Chapter 59: A day with him.

920 14 7
                                    


YANNA'S POV.

 

 

Nag-iisa ako ngayon sa may soccer field. Na-cancel 'yung pasok namin ngayon because of an urgent faculty meeting.

Kahapon, muntik na akong mabuko sabi ni Krissel. Nabi-bwiset ako sa sakit ko, ba't ba kasi pabigla-bigla 'tong umaatake?


Pinagpapalo ko na 'tong dibdib ko. "Ang unfair mo! Sobrang unfair mo." Di ko na napigilan pa ang mga luha ko.


Shit! Naaalala ko nanaman yung nalaman ko kahapon. Si Kenjie at Nica....sila na at tangina ang sakit.

Kasalanan ko 'to e, pinagtabuyan ko si Kenjie. Pinagtabuyan ko siya.




Pero bakit ganun? Ang bilis. Ganun ba niya ako kabilis kalimutan?


Sobrang sakit.



Gusto ko ng sabihin sakanya ang totoo. Gusto ko ng sabihin na mahal na mahal ko siya.


Pero pa'no ko pa gagawin 'yun kung iba na ang gusto niya?



Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko ng mapansin kong may tao sa likod ko.



"Hoy!"



Tinignan ko 'yung nagsalita at halos magulat ako ng nandito siya. "K-Kenjie?"



Nginitian niya ako? Nananaginip ba ako?
Yung mga ngiti niya, namiss ko 'yun.


Okay na ba kami? Simula nung dumating siya ngayon niya lang ako nginitian.


"A-Anong ginagawa mo dito?" I asked.


"Hinahanap talaga kita, Yanna."

Pwede bang marinig ko ulit mula sayo 'yung pag-tawag mo sakin ng Yanyan? Miss ko na 'yun e. Sobra.



"Huh? Bakit mo ako hinahanap?"

 

"Pwede bang samahan mo ako buong araw?"


Huh? Tama ba 'yung narinig ko? Niyayaya niya akong samahan siya buong araw? "Huh?"


"··please."




Napatango na lang ako sa sobrang gulat. I am sure na hindi 'to hallucination or a dream. This is really happening.

Nasa loob kami ng kotse niya. He's very quiet. Nagtataka pa din ako sa mga nangyayari.

Halos lamunin na kami ng katahimikan that's why I decided to talk. "Pasaan tayo?"

 


Saglit siyang tumingin sakin then ngumiti, Ghad i miss his smile. I miss him so much. "Since malapit nang mag lunch, kumain muna tayo."

 

"Sige."



Ang tahimik nanaman. Ang awkward. Sabihin ko na kaya ngayon ang totoo?





Huminga ako ng malalim. "Kenjie?"

 

"Hmm?"

 

"S-Sorry nga pala sa mga nasabi ko noon sayo····"

 

Falling in Love, Again.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon