Chapter 15 (B) : Shane

Start from the beginning
                                    

Pumasok na ako sa kwarto at inayos ang mga gamit ko.

Humiga ako sa kama. Hay! Ang sarap matulog.

(-_-)zzzZZZ

Paggising ko, tiningnan ko ang oras.

O.o

9:05pm

Bumangon ako para bumaba. Nagutom kasi ako bigla.

Pagbaba ko, nagdiretso agad ako sa kitchen. Mabuti may pagkain.

(^O^)

Ang sarap naman ng adobo na to. Saan kaya to binili ni Gian?

(-"-) Si Gian???!

Napatayo ako.

"Gian?" tawag ko sa kanya.

Umakyat ako sa kwarto niya.

Pagbukas ko ng pinto, wala namang Gian.

"Gian.."

Nagpunta ako sa likod ng bahay, wala din. Sabagay, ano naman kayang gagawin niya sa likod-bahay ng ganitong oras, diba?

Nagpunta ako sa may labas, pero napansin ko wala ang kotse niya. San siya nagpunta? (?_?)

Pagbalik ko sa loob, iinom ako ng tubig tapos nakita ko may note na nakalagay sa ref. From Gian, may gig daw siya ngayon.

Grabe naman. Talagang iniwan niya ako dito sa bahay ng mag-isa? Wala ba siyang concern saken?

:@

Pwes bahala siya. Ila-lock ko ang pinto. Matulog siya sa labas!

Bumalik na ako sa kwarto ko.

**

Umaga na ng nagising ako. May pasok pa nga pala. Naligo na ako at pagbaba ko, nakita ko si Gian, nakahanda na ang breakfast.

Pano to nakapasok?? (?_?)

Ah, may susi siguro siya.

Pagkatapos naming kumain, syempre ako naghugas ng pinggan.

Siya nagluto eh. Siguro siya rin nagluto ng adobo kagabi.

"O." may inabot siya sa aking susi.

"Ano to?"

"Baka susi" ba pilosospo to ah!

"Alam ko, bakit mo binibigay sa akin to. Ako magddrive??"

"Oo."

"Aba sineswerte ka, ano ako? Driver mo?"

"Wala akong balak na kunin kang personal driver, yung bigay na kotse ni Lolo, yun ang gamitin mo sa pagapasok sa school. Hindi ka pwedeng sumabay sa akin"

~_^ Yabang ha! Oo na. Ikaw na nga ang hearthrob at ako ay isang hamak na mortal lamang! Pwes ayoko din namang sumabay sa kanya. Sungit! Suplado!

>3<

"Marunong ka namang magdrive diba?"

"OO naman!" pagyayabang ko din. Ba! Kala mo ha! Pero ang totoo, di naman talaga ako masyado marunong, pero kaya ko, at sapat na yun para hindi ko makasabay sa pagapasok ang supladong to!

"Ok. Good. Aalis na ako. Ligpitin mo yan ha."

Bwisit! Galing mag-utos! Che!

**

Pumasok na din ako, gamit ang aking, AKIN talaga. Hahaha brand new car!

\(^O^)/

Lahat ng nakasabay ko sa pagpapark at yung mga estudyanteng andun namangha sa kotseng pumarada. Hindi pa ako bumababa niyan. What more pag bumaba na ako.

Marry Me (completed w/ Special Chapter)Where stories live. Discover now