Chapter 13: Truth hurts

1.4K 13 8
                                    

YANNA'S POV

Kasalukuyan akong nasa School ngayon, Kukunin ko 'yung mga importanteng papeles para makapag transfer na ako ng School. Sinakto kong class hour niya para hindi ko siya makita. 

Napansin kong nag vibrate ang cellphone ko. Napangiti na lang ako ng malungkot ng makita ko ang picture niya sa wallpaper ko.(-->)

"I have to move on...."

Pinalitan ko ang wallpaper ko then I deleted his picture. I removed my simcard and changed it with a new one.

It's not being bitter, It's being fair. I'm moving.

Papalabas na ako ng campus ng bigla kong makita si Monique sa gate. Lalagpasan ko sana siya pero napahinto ako sa sinabi niya.

"Alam mo na pala.."

Hindi ko siya nilingon. "Yanna, Matagal ko ng alam na kayo na.. pati din sila ni Krissel.. oo.. alam ko nalalandian ka sakin.. alam ko din na nakita mo kami ni josh sa 7/11, Nakita kita kaya ginawa ko 'yun. hinalikan ko sya para mag break kayo"

Sa sinabi niyang 'yun, automatikong napatingin ako sakanya ng nakakunot ang noo pero hindi pa rin ako nagsalita. Gusto kong malaman ang dahilan. May karapatan naman siguro akong malaman ang totoo.

"Parepareho niya tayong niloloko. Yung nakita mo sa 7/11, pumunta ako doon para makipag break sakanya. Nasasaktan na ako e. Lalo na nung nalaman kong... " nakita kong tumulo ang luha niya.

....may nakalaan na sa simula pa lang para sakanya"

Naguluhan ako sa sinabi niya. "A-Anong ibig mong sabihin?"

"Sumunod ako kay Kenjie sa Canada. Alam kong alam mong arranged kami. Pero nag-iba ang pakikituring niya sakin sa Canada. Nasaktan ako, sobra. Minahal ko siya e. Pero wala akong magagawa, ayokong ipagpilitan ang sarili ko sakanya kaya ako na mismo ang nakipaghiwalay. Umuwi ako agad dito.. sa Pinas para makalayo sa kanya.."

 Ano bang sinasabi niya? Pano napasok si Kenjie sa usapan namin? Si Josh ang issue dito.

"Gabi-gabi akong nasa Bar.. umiinom, nagpapakalasing not until nakita ako ni Josh. Tinulungan niya akong makalimot. Pinaramdam niya sakin kung paano ako mahalin. Binigyan niya ulit ng kulay 'yung buhay ko. Paunti-unti, Minahal ko siya, sabi niya he feels the same way too. Sinabi niya sakin na girlfriend niya si Krissel, yung bestfriend mo. Ayoko ng maiwan.. kaya kahit masamang tignan, pinilit ko ang sarili ko sakanya."

Falling in Love, Again.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon