Chapter 1: Her Point of View.

2.8K 28 1
                                    

"JOHANNA MARQUEZ! Baka gusto mo ng bumangon dyan"



Kilala ko na 'yan. Malamang si Mommy. 

"5 more minutes, Mom"

"ang hirap mo talagang gisingin." rinig kong sabi ni mommy bago siya lumabas ng kwarto ko.

YAWN.

"Goodmorning Philippines! What time is it?" pakanta-kanta ko.

"Pakshit! 6:30! Mali-late nanaman ako" oo, palagi akong late e. Pano kasi ganito ang daily routine ko bago maka pasok sa school.


6:30 Magigising

10 Minutes Maliligo ( Pag may pasok lang pero pag wala. 45 Minutes )

10 Minutes Mag bibihis

5 Minutes sa pagkain

15 minutes mag-ayos. Natural sa babae mag-ayos. Okay?


Yun 'yong routine ko bago maka-alis sa bahay so bale 7:10 am na ako nakaka alis, eh 15 minutes ang byahe papuntang School, 7:15 ang time namin para sa first period. Trigo panaman first subject namin sungit pa naman ng teacher namin sa Subject nyan. Tsk!

So ayun na nga, Late na naman ako ng 10 minutes. 

 

"Ms. Marquez, You're late again. Susmaryosep! hindi ka na nagtanda" Blah.blah. Pahiya nanaman ako sa mga classmate ko. 


"Sorry po ma'am." Sabay upo ako sa upuan ko. At ayun nag lesson na si maam. Ka-antok nga ee.


*POKE*

Tumingin ako sa likod ko. "Bestfriend. Why?"

"Bessie, late ka na na-----"




"Hindi, Hindi ako late." 




"Bessie naman e. Sayang di mo nakita kanina sa flag raising yung Kenjie mo"  My Gahd!!!! My super gwapong crush?



"Pano niya kaya ako mapapansin? May idea ka?"


"Try mong mag tambling sa harapan niya aba'y mapapansin ka nun."



"Batukan kaya kita dyan, gusto mo?" Siraulo tong babaeng 'to!


"Joke lang naman bessie." 

At ayun nag usap lang kami na kung anu-ano  habang nagtuturo si maam. 'Yung tipong pabulong na usapan. Haha. Gets niyo ba?


Mabilis lumipas ang oras.

Lunchtime na nga namin e, at nandito kami sa labas ng campus kumakain. Sa Mr. Food ^^

“Bessie, di ko pa nakikita si Kenjie. Dapat nandito na siya. Bakit kaya?” I asked kasi dito siya laging kumakain e.


“Bessie, kung makatanong ka naman parang nanay niya ko. Haler! Magkaklase tayo tapos sakin mo tinatanong. Bangag ka ba?” Sabi ko nga!


“Okay. Pasensya.” Sabi ko sakanya. Hay. Mag fo-focus muna nga ako dito sa pagkain ko. At pagminamalas-malas ka nga naman oh, tumulo pa 'yung sauce ng ulam ko sa uniform ko. Hassle!


“Hingi lang ako ng tissue.” sabi ko sakanya sabay tayo at talikod ko.




OH. MY. GOSH!!!!!!!!!!!

“K-Kenjie."

Oo. Pagtalikod ko nasa harap ko na siya and isang ruler lang ata ang distansya namin. So ibig sabihin nasa likod ko siya and ibig sabihin 'din, papalapit siya samin. Bakit? Bakit? BAKIT?!!!! Nag ha-hyperventilate na ako!


“Johanna?” Pinalakpak niya yung kamay niya sa malapit sa mukha ko at bigla ko na lang na pansin na nakatigtig na pala ako sakanya kanina pa. Spell nakakahiya? A-K-O! 



“Ay. S-Sorry. May kaylangan ka?” 




“Pinapabigay kasi to ni Maam Rodriguez 'tong testpaper niyo sa subject niya. O eto na” Binigay niya na sakin at namumula nako kasi nahawakan ko yung kamay niya. Pwedeng isa pa? HAHA! Manyak ko!!!




“Ahh. Na-record niya na ba to? So pwede ko ng ibalik sa owner?” Pinapahaba ko pa ang usapan namin e. HAHAHA.




 “Ay. Oo na, nalimutan ko pang sabihin sayo. Sige alis na 'ko.”





Ahm. Wait kenjie.. Kumain ka na ba? Sabay ka na samin” San ko nakuha ang lakas ng loob ko?



He smiled. Shit. “Thanks but kelangan ko pang tapusin yung Report ko sa Physics and besides hindi pa ako gutom e. So thank you na lang."




“Oh By the way, Congrats nga pala, perfect ka dyan sa test niyo. Kami kasi nag check nyan and ikaw lang ang naka-perfect” Tinapik niya yung kaliwang balikat ko.




“Ahh—eh. Salamat ..” My Gahd. Nananaginip ba ako? Tinapik nya yung balikat ko. Grabeng kilig ko!!! Umalis na ang aking Kenjie.



Hoy! Nagpapahalata ka naman kanina na kinikilig ka na. Haha. Mukha kang tanga kanina.” Krissel said.





“Tanga na kung tanga pero mahal ko siya” Ganti ko naman kay Krissel.



“Hay naku. Kumain ka na lang. Oy! Kumakalat na yang sauce sa uniform mo oh” Ay. Oo nga pala. Kukuha pala ako ng tissue kanina. Nakalimutan ko na tuloy.


“Oo nga pala. Thanks for reminding me.” Kumuha na ako ng Tissue..

Pero kasi..

ANG GWAPO NI KENJIE!!!!!!!!

 
~·~
Multimedia: Johanna "Yanna" Marquez

Falling in Love, Again.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon