SIAP: Epilogue...(ata)

399 5 0
                                    

Epilogue (daw)

After 2 years...

3 months later…

*kkkrrrrrrrrrrrrriiiinnnnnnnnnngggggg!*

Alarm clock. Alarm clock.

Kinapa ko kung nasaan ‘yung alarm clock.

BINGO! *click*

Napansin kong may papel na nakadikit sa noo ko.

‘Ang pangalan mo ay Rebecca Alexie Rodriguez Sarmiento. Nicknames: Becca/ Alexie/ Lexie’

Becca: "Huh? Bakit ako may gan-"

*click! click! click!*

Becca: "TOR! Sira ulo ka talaga ibalik mo sa akin 'yang camera ko!"

Tor: "ASA KA!"

Dalawang taon na rin pala ang nakalipas simula noong magising ako from coma. Mantakin mo halos anim na buwan akong tulog.

Akala ko talaga matatapos na 'yung buhay ko noong mga oras na 'yun pero minasn tinuturing ko na din na blessing in disguised 'yung kalokohan ko. Kung hindi pa ako naging suicidal hindi pa maaayos ang lahat. Hanggang ngayon hindi pa din ako lubusang gumagaling, nasumpong pa din 'yung "amnesia" ko.

Tor: "Happy 18th birthday Blueberry ko!"

Oo, tama ang nabasa niyo, debut ko ngayon!

Walang magarbong party, isang simpleng handaan lang sa bahay kasama ang mga taong malalapit sa buhay ko.

Becca: "Mommy! Si Tor ayaw ibalik 'yung camera ko!"

Nag-aalmusal na sila mommy at daddy sa may garden, si kuya naman kabababa lang.

Kuya Alex: "Nice hair and PJs khulet. ganyan ba ang usong style ngayon?"

Tinitigan ko na lang siya ng masama.

Kuya Alex: "Happy birthday."

Daddy Axein: "Jasper tigilan mo na 'yang si birthday girl."

Binelatan ko na lang si Tor. Buti nga sa'yo!

Daddy Axein: "pero i-print mo ng malaki 'yung picture niya...Aray ko naman Xandie!"

Mommy Xandra: "gatungan pa..."

Tumabi nalang ako kay mommy tutal siya lang naman 'yung kakampi ko. Kumain na kami ng almusal tapos nag-ayos na ako ng sarili. Habang naghahalungkat ako ng damit ko nakita ko ang isang picture namin sa HQ.

Magkatabi kami ni Tor na going strong hanggang ngayon. Pareho na kaming nasa college ngayon, na late nga lang kami ng isang taon. Nag-photography ako tapos si Tor nag-Fine Arts. Si Red at Yanie parehong nag-nursing, ayaw talagang maghiwalay noong dalawang 'yun.

Si Louie naman nag-engineering at hanggang ngayon e naghahanap pa din ng lovelife. Si kuya ALex at ate Maggie engage na, syempre ako ang maid of honor tapos si kuya Migz ang bestman. Nagtatampo nga si Tor kasi hindi daw kami ang magkapartner oki lang 'yun 'di ba, para naman maiba.

Si kuya Migz ayun naghahanap pa din ng mapapangasawa.hahaha. Si denise naging secret agent na siya ng QGMI at nag-aaral ng fashion designing, nga pala tanda niyo ba si Theo? Mantakin niyo magkababata pala sila ni Denise at sa pagkakaalam ko e naliligaw daw si Theo sa kanya.

Si Lolo Ed,btw, COOLEST LOLO EVER! Alam niyo bang pinayagan niya akong mag-sky diving?! ANG SAYA SUPER!!! Si Mommy Xandra at Daddy Axein naman, masaya ako na nakilala ko sila. Hinding-hindi ko sasayangin ang pangalawang buhay ko at araw-araw kong sasabihin sa kanila kung gaano ko sila kamahal.

Mommy Xandra: "Becca, anak! Bumaba ka na d'yan! nandito na 'yung mga bisita mo!"

O paano ba 'yan kelangan ko ng bumaba. Salamat sa pagsama niyo sa adventure ng buhay ko!

I love you guys! Bye...

Love, Becca

The End.

ata.

#####

Note ni Mawi:

kapag natapos na ba toh... susuportahan niyo pa rin ba ako?

Stuck in a Photograph by Mawi CataranWhere stories live. Discover now