Chapter 9: Her Confession

1.4K 15 5
                                    

 JOHANNA'S POV

Hanggang sa nakarating kami dito sa Canteen, hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko. Bakit ba siya ganyan? Pinapaasa niya ba ako?

Binitawan niya na ang kamay ko dahil umupo na kami.

"Anong gusto mo for lunch?" tanong niya sakin

"Kahit ano na lang." I said

"Sige. Order lang ako"

Makalipas siguro ang 5 minuto eh nasa harap ko na siya, dala dala ang pagkain namin.

"Chicken Curry!" masaya kong sabi. 

"You like it too?" he asked

"My favorite."

Tumango tango na lang siya.

Biglang nag ring 'yung cellphone ni Kenjie, nakita ko kasi nakapatong 'yun sa mesa.

"Excuse me, Yanyan" Tumayo siya at nagpunta sa isang sulok.

Itinuloy ko na lang ang pagkain ko. 

Maya-maya nakita kong pabalik na si Kenjie. Parang may iba. 'Yung mata niya, parang may namumuong luha.

"Kenjie? Okay ka lang?"

Hindi niya ako sinagot bagkus niyakap niya ako.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Tuluyan na siyang umiyak. Parang ang bigat ng dinadala niyang problema.

Di rin nagtaggal, kumalas na siya sa pagkakayakap.

"Yanyan, Salamat" malungkot siyang ngumiti.

"Walang ano man"

"Pwede bang... samahan mo ako sa bahay?"

BAHAY? O_O 

ANONG GAGAWIN NAMIN DUN? ANG ALAM KO WALANG TAO DUN. ANG MOM NIYA NASA CANADA.

"Kaylangan ko ng kaibigan... kaylangan kita." dagdag pa niya.

--

"Upo ka" 

"Kukuha lang kita ng makakain at maiinom" dagdag niya pa.

Tumango na lang ako.

Habang naghihintay sa pagbalik ni Kenjie, naisipan kong tignan yung mga pictures sa isang table, Puro pictures ng isang matanda na may kasamang bata, pero meron din naman na may kasamang babaeng maganda na mukhang nanay ni Kenjie.. Kinuha ko yung isang picture na mgkasamanng nakatayo yung matandang babae at yung isang batang lalake na kung hindi ako nagkakamali ay si kenjie.

"Lola ko yang kasama ko sa picture"

Napalingon ako sakanya. Dala nya ang mga pagkain at Juice. Binalik ko na yung picture na kinuha ko kanina at lumapit sakanya.

"Lola's boy ka ba?"

Ngumiti at tumango siya.

Gusto kong itanong kung bakit sya umiyak kanina, nag-aalala ako. "Kenjie? Bakit ka--"

"Kung bakit ako umiyak kanina?" He asked

Tumango na lang ako

Huminga sya ng malalim "My lola is dying.. kaya kaylangan kong pumunta ng Canada as soon as possible dahil gusto niya akong makita, Pero ako kaya? kaya ko bang makita ang kalagayan ngayon ni lola? Parang hindi.. hinding hindi"

Falling in Love, Again.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon