Just like that, everything went easier for me.

Kinabukasan naman ay maaga akong ginising ni KL. Iniwanan raw ito ng pera para samahan naming si Alyana sa mall para bumili ng mga gamit nito.

"Hindi nga?" Hindi makapaniwalang tugon ko habang kinukusot ang mata.

"Oo nga, kuya. Tara na!" Excited itong lumabas ng kwarto ko matapos akong pilitin na gumising.

Samantalang kapag ako nanghihingi ng pera kay mama, kailangan ko pang lumuha ng dugo. Unfair.

Nang makapunta kami sa mall ay sobra ang tuwa nung dalawa. Imagine how Rapunzel from the movie behaved when she got out of the tower after years of being locked in. Gan'ong-gan'on si Alyana pagpasok namin. Everything she saw amazed her. Ultimong free taste, tuwang tuwa siya.

Bumili kami ng ilang mga damit nito, personal necessities pati na rin toiletries. Matapos naman ay dumaan kami ng salon upang makapagpagupit raw ito.

"Is this even necessary? I want to go home." reklamo ko kay KL. Sabay naman nila akong tinignan nang masama.

Sinalubong kami ng stylist at agad na pinupo si Alyana sa harap ng isang malaking salamin. Umupo naman si KL sa isang bakanteng upuan sa tabi nito upang manuod. Samantalang ako, pumwesto sa mga waiting chairs at nagbasa ng comics.

Mas mukha pa silang magkapatid, sa totoo lang.

I glanced at Alyana before the stylist began to do her magic. Her hair is long and rust-colored, matangos ang ilong nito na medyo maliit kaya bumagay sa mga katamtamang singkit ng mga mata niya. Mahahaba ang mga pilik-mata nitong nasa ilalim lamang ng makapal niyang kilay. Ang labi naman nito ay bagama't may kanipisan ay nangingibabaw ang kakaibang hugis nito tuwing ngumingiti siya. Parang korteng puso.

Mahigit isang oras at kalahati ang hinintay ko bago ako tinawag ni KL nang matapos. Ibinaba ko ang hawak na comic book at lumapit sa kanila. Inikot ng stylist 'yong kinauupuan ni Alyana sa direksyon ko dahilan para malantad ang bago niyang itsura.

Naging black ang dating kulay kalawang na buhok niya, lumebel na rin ito sa balikat niya kaya mas nadepina ang bawat piyesa ng mukha niya. Kung sa dati, she looked young and carefree, now she looked more mature and fit for her age. It's like looking at a completely different person.

"Ayos lang ba?" She asked, smiling.

"Pangit mo pa rin." I teased before leaving the salon. Tuwang-tuwa ako nang makita na nakasimangot na naman ito.

Matapos ang nakapapagod na paglilibot sa kung saan-saan, kumain kami sa Mcdo bago umuwi. Binilhan ko ng happy meal 'yong bata pati na rin 'yong isip-bata. Todo puri naman si KL sa bagong itsura ni Alyana habang kumakain kami.

"Ate Aly, wala ka bang mga sisters and brothers sa dati mong house?" Binaba nito ang kinakain mula sa kutsara at sandalling napaisip.

"Wala, eh." Wala siyang maalala...

"Pwede bang ako na lang? Please? Wala kasi akong big sister, eh!" Naglinawag ang mukha nito bago ngumiti.

"Oo naman!" Nag-apir-apir naman silang dalawa sa sobrang tuwa.

Kanina pa kasi sila nagkakasundo at pinagtutulungan ako kaya hindi na rin ako nagulat nag anito sila sa isa'to-sa. Besides, KL always wanted a sisterly figure since she says I don't really know what she likes and that I can never relate to her.

Sabi na nga ba, mas mukha pa silang magkapatid.

Mabilis na lumipas ang isang buwan at mabilis na nakapalagayan ng loob ni Alyana ang pamilya ko. Nagkakilala na rin sila ni papa na agad naming nagging kumportable sa isa't-isa. Like what she said, she tries her best to help around the house. Madalas silang magluto ni mama nang magkasama kaya naman close na close sila. KL found her playmate, too.

Fleeting SkiesWhere stories live. Discover now