi siya nagsalita pero tinuro niya sa akin ‘yung isang tindahan medyo limang bahay layo sa kinakatayuan namin. Sa hindi maipaliwanag na dahilan e sadyang kinilabutan ako sa babaeng nakausap ko.

Becca: “baka... MUMU!!!! TAKBO!!”

Kumaripas na naman ako ng takbo papunta sa may tindahan. Kanina maligno ngayon naman mumu!!! Nakarating agad ako sa may tindahan.

Becca: “tao po,”

Tindera: “ano pong hanap ‘te?”

Peace on earth??? At pay phone?

Becca: “may payphone po kayo?”

Tumango siya at inilabas ‘yung telepono. Nginitian ko siya at dinayal ang number ng telepono sa bahay namin.

*krringgggggggg* *krringgggggggg*

Becca: “Yaya sagutin mo na please”

???: “hello, Sarmie—”

Becca: “yaya sunduin *hik* mo na ako di *hik* to please naliligaw na po ako!! *hik* *hik*”

Yaya Pilar: “nasa’n ka ba becca?”

Asan na nga ba ako??

Tinanong ko ‘yung tindera kung anong lugar ‘to tapos sinabi ko kay yaya. Agad naman niya akong sinundo.

Dahil sa nangyaring iyon e hindi na talaga ako naghamak na mag-commute.

*pagtatapos ng pagbabalik-tanaw*

Tor: “Becca?”

Niyuyugyog ni Tor ‘yung balikat ko.

Becca: “huh?”

Tor: “ok ka lang ba? Bigla ka na lang natulala d’yan.”

‘kaw naman kasi e! Pinaalala mo pa!

Becca: “please ‘wag na tayo magcommute. Pahiram na lang ako ng phone mo. Iti-text ko si Kuya Judis, sasabihin kong sunduin tayo. Basta HUWAG NA HUWAG lang tayo magcomm—”

*BANG!!*

Becca: “TOR!”

Stuck in a Photograph by Mawi CataranWhere stories live. Discover now