Chapter 45: Deep pain.

908 11 9
                                    

YANNA'S POV

Bigla kong naalala 'yung nangyari kanina.

Kinuha ko si baby Keyanna, 'yung stufftoy na robot na bigay ni Kenjie, at niyakap ito. "I am sorry. I am sorry for causing you too much pain, kenken. You need to let go of me because that's the best thing for now...but, i hope in your heart, you'll still see me as your yanyan, the girl who really do love you."

Humiga ako at tinignan ang kisame. "I love you, to infinity and beyond, Kenken."

Ipinikit ko na ang mga mata ko.

---

 JOSH'S POV

Nakatanggap ako ng text mula sa Mommy ni Yanna. Yes, okay na kami ng parents niya. I mean after all the pain i gave to their daughter, they still see me as their son.

Josh, puntahan mo naman dito si Yanna. Ayaw niyang kumain. Tinatawagan ko na din si Kenjie pero hindi siya sumasagot, ganun din naman si Krissel.

Agad akong pumunta sa bahay nila.

Ano bang nangyayari?

Nag doorbell ako at lumabas naman agad ang mommy niya. "Josh, salamat naman at nagpunta ka dito."

 

"Walang anuman po Tita, ano po bang nangyayari kay Yanna?"

"Hindi ko din alam e, umuwi siya kagabi ng basang-basa tapos halata ko din na mugto ang mga mata niya. Kaninang umaga, kumakatok ako sa kwarto niya para bigyan ng pagkain pero ayaw niyang kumain. Naka lock din ang kwarto niya, hindi namin mabuksan kasi may lock din 'yun sa loob. Nag-aalala na ako sakanya. Hindi na nga siya kumain ng breakfast, pati din lunch ayaw niya."

I sighed. "Sige po Tita, susubukan ko po siyang kausapin."

Dumiretso ako sa kwarto ni Yanna. "Yanna? Open the door. Si Josh 'to"

Falling in Love, Again.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon