Nang matapos na ang lahat ay lumabas na rin ang mga nakaputing 'yun at pinagpahinga na muna kami. Ang iba ay pumunta sa banyo, nagpunta sa kusina, at tatlo lang kaming naiwan dito sa loob kasama si Mrs. Falla. Humihinga lang ako habang nakasandal sa inuupuan ko at sabay ang pagtingala sa ceiling. Si Jacob Yves ang isa naming kasama. 

Sandali ko pa itong sinulyapan saka inisip kung ang ginamit din ba na tuta ng NGS ay katulad din niya. O kaya, isa bang option 'yung takutin siya upang burahin ang pangalan nila Yulee sa list ng EOJ? 

Kung sakaling may plano si Jay para sa kanila, gusto kong malaman kung ano 'yun. Dahil sa tingin ko, parang imposibleng malabanan ang kalaban namin ngayon. Wala kaming measures na binuo kung sakaling mangyari ang gan'to. 

Well, our power isn't enough. But, Dad's gadgets are. 

Nagsisipasukan na rin ang iba at nang makumpleto kami ay pinangunahan kami ng lakad ni Mrs. Falla patungo sa malawak na puting kwarto. "Woah!" Manghang usal ng ilan. Nakakapanibago sa mata dahil puro victorian style ang nakikita namin sa labas at ito lang ang natatanging malinis sa paningin.

Tinaas ni Mrs. Falla ang kamay niya hawak ang puting bagay saka niya ito pinindot. Parang remote. "WOW! Hologram ba 'to?" Tanong ng isang Gerilla habang pabalik-balik niyang pinadadaan ang daliri sa poste na katabi niya.

"Yep! Ang cool, 'di ba? Si Dr. Mantis ang gumawa nito. Pero ang gagawin natin ngayon ay gagamit tayo ng Virtual Reality gadgets para makapasok sa VR world. Kapag nakapasok na tayo, hindi na magiging hologram itong nasa kwarto." Pagkasabing-pagkasabi niya nito ay pinasok na ng sampung taong mga nakaputi ang mga gadgets at sinuot na ito sa'min. Tama nga ang sinabi niya.

Ang una naming pinasok ay normal na kwarto lang pero nag-iba ito at napunta kami sa combat arena kung saan nasa harap na namin ang iba't ibang uri ng weapons.

"Hi! I'm your professor for the Aegis Class, my name is Eros Flores, call me Mr. Flores. And as for today, ang gagawin natin ay i-divide kayo base sa uri n'yo as a fighter." May narinig pa akong napamura nang biglang lumitaw ang isang lalaking guro sa gitna ng podium kung saan naka lutang ang mga weapons. Matikas ang pangangatawan at naka armor pa. Siguro ay nasa edad 30s pa lang siya.

"Pipilli kayo ng weapon kung sa'n komportable ang kamay n'yo. We'll be playing a scavenger hunting; nakikita n'yo na ba 'yung five items sa list diyan sa kanan?" Napatango ako nang makita ang pag pop-up ng list. "Yes, sir!" Sagot ng ilan.

"Don't worry, if you ever felt uncomfortable sa una n'yong weapon ay pwede kayong magpalit. At the upper right side, 'yung knife na icon diyan ay i-select n'yo lang at lalabas na ang mga weapons or tools na maaari n'yong mahanap. One hour lang ang time allotment pero okay lang na hindi n'yo maaccomplish 'yung task---pero siyempre mas okay 'yung magawa n'yo, 'di ba?"

------

"The front-liners are the close combat fighters

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"The front-liners are the close combat fighters. In this group are: Luis, Cedrick, and Jade. Pwede pa kayong mamili kung gusto n'yong maging swordsman. Ang sunod na group ay ang magicians: Smile and Charice. Si Smile pwede rin sa group ng scientists kasama si Mark. Ang long-range fighters ay sila Hazaell, Krizelle, Jacob, at Darlly. Sila rin 'yung pwedeng area defense fighters; actually fit din dito si Luis, Cedrick, at Jade dahil maganda ang hawak nila sa weapons nila kanina." Mr. Flores concluded before he lead us to log out from VR world. Tinanggal na rin sa'min ang equipment at saka namin muling binalingan ng tingin si Mr. Flores na nasa harap lang namin. Kapapasok lang ni Mrs. Falla sa kwarto.

CHOSEN ONES (Revised Version) (COMPLETED)Where stories live. Discover now