Chapter 52: Regrets

895 11 3
                                    

YANNA'S POV


"Ano, bessie? Tara na sa airport." Krissel said.

Ngayon na kasi ang alis ni Kenjie at Nica, dalawang linggo sila 'dun. Kaya andito ngayon si Krissel, kinukulit ako na pumunta ng airport. Papunta na kasi sila Sky 'don. "Bakit? okay na ba kayo? Bakit---nag sorry ka na ba sa ginawa mo?" I asked her.

Umirap siya. "He deserved that slap after niyang sabihin na you are heartless."

"---there's no point loving a heartless person."

Paulit-ulit yan na nagre-replay sa utak ko.

I was hurt, his words are painful pero wala pa 'yun sa mga nasabi ko sakanya. "Pero hindi mo siya dapat sinampal."



After mangyari yung scene na 'yun, agad na pinigilan namin ni monique si krissel. Si sky naman agad hinatak si Kenjie at nagpunta sa loob ng kwarto, mukhang seryosong-seryoso si sky nun.



Matapos nun ang ilang minuto, lumabas silang dalawa na parang walang nangyari pero halata ko pa din ang pagkainis sa mukha ni Sky.




Sa reaksyon na 'yun ni Sky, feeling ko hindi pa rin sinasabi ni Kenken lahat ng mga binato ko sakanyang masasakit na salita---na ngayon pinagsisisihan ko na.




"Yanna, kilala mo ako, matapos kong magalit, agad din 'yun mawawala. Di ba bago tayo umalis sa condo niya, nag ngitian pa kami? Kasi he knows na siya yung nasa mali, I only did that because you are my bestfriend. Alam ko, naiintindihan niya ako."


I flashed a sad smile. "Then i think I also deserve a slap."




Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya kaya agad kong iniba 'yung topic. "Hindi ako makakasama. Magkikita kami ngayon ni Andy."


"Puro ka Andy. Naku! Bahala ka sa buhay mo, Yanna. Pero ito tandaan mo huh? baka sa pagbalik ni Kenjie, Ibang-iba na siya. Baka sa pagbalik niya, iba na ang mahal niya. Kaya mo ba 'yun? Aish. Sige aalis na ako." Pagkatapos sabihin 'yun ni Krissel, lumabas na siya ng bahay namin.



Kaya ko ba?



Isipin ko pa lang na magmamahal ng iba si Kenjie---nasasaktan na ako.




"Anak, andito na si Andy." My mom said.



"Sige po, pababa na ako."

*



Nagdala ng sariling kotse si Andy.
"Kamusta ka na nga pala?" 



Ngumiti siya pero may halo itong lungkot. "Konting panahon na lang prinsesa. Konti na lang"


I sighed "Andy naman."



He smiled. "Let's not argue. Matulog ka muna dyan, gigisingin na lang kita pag malapit na tayo."

"Saan ba tayo pupunta?."




"You'll know later---for now, sleep."

**


"Prinsesa, gising na." naramdaman kong may umaalog-alog saakin.



Minulat ko ang mata ko "Andito na ba tayo?" tumingin ako sa labas. "---teka anong ginagawa natin dito?!"



"It's already 2:41pm. Tara na?" inalok niya sakin ang kamay niya.



Falling in Love, Again.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon