Chapter 6 - Meet the Falcon's

251K 2.8K 58
                                    

Helga's POV

Nang makabalik si Kier sa mesa namin ay nagpaalam ako dito na pupunta muna akong washroom. Nakita ko naman kaagad ang hinahanap ko. Liliko lang ako sa gilid ng reception desk at didiretsuhin ko lang ang hallway. Hindi rin gaano kalayo kung nasaan ang mesa namin.

Nang makapasok ako sa washroom ay may mga nagre-retouch kaya dumiretso na ako sa isang bukas na cubicle at umihi. Pagkalabas ko ng cubicle at akmang lalapit ako sa sink ng biglang bumukas ang pintuan at may pumasok na babae at hingal na hingal. Tumakbo siguro. Wala na din yung mga babae dito kanina. Kaya kaming dalawa na lang ang naririto.

Naka-skinny jeans ang babae at naka t-shirt nang maluwang at itim pa. 

Hindi kaya naiinitan to? Takang tanong ko sa aking sarili. May suot din siyang bull cap at naka-sneakers din. Mukhang bata pa mga nasa 17 or 18 siguro ang edad niya.

Bigla nitong tinanggal ang bull cap niya at napanganga ako.

Ang ganda, mukha siyang doll at tama ang hinala ko mukhang teenager pa lang siya. Hinubad din nito sa mismong harapan ko ang t-shirt nito at nagpalit ng isang fitted na white racerback tank. Nang matapos ito ay duon lang ata niya napansin na may nanunuod sa kanya. Kung kaya humarap ito sakin.

"Hello!" bati nito sakin at nagwave pa ng kamay. "Are you okay?" tanong niya sakin dahil nakatitig lang ako sa kanya at nakaawang ang bibig. 

Tumango lang naman ako bilang sagot sa tanong niya.

"Im sorry for that,I'm just in a hurry. And tayo lang naman ang nandito eh," paliwanag niya sabay kindat.

"Ha--ah.. eh, that's okay," sabi ko.

"Well, I'll be staying here for a couple of weeks and my Lola doesn't want to see me in a bull cap and loose shirt kaya nagpalit ako. Kung hindi ipapakasal agad ako niyon," tuloy-tuloy nitong sabi kahit di ko naman tinatanong. 

In short, madaldal siya. Naglalagay na din ito ng pink lipstick sa mga labi niya.

"Aahh.." iyon lang nasabi ko at ipinagpatuloy ang naudlot kong paghugas sa aking mga kamay.

Nang matapos kong i-dry ang kamay ko ay naglahad naman ito ng kamay.

"I'm River Falcon," nakangiting sabi nito. Tinanggap ko naman ang pakikipagkamay nito.

"I'm Helga Diaz."sagot ko. "Falcon? How are you related to Kier Falcon?"tanong ko.

"Ah h----" naputol ang sasabihin nito ng nagring ang cellphone niya. Agad niyang sinagot.

"Hello Kuya?"tanong ni River sa kabilang linya. "Alright I'm coming, jeez, Okay bye." sabay pindot nito sa end button.

Nagmamadali nito inayos ang mga pinagpalitan nito sa bag niya. At akmang lalabas na sana ito ng lingunin niya ako at sinagot ang huli kong tanong.

"He's my brother. See you around." sabi niya at tuluyan nang lumabas.

Kapatid ni Boss yun? Siguro dumating na ang mga kamag-anak niya. Ang ganda talaga ng lahi nila.

Nagkibit-balikat ako na lumabas ng washroom. Akmang liliko na ako papunta sa mesa namin kanina nang makarinig ako ng mga ingay. Nang tignan ko ang direksyon ng mga ingay ay nalaglag ang panga ko.

Napatigil ako sa paglalakad. Parang gusto ko nang umatras, hindi dahil sa natatakot ako sa kanila, kundi para bumalik sa washroom at mag-retouch. Ngayon lang ako na-conscious sa aking sarili.

Parang meet and greet ng The Bachelors. Nakita kong pati mga staff tumitili sa kilig. 

Most of the guys were wearing jeans and a plain shirt or polo. While the others were formal like suits tinanggal lang ang coat. Mukhang galing pa sila sa work. Nakita ko si Kier na nakikipag-usap sa iba o di kaya ay nakikipag-yakapan. May mga babae at mga bata rin sila na kasama. And mind you, the ladies all look like a model. 

Romancing the NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon