Chapter 17: Close to Mommy & Daddy

1.3K 16 0
                                    

YANNA'S POV

Yey! Uuwi si Mommy & Daddy! Ang kaso nga lang, one week lang sila dito.

Aalis din sila bago mag November. 

October na kasi ngayon. I sighed.

Masyadong mabilis ang panahon. Ganyan siguro pag masaya ka. Time is too short for those who rejoice. Masaya ako kasi ngayon, may dalawa akong bagong kaibigan.

Sky and Kenjie.

Hindi ko nga inaakala na pwede kong maging kaibigan si Kenjie, 'yung taong minsang nanakit sakin. Pwede pala 'yun no? Basta marunong ka lang magpatawad.

So far, so good. Okay na ako sa bago kong school. Naka adjust na ako. Nasanay na din ako sa araw-araw na tilian ng mga babae kapag nakikita nila yung mokong na artista na 'yun. Pati nga din ata kay Sky e. Oo na, gwapo ang mga kaibigan ko.

I sighed.

Miss ko na si Krissel. Yung bestfriend ko. Galit pa din kaya siya sakin?

Now if you'll ask about him... Josh.

Ayoko man sabihin pero hanggang ngayon, siya pa din. Mahal ko pa din siya. Alam ko, nagmumukha na akong tanga dahil hanggang ngayon mahal ko pa din siya. Halos 3 buwan na nung nakipag-break ako pero hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nakakalimutan.

Napailing ako.

Yanna, wag mo na nga siyang isipin.

I sighed. Tinignan ko kung anong oras na. "It's already one in the afternoon."

Sabado ngayon kaya wala kaming pasok.

Maya-maya pang six ang dating nila mommy and daddy. Susunduin ko sila sa airport e.

Nagulat ako ng biglang tumunog yung cellpone ko.

-___________________________________- Tumatawag si Kenjie. Siya naglagay ng pangalan niya sa cellphone ko. Wag ko daw papalitan at magtatampo siya. Sus! Parang babae.

KENKEN KO Calling...

"Hello?"

"Hi Yanyan ko! San ka ngayon? Miss na kita."

"Sa Condo. Why? Don't worry, Miss na din kita. Kayo ni Sky"

"Tss. Di ba pwedeng ako lang?"

I laughed. "Selfish ka. Di pwede. Pareho ko kayong kaibigan e."

"Ako lang kasi. Wag na 'yun!"

"Masyado kang maarte! Jelly ace lang ang peg?"

"Oo, nagseselos ako." naiimagine kong naka pout ito. 

I chuckled. "Wag ka nang mag Jelly. Sino bang peke-pekean kong boyfriend?"

Bakit nga ba ako pumayag na maging fake girlfriend niya? Kasi po, nakakaawa 'yan si Aguilar sa School. Palaging pinagkakaguluhan. Artista e, kaya ayun kinausap niya ako na magpanggap na girlfriend niya kuno, at dahil nga sa kaibigan ko na siya, Um-oo na lang ako. Wala din naman akong magagawa e, sa kulit ng lalaking 'yan? Aish.

"Sus! Punta ako diyan sa condo mo ha? Ngayon na!"

"Hoy!! Di pwede. Aalis ako e"

"Hah? Saan ka pupunta? Sama ako."

"Sa airport." 

"AIRPORT?? ANONG GAGAWIN MO? AALIS KA? IIWAN MO NA AKO?"

Falling in Love, Again.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon