Chapter 40: Revelation II

1K 12 7
                                    

YANNA'S POV

"Malayo pa ba tayo Kenny?" tanong ni Nica. Sumabay kasi siya samin pabalik ng Manila.

"Medyo" maigsing sagot ni Kenjie. He's our driver for today.

Pauwi na kami ngayon, pagkabalik ko sa resthouse, hindi ako kinukulit ni Kenjie. Mabuti na din siguro 'to.

Tinignan ko yung barkada, tulog silang lahat maliban kay Josh na nahuli kong nakatingin ng seryoso sa akin. "Bakit ka ganyan makatingin?"

"Magusap tayo mamaya." seryoso niyang sagot sakin.

Huh? Parang sobrang eryoso niya naman. "Anong paguusapan natin? Tungkol saan?"

"Private matters"

Kinakabahan ako.

***

 

Inihatid na ni Kenjie si Nica matapos niyang ihatid ako sa condo unit ko. Ngayon, nasa starbucks ako, kasama ko si Josh. May paguusapan nga raw kasi kami.

"Ano ba 'yung paguusapan natin, Josh?"

I heard him sighed. "Kaylan mo balak sabihin samin 'yang sakit mo?"

Muntik ko ng mabitawan itong iniinom ko. "S-Sakit? Anong sinasabi mong sakit?" 

"I know everything, Yanna."

Napaiwas ako ng tingin. "P-Paano?"

"Yung doktor na tumingin sayo, kaibigan siya ni mommy."

I took a deep breath. "Please, 'wag mong ipagsabi sa iba....lalo na sa barkada"

"Bakit naman ganun, Yanna? Para saan pang mayroon kang mga kaibigan?"

I held his right hand. "Please, don't tell this to anyone. Promise me, josh. Promise me."

"Kahit man lang kay Kenjie sabihin mo 'yan, Yanna"

"No! Please...'wag sakanya. No! lalong-lalo na sakanya."

"Pero Yanna--------------"

I cut him off. "Josh, promise me one thing.....ako lang at wala ng iba ang magsasabi sakanila ng tungkol sa sakit ko. Ako lang."

 

Nakita ko sakanya ang pag-aalangan sa una pero in the end, pumayag din siya.

"Thank you so much, Josh" I hugged him.

He pat my head. "Ikaw naman ang mag promise sakin, Yanna"

humiwalay ako sa pagkayakap sakanya. "Ano 'yun?"

"Promise me, hindi mo kami iiwan."

I smiled weakly and hesitantly. "I promise."

But the problem with promises is that once you've made one, it's bound to be broken.

******************

*chapter revised

Falling in Love, Again.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon