Chapter 30: His Past

Start from the beginning
                                    

"Oo naman. Wag ka nang mag-alala. Sige una na ako. Bye." Sabi niya at pumasok na sa loob ng kwart niya. Nakangiti akong bumalik kila Lucas.

Kinabukasan ay nagkita kami ulit. Tinanong ko kung ok na ba siya. Ok naman na daw siya. Buong araw kaming nagkwentuhan. Masarap siyang kausap. Marami rin akong nalaman tungkol sa kanya. Napagalaman ko rin na magkapit-bahay pala kami.

Simula nun ay lagi na kaming nagkikita. Lumalabas-labas rin kami minsan. Hanggang sa isang araw ay nagkagusto ako sa kanya. Nung una, nagdadalawang isip pa ako na umamin sa kanya. Pero ng magkaroon ako ng lakas ng loob ay umamin rin ako. Hindi naman ako nabigo dahil sinabi niyang may gusto din daw siya sakin. Sinabi ko sa kanya na liligawa ko siya. Pero tinanggihan niya ako. Wag na daw akong manligaw, di na daw kailangan.

Ok namang girlfriend si Aubrey. Sweet siya, maalaga, at mapagmahal. Kaya nga ang saya saya ko ng tumagal kami ng isang taon. Di ko akalain na tatagal pala kami ng ganun.

First anniversary namin ngayon. Balak ko siyang surpresahin sa condo niya. Pinaghandaan ko ito. Pumunta ako sa unit niya para makapag-ayos ako. Pumunta ako sa unit niya habang wala pa siya. Sinadya ko talaga yun, para makapag-ayos aki ng mabuti. Hindi naman ako nahirapan na makapasok dahil meron naman akong susi.

Nilagyan ko ng mga design ang buong unit niya. Naghanda rin ako ng mahabang speech para sa kanya. Nagbihis na rin ako ng maayos. Hinintay ko siyang dumating. Maya-maya ay nag-text siya sakin na pauwi na siya.

Nag-ready na ako. Jusko! Kinakabahan ako! Narinig ko na bumukas yung pintuan. Pagkapasok na pagkapasok niya at sinalubong ko siya.

"HAPPY 1ST ANNIVERSARY BABE!!" Sabi ko sa kanya. Sana nagustuhan niya yung surprise ko. Pero nagtaka ako ng Wala man Lang kareak-reaksyon ang mukha niya. Bakit? Di ba niya nagustuhan Yung ginawa ko?

"Babe? Di mo ba nagustuhan yung ginawa ko?"

"Leave." Cold niyang sabi sakin. What? Bakit naman niya ako pinapaalis?

"Bakit babe? May problema----"

"I SAID LEAVE!" Nagulat ako ng sumigaw siya. Ano bang problema niya?

"Babe bakit? Bakit mo ako pinapaalis?" Nilapitan ko siya. Akmang hahawakan ko ang kamay niya ng iiwas niya ito.

"Please, umalis ka na. May bisita akong darating."

"Pero babe, anniversary natin ngayon. Di ba pwedeng ipagpaliban nalang muna Yan?"

"Hindi nga pwede."

"Sino ba kasi yan ha?!"

"Hon! I'm home! Nasan ka na?" Rinig kong sabi ng bagong dating. Parang kilala ko yung boses na yun. Agad namang lumapit si Aubrey sa kanya. Nang tignan ko kung sino yun ay nagulat ako. Si Ian? Bakit siya nandito? At mas nagulat ako ng halikan niya si Aubrey. What the fvck! Umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko. Bigla ko nalang sinuntok si Ian.

"Walang hiya ka! Bakit mo siya hinalikan ha?!"

"Because I wanted to. Besides, she's my girlfriend. Right hon?" Sabi pa niya at inakbayan si Aubrey.

"Totoo ba lahat ng sinasabi niya babe?" Tanong ko sa kanya.

"Yes. And I want to break up with you." Parang gumuho ang mundo ko dahil sa sinabi niya.

"But why?"

"Can't you see? Ayaw na niya sayo. Ako ang pinili niya." Hindi na ako nakapagtimpi pa at sinuntok ko na siya.

"Nicholas! Tama na yan!"

"Babe, sabihin mong Hindi totoo yan."

"Sorry, but that's the truth. Mas Mahal ko si Ian kesa sayo." So, ganun nalang Yun? Ng dahil sa g*gong Yan, itatapon nalang niya Ang isang taon naming pagsasama? Tch! Traidor! Akala ko pa naman kaibigan ko siya. Umalis na ako sa impyerno na yun. Tsk! Simula ngayon Wala na nag Nicholas na nakilala niyo.




---------------------------------------------

~ Ms. Sandoval


Truly ,Madly, Deeply inlove with a Gangster Where stories live. Discover now