Nasa likod lang pala ito ng Creation House. Hindi ko nga agad namukhaan nang dahil sa iniwan ng sunog. Tiyak na nasa ilalim pa sila Jay at naghihintay ng oras sa paglabas.

Mabuti na lang at madilim at nakaitim ako dahil may ilan pa ring mga tao sa Creation House na hula ko ay nag-aayos na ng mga naiwang pinsala ng sunog. Amoy pa nga mula rito ang tindi ng amoy ng sunog. Kung hindi siguro fireproof ang underground lab ni Dad ay natupok na rin pati ang mga katawan nila. 

Payapang narating ko ang Chosen Ones Building at nang makapasok ay wala akong naabutan kahit na anino man lang ng kung sino. Ipinagsawalang bahala ko na lang at tinahak na ang daan paakyat. Kahit si Ate Gina ay wala.

Wala rin 'yung ka-roommate ko kaya kinain ko na lang ang pagkain at inumin na dapat sana ay kay Ru bago ako naligo at nag-ayos ng sarili. Ang tanging bagay na nauwi ko lang ay 'yung box na nasa bag ko, laman ay gadgets na para sa grupo. 

Ano na kayang nangyayari kay Ru ngayon? Pababalikin pa kaya siya rito ng pangulo?

Sumagi lang sa isip ko bigla ang maaaring ahas sa bahay na 'to. Kung hindi si Yves, maaaring babae naman ang ginagamit nila ngayon. Naisip ko pa na malaki ang posibilidad na si Darlly Ramirez dahil anak siya ng pangulo pero baka rin hindi dahil kapatid niya si Ru. Hindi naman niya siguro gustong mamatay ang kapatid niya sa kamay ng hindi niya tunay na ama.

Kasalukuyan kong binoblower ang buhok ko nang iluwal ng pinto ang katawan ni Morales kasama si Ramirez. "Oh, you're here na pala. Kumain ka na?" Morales asked casually as if we have some kind of mutual relationship. I nodded without looking at them. I anticipated that they'd just go and won't bother me once more but the leeches approached me. 

"Sa'n ka kumain? Did you cook? Sa caf kami nagdecide na kumain kanina since nawala bigla si Ate Gina." Tuloy niya pang litanya habang nakatayo silang dalawa sa kaliwa ko. Tumango lang ako bago pinatay ang blower para sandaling suklayin ang buhok saka binuksang muli.

"Sure ka? I mean, pwede ka naman naming samahan na lumabas." Minsang pangungulit niya na naman. "No need. I'm off to bed." Tuluyan ko nang pinatay ang blower at binalik ito sa banyo. Ngunit paglabas ko ay nakaabang pa rin ang dalawa. Problema ba ng mga 'to?

I ignored them as I hang my towel at the post near the right window. I untangled the curtain to block the outside view before returning to my bed. Doing those things while being watched by these two.

"Ano ba? May sasabihin ba kayo?" Ramirez slightly nudged Morales who barely uninterrupted by her own observation for me. Parang nag-iisip kung ano ang magugustuhan kong marinig mula sa kanila. Hindi na ako magtataka dahil ni minsan ay hindi naging insensitive si Morales; hindi namimilit na makausap ako pero sa ginawa niya ngayon ay mukhang may kailangan sila.

"Ah--uhm...we, we will be having a slumber party--all-girls naman. Sa room nila Darlly. Gusto mo bang sumama? Okay lang naman kung hindi ka magtagal since pagod ka kamo, we just wanna spend a li'l time together for us to get to know each other. Kahit isang oras lang pwede!" Pangungumbinsi niya. Slumber party? I haven't participated anything like that before. Hindi ba pang bata lang 'yung mga gano'n?

"Aren't we too old to held such thing? Or ya'll just trying to cover it up? So may liquors pa rin dito?" Paghuhuli ko sa pakay nila pero convincing 'yung pag-akto nila na inosente mula sa mga sinasabi ko kaya pabalik-balik ko lang silang tinitignan na sabay pang umiling.

"May alak kayo sa Manila kapag Slumber party?" Tanong ni Ramirez na ikinailing ko sabay kibit-balikat. Malay ko. "Our hang-outs are mostly nightclubs and bars. Akala ko 'yun 'yung slumber party na tinutukoy n'yo. Ano ba'ng ginagawa n'yo sa gano'n?"

CHOSEN ONES (Revised Version) (COMPLETED)Where stories live. Discover now