Chapter 6: MALL

1.5K 13 3
                                    

MONIQUE'S POV

"Anong nangyari kay Johanna? Bakit parang ang init ng ulo." tanong ko.

"Ewan ko nga e, biglang nag-iba 'yung timpla niya. Mukhang galit sakin" sagot ni Josh.

"Sus. Hayaan mo na nga 'yun." Tinignan kong maigi si Josh, para kasing namumukhaan ko siya. AH! Tama! "JJ?"

"Teka, si MM lang tumatawag sakin niyan." gulat na sabi ni Josh.

"So tama ako? Waaaaah~! JJ, I missed you." niyakap ko naman siya.

"MM! Grabe! Ikaw na 'yan?"

"Yes. O? Sabi ko sayo e, gaganda din ako!" natatawa kong sabi.

Bully kasi yang si Josh nung elementary kami. Crush ko nga yan nun e, kaso lagi niyang sinasabing ang pangit ko daw. Pero wag kayo, kahit na aso't pusa kami nun, mag bestfriend kami niiyan.

"Laki ng pinagbago mo ah!" dagdag ko pa.

"Matagal na kayo magkakilala?" baby said.

"Yes baby, Bestfriend ko 'yan ng elementary kaso lang nung grade 4 kami eh lumipat 'yan ng school at ang walanghiya, hindi man lang ako kinontak. "

"Pasensya naman, ayaw mo nun? Naka move-on ka na. Patay na patay ka sakin nun diba?" Gagung Josh 'to.

"Boastful." irita kong sabi.

"Binibiro lang kita. Pero, infairness sayo, hindi ka na pangit" natatawa niyang sabi.

Napatingin ako sa boyfriend ko. Nakatingin siya sa labas ng Canteen. May kakaiba sakanya lately, hindi naman ako manhid para di mapansin na may kakaiba sakanya. Minsan nakikita ko 'yang ngumingiti mag-isa tapos biglang bubusangot. Minsan nga iniisip ko na ako dahilan ng pag ngiti niya pero kasi hindi naman siya ganyan dati.

"Baby, may hinihintay ka ba? Kanina ka pa tahimik e, nakatingin ka lang sa labas."

"Huh? Wala."

"Nako MM! Baka ibang babae ang iniisip niyan. Kawawa ka naman." pagbibiro ni Josh.

Medyo nagulat ako sa sinabi ni Josh, posible kayang ibang babae ang iniisip ni Kenjie?

"Ha? N-no! May bumabagabag lang sa isip ko, kanina kasi parang umiiyak si Johanna." Napangiti na lang ako ng mapait. Mukhang tama si Josh, Ibang babae nga ang iniisip ni Kenjie.

I am aware na crush ni Kenjie si Johanna. Yes, I AM AWARE. Minsan pag magkasama kami at nadadaanan namin si Johanna, nahuhuli ko siyang tumitingin sakanya. Pero hinayaan ko 'yun, ako ang niligawan kaya ako ang mahal. Di naman ako selosang tao after all.

"Talaga? Baka kasalanan ko." madramang sabi ni Josh.

"Wag kang assuming, porket umiyak, ikaw na agad ang dahilan?" pangtataray ko kay josh.

"Wow MM ha? Ikaw na talaga ang pinaka supportive na kaibigan, kaya mahal na mahal kita e." alam kong sarkastiko 'yung pagkasabi niya pero nagulat talaga ako.

Napaiwas na lang ako ng tingin kaya napako ang mata ko sa reaksyon ni Kenjie, nakangiti lang siya, para bang wala sakanya 'yung sinabi ni Josh. 

"Kilala dito sa School si Johanna, madaming nagkakagusto sakanya pero wala siyang pinapansin sa mga gustong manligaw sakanya. Ewan ko ba kung bakit ganun 'yun. Ayaw na ayaw nga nun na sumasali sa mga beauty pageant dahil ayaw niya ng atensyon." manghang-manghang sabi ni Kenjie.

Falling in Love, Again.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon