Chapter 50: Coming Soon.

1.5K 12 11
                                    


YANNA'S POV


"Yanna, gising"



Iminulat ko ang mga mata ko. "Anong problema niyo?" inaantok kong tanong.

Ngiting-ngiti sila sakin. Bakit ba? Napansin kong tumitingin sila sa hinihigaan ko kaya napatingin din ako. "Oh shit! What am I doing here?"


Nakahiga ako sa kama ni Kenken, the last time I check sa sofa ako humiga at natulog kanina. Yes, kanina kasi 12:24 am pa lang.

They grinned. "Kayo huh? Tabi ba kayong natulog?"




What? No. "Whatever! Hindi, so cut that smile. Bakit niyo ako ginising?"

"Midnight snack tayo habang nag mo-movie marathon, nandun na sila sa sala lahat." Krissel said.


"Would you take no for an answer?"



Krissel sighed. "You already know the answer, bessie."



Sabi ko nga. "Okay fine. Maghihimalos lang ako saglit, susunod na lang ako."



Hindi pa rin maalis sa isip ko kung pano ako napunta sa kama ni Kenken? Ayokong mag-assume pero bakit ba? Pwede bang kahit sa isip ko na lang, kiligin din ako---because i can't show my true feelings in the first place.


Matapos kong maglagay ng light make-up para di nila nga mahalata yung panumutla ko, sumunod na ako sa sala, naka-upo na at kumakakain ng Lays.


Nilagay na ni Kenken sa dvd player 'yung panunuorin namin. Umupo naman ako sa sahig at tumabi kay Marshi.


Yung dalawang couples naka-upo sa sofa, samantalang kami ni Marshi at Kenjie sa sahig. Pinagigitnaan kami ni Marshi.

Teka, "ano nga pala yung papanuorin?"

"Coming Soon." sagot ni troy.



What? Coming Soon? Oh gosh! Ayoko niyan. Ang creepy kaya ni Shomba. I stood up. "Ano--ah, Ina-antok pa ako. kayo na lang manuod" naglakad na ako pabalik ng kwarto.


"Sige. Okay lang naman siguro sayo ang mag-isa sa kwarto di ba? yung tipong walang maingay? Haven't i told you before, biglang bumubukas ang bintana sa kwarto ni pinsan? Then mamatay 'yung ilaw-----"


"Sino bang nagsabi na inaantok pa ako? Banaman kayo! Bilis I-play niyo na 'yang coming soon na 'yan." Mabilis kong sabi kay Sky. Pesteng 'yun, takutin ba namam daw ako.



We are now watching the movie. Oh please, ang creepy talaga ng mukha ni shomba.

Mas minabuti ko na lang na kumain ng kumain ng Lays para 'yung atensyon ko, mawala sa movie.




"Wait, restroom lang." Marshi excused himself.

Nawala sa isip ko na coming soon pala 'yung pinapanood namin kaya nung medyo umingay yung scene sa movie, napatingin ako.

Kain lang ako ng kain ng Lays ng biglang lumabas yung mukha ni Shomba.

Halos magtago na ako sa likod ni Marshi sa sobrang takot dahil uulitin ko ANG CREEPY NI SHOMBA. "Peste! A-yoko na, Marshi."

"Marciello is currently in the restroom."


Mas lalo pa akong natakot at kinabahan ng si Kenken ang nagsalita. Shit! I was hiding at his back, holding his left arm because of too much fear, agad akong unayos na upo. "S-Sorry, nalimutan kong wala si Marshi."


"Sus. Kunwari hindi alam na wala si Marshi" rinig kong sabi ni Krissel.

"Yeah. Dumadamoves lang 'yung isa dyan" Monique added.

Stop it guys, the more na pinu-push niyo ko kay kenken, the more na nagsisisi ako kung bakit ko siyq nasaktan---na dapat nagpaka-selfish na lang ako.


**chapter revised.


Falling in Love, Again.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon