Chapter-15 (UTUSAN NIYA)

572 33 0
                                    

(IAN)

Alam ko naman na mang yayari yon. Yung nangyari kanina eh tinanggal ko lang saglit yung suot suot kong saklob biglang may nanghigit na saakin, Kung hindi ko sana tinanggal yung saklob edi sana hindi ako nagalit kay sam.

Tas nadamay pa yung babae. Hindi dapat ako magalaitin masisira ang pangalan ko nito eh..... ho!..... easy lang ian.

Biglang may pumasok sa loob kaya umupo na ako, mukhang siya yung first subject namin.

Ilang minuto ay pina punta ako ni miss sa unahan para mag pakilala daw ako. sino ba tao ang hindi makakakilala sa akin diba wala, lahat ata nga sila kilala ako.

Wala ako magagawa teacher siya kaya dapat ako sumunod.

---------

(SAM)

"Okay class may new transfer tayo. Kilala na ninyo ata siya pero hayaan na nating siya mag introduce ian" tawag ni miss kay ian na siya namang sigawan ng mga kaklase namin.

Kaya pumunta si ian sa unahan at nag pa kilala.

Anong meron namna sa   kanya ano isang sikat na estudyante na galing sa ibang school katulad nalang noong apat na mokong...

"Bago ko pala pakilala ang sarili ko. Sorry nga pala duon sa babae kanina mainit lang kasi yung ulo ko" sabi niya at binigyan ng nakakalokang ngiti si april na siya naman nagpapula sa mukha ni april.

Ay langya naman to ah.

Saka niya itinuloy ang pag papakulala niya.

"15 years old, I am sky ian santos You can call me ian" sabi niya na may napaka gandang ngiti kaya napasigaw ang halos lahat ng babae.

Parang walang nangyari kanina ah, ano nag ka amnisya sila?.

Saglit nga lang sky? Hmmmmm...... parang narinig ko na yung pangalan na sky ah!, Ay baka hindi.

Pag katapos niya mag pakilala ay bumalik na siya sa kanyang upuan na nakangiti parin ang creepy naman nito, Pero ng dumaan siya sa akin ay binigyan niya ako ng napakasamang tingin na naka simangot at ng hindi na siya nakatingin sa akin ay bumalik ulit siya sa kanyang magandang ngiti.

wow ha plastic lang ang peg ni kuya.

---------

(Lunch)

lalabas na sana ako para matulog diba nga wala ako pag kain pati wala akong pera pambili, Ng tawagin ni ian ang pangalan ko.

Ano nanaman ba. Kanina pa kasi siya tawag nang tawag kala mo ba yaya ako ano panibagong  kong madam ha hindi lang isa ang madam ko dalawa na.

Pumunta ako sa kanya para itanong kung ano kaylangan niya sa akin.

"Ano iyon?" tanong ko sa kanya.

"Samahan mo ako sa canteen" sabi niya sa akin.

"Diba alam mo na kung saan yung canteen kayang kaya mo na iyan mag isa" sabi ko sa kanya.

Aalis na sana ako ng bigla niya hinawakan ang kamay ko at hinila ako papuntang canteen.

Nasa canteen na kami at nakita ko ang mga masasamang tingin ng mga estudyanteng babae dahil ata hawak ni ian ang kamay ko kaya agad ko binutawan ang kamay niya at nag hanap ng mauupuan namin.

Porket barino siya sa akin kanina at kay langan daw bumawi ako sa kanya kaya dapat daw lahat ng iuutos niya ngayong araw na ito ay susundin ko.

lumapit sa akin si ian at umupo sa tabi ko.

"Oh order kana" utos niya sa akin at may inabot siya sa akin na pera.

Mukhang yaya nga ako nito ah.

Story ni Nerd Where stories live. Discover now