Chapter 60: The News.

978 12 4
                                    


ANDY'S POV.

Kanina pa ako palakad lakad sa labas ng ER. Tinawagan ko na sila tita at tito pati na rin si Krissel.

"Excuse me?"

Tumingin ako sa nagsalita. "Doctora, Kamusta na po si Yanna?"

"Kaano-ano mo ang pasyente?"

Ewan ko pero bigla kong sinagot ang tanong niya nang isang kasinungalingan. Alam kong sa immediate person lang niya sasabihin kung anong meron kay Yanna. "S-She's my sister."

"I see, I'm sorry to say this but, pag inatake pa siya ulit ng sakit niya, ikamamatay niya na 'to. Mas lalong humina ang puso niya na nag ca-cause ng sobrang bagal na heartbeat niya at any moment, 'yung sobrang bagal na heartbeat na 'yun ay maaaring huminto.As of now, medyo nanghihina pa siya pero ililipat namin siya ng room. She needs to rest."

Matapos sabihin 'yun ng doctor bumalik siya ng ER.

Halos hindi pa rin pumapasok sa utak ko.May sakit sa puso si Yanna?

Bakit hindi niya man lang sinabi sakin 'to?



Inilipat na sa kwarto si Yanna. Tinignan ko ang mukha niya.

Ba't ngayon ko lang napansin na pumapayat siya?

Na kapag wala siyang make-up, namumutla siya.


ANONG KLASENG KAIBIGAN AKO?!

Umupo ako sa tabi niya. "Prinsesa naman, ang daya-daya mo, sinabi ko sayo ang tungkol sa sakit ko pero 'yung iyo, itinago mo." biglang pumatak ang mga luha ko.




KRISSEL'S POV.

Halos hingal na hingal ako pagdating sa kwarto ni Yanna. Tinawagan ako ni Andy, telling that Yanna is at the hospital. Shit damn Yanna. I hope she's okay.

"Yanna?" sinusubukan kong kausapin ang natutulog kong kaibigan. "Ano bang nangyari?" 

Hindi sumagot si Andy pero halata sa mata niya na galing siyang iyak.

Kasama ko ang barkada. Kumpleto kami maliban sakanya.

Nakita ko naman na katabi na ni Yanna si Tito at Tita. Umiiyak si tita habang pinapatahan siya ni Tito. "Hon, Yanna is a strong girl. She'll be fine."


"Andy, ano bang nangyari?" Babe asked.


Lumingon si Andy na may halong sakit at pagtatanong ang nga mata. "Sabihin niyo nga sakin, alam niyo ba ang tungkol dito?"


Please, don't tell me... "Alam mo na?"

He smiled bitterly. "So alam niyo nga, pero hindi niyo man lang sakin sinabi, wala tuloy akong nagawa, wala. " at sa pagsabi niyang iyon, nagsimula nanaman na magpatakan ang mg aluha niya. "Damn it! Kaya kong gawin lahat, gumaling lang siya."



Naaawa ako kay Andy, aobrang mahal niya ang kaibigan ko. "Gustuhin man namin na sabihin sa'yo, pero ayaw ni Yanna. Gusto niya siya mismo ang magsabi sa'yo ng katotohanan."

Hindi na siya umimik pero patuloy lang siya sa pag-iyak. "Damn it! Yanna. Damn it! You should have told me." Paulit-ulit niyang sabi.



Lumipas ang mga oras, medyo naging kalmado na kami. Tumigil na rin sa pag-iyak sila Tita at Andy.


Umaga na, hindi kami nakatulog. Lahat kami binabantayan si bessie. Hinihintay ang paggising niya.


Falling in Love, Again.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon