Chapter 25: Her Birthday (Part 1)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Kaya lang naman namin ginawa yun para malaman ko kung may gusto ka rin ba sakin." Rin?

"Rin? So ibig sabihin----"

"Huli kayo! Nandyan lang pala kayo ha!" Biglang sulpot ni Jhoanna sa tabi ko.

"Babe naman! Dapat di mo sila inistorbo! Kita mo naman na nagloloving-loving sila oh!" Rinig kong sabi ni Lucas sa likuran ko. Tumabi ito kay Jhoanna at inakbayan. Hmm..... I smell something fishy.

"Hay naku! Nandyan lang pala kayo."  Biglang singit ni Sam. Nandiyan na pala silang lahat. Kung kanina, nabubwisit ako kay Sam, ngayon hindi na.

"Oh ano, ayos na ba kayong dalawa?" Tanong niya pa samin ni Nick.

"Yeah. Sinabi ko na rin sa kanya ang lahat."

"Well, good. Grabe! Nakakatakot ka pala magselos Louisse."

"Hindi sabi ako nagseselos!"

"Denial Queen." Sabi pa ni Amethyst.

"Oh siya, tama na yan. Bumalik na tayo sa resort. I-enjoy na natin ang nalalabing oras natin dito." Sabi ni Sean. Agad naman kaming bumalik sa resort.

End of Flashback

Pero ano kaya ang ibig sabihin nung 'rin' na yun? Ibig sabihin ba nun, may gusto siya sakin? Pero di ko talaga siya gets.

"Hello Louisse." Napatingin ako sa tumawag sakin. Si Lizelle pala.

"Hello din." tumabi siya sakin.

"So, masaya ba sa resort?" Resort? Dun ba sa resort nila Lucas.

"Pano mo nalaman na nagpunta ako dun?"

"Nagpunta rin kasi kami dun nila Mommy. I just accidentally saw you." Ahh. Kaya naman pala.

"Ahh oo. Ang saya nga dun eh. Pinaplano ko ngang bumalik dun sa bakasyon."

"Yeah. Muller's Resort is really beautiful." Sumang-ayon naman ako sa kanya.

"I know what happened between you and Nicholas." Ha? Pano niya nalaman? Don't tell me sinundan niya kami? Tumayo na siya at tumalikod sakin.

"I'm warning you Louisse. Layuan mo na siya hangga't maaga pa. Because it might put you in danger. Don't get me wrong ha, it's just a friendly advice. Ciao!" Sabi niya at tuluyan ng umalis.

Anong ibig sabihin niya? Bakit ko naman lalayuan si Nick? Hindi naman siya mapanganib ah? Siguro nagjo-joke lang yun si Lizelle.

Umalis na ako dun at pumunta nalang sa room. Nakita ko naman na nag-uusap sila Jhoanna kasama sila Lucas ng masinsinan. Ano kaya pinag-uusapan nila? Alam ko na! Gugulatin ko nalang sila. Bwahahaha!

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanila.

"Ay palaka!" Nagulat nalang ako ng may humawak sa balikat ko. Jusmiyo! Muntik na akong atakihin sa puso! Ano ba nakain ng lalaking 'to?

"Ba't ka ba nanggugulat? Ha? Nick?" Yup. Si Nick yung nanggulat sakin.

"Wala lang. Trip ko lang." Sagot niya. Hayst! Hindi ko tuloy natuloy yung plano ko tsk! Kinurot ko siya.

"Ouch! What was that for?"

"Wala lang. Trip ko lang." Ginaya ko pa yung tono ng pananalita niya kanina.

"Tsk! Gaya gaya!" Sabi niya sakin.

"Edi wow!" Sabi ko at binelatan siya.

"Ah, ganyanan pala ha." Sabi niya at lumapit sakin. Anong gagawin niya? Balak niya ba akong halikan? Nang makalapit siya sakin ay ngumisi siya. Bigla nalang niya akong kiniliti. Hala! Wag sa tagiliran! Weakness ko yan!

"Hahaha! Tama na! Haha!" Sabi ko pero tuloy parin siya sa kakakiliti sakin.

"Haha! Please! Hahaha! Tama na!" Ang sakit na ng tiyan ko sa kakatawa.

"Tama na yang ligawan. Pumasok na kayo sa loob." Agad naman kaming napatigil sa ginagawa namin. Sabay kaming lumingon dun sa nagsalita. Si Joy pala, isa sa mga classmates ko. Agad naman akong namula. Kami nagliligawan?

Pumasok na ako sa loob at pinuntahan sila Hannah.

"Ano pinag-uusapan niyo?" Tanong ko sa kanila. Bahagya naman silang nagulat. Bakit? Nakakatakot ba yung mukha ko?

"K-kanina ka pa diyan?" Tanong sakin ni Amethyst.

"Hindi. Kararating ko lang." Sagot ko. Nakita ko naman na para silang nabunutan ng tinik. Ano bang problema nila?

"Ano bang problema?"

"Ah. Wala wala. Nicholas!"  Tawag ni Joaqin kay Nick. Agad naman siyang lumapit samin.

"What?" Nakita kong pinandilatan nila ng mata si Nick. Ano ba talagang nangyayari?

"Tsk. Let's go." Sabi niya saka ako hinila.

"San tayo pupunta?"

"Sa mall." Ano namang gagawin namin dun? Saka may klase pa kaya kami. Sayang, balak ko pa naman na dalhin sila sa mall mamayang uwian kasi birthday ko. Pero mukhang busy sila sa ibang bagay. And worst, baka nakalimutan nila yung birthday ko.







----------------------------------------------------------




[EDITED]





~ Ms. Sandoval

Truly ,Madly, Deeply inlove with a Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon