2 messages received.

Isa kay Charles at isa kay mama.

From : Charles <3

Babe, hatid kita maya ah? Diba 5pm ang labas nyo?

(sige, pero dapat bago mag 5 pm nasa gate ka na ah?)

*message sent*

Pagkatapos naming kumain at magpahinga. Pumunta na muna kami ni mika sa library para sa ilang libro na makakatulong sa discussion namin ngayon. At sabay na din kaming pumasok ng classroom.

 Wala ako sa mood makinig sa mga lecture ng prof after ng Language subject namin. Yung bored na bored? AKO yun. Haha .

Tapos na ang klase sa araw na to. Makikita ko na ang bakulaw kong boyfie.  Yey!

“best,?” si mika

“oh?, susunduin ako ni Charles, gusto mo hatid ka na din namin sa bahay nyo?”

“pupunta akong mall eh, pede dun nyo na lang ako ihatid?”

“sige, sabihin ko. Tara na?”

Hinila ko na si Mika, ang bagal kase maglakad, akala mo pagong.

Pagdating namin sa parking lot, nagulat ako sa nakita ko. Ang boyfriend ko may kaharutan na ibang babae,  player ng Women’s Volleyball ng University namin.

*kalma Athena*

*kalma Athena*

“best? Okay lang kung hindi na muna tayo sumabay sa kanya"

“ah hindi.. lalapit tayo dahil ako ang girlfriend”

Hinila ko na si Mika papunta sa kotse ni Charles.

“ahem!” ako

“ow, hi babe” halatang nagulat siya na andun na kami. Gusto pa sana nya humalik sa pisngi ko kaso umiwas ako.

“mind to introduce your friend?” tinaasan ko talaga yung boses ko sa salitang friend.

“hi, I’m Katherine, member ng Women’s Volleyball Team”

Buwisit! Hindi naman siya yung tinatanong ko. Ang kapal!

“hello, I’m Athena and this is my best friend Mika. Member kami ng Modern Dance Troupe ng University” Sapilitan akong ngumiti kahit gusto ko na siyang ingudngod sa lupa.

“oh, I see. So pano Charles, see you around?. Same with you both” sabay talikod ni bruha.

Pumasok na ako ng kotse. Sinabi ko na din kay Charles na ihahatid namin si Mika sa mall bago nya ako ihatid sa bahay namin. Buti na lang pumayag ang mokong. Hindi na namin napag-usap ang nangyari sa parking lot. Ganon naman palagi. Para bang wala siyang pakelam sa nararamdaman ko. Hay!

 Andito na ako sa bahay. Nakapagtataka wala si mama sa terrace para abangan akong dumating. Tsaka ang tahimik ng buong bahay. Wala din ang 2 naming maid para tanungin kung anong gusto kong kainin. Sinara ko na ang gate at pumasok na ako sa loob.

“ma, I’m home” sigaw ko

“surprise!”

So It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon