Chapter 10: *NEW BEGINNING*

1.3K 12 3
                                    

JOHANNA/YANNA'S POV 

"Hi bessy! What's your first sched?" Krissel asked.

"P.E" I said

"Wow! Keri mo 'yan! Go girl!"

"Ako pa! Malamang! HAHAHA!"

"Sige, una na ako. You know naman, hindi tayo pareho ng course na kinuha."

BSHRM ang course na kinuha ko, Hulaan niyo kung ano kay Krissel? BSN 'yan! As in nursing. Oh? Taraaaaaay!

Umalis na siya kaya mag isa akong umupo sa bench na malapit sa garden. 10 am pa naman ang klase ko. 8 am pa lang naman e. Maaga kasi akong pumapasok kasi naboboring ako sa bahay. Hindi na nga pala ako na le-late. Ang laki na kaya ng pinagbago ko. Duuuuh, mag i-isang taon na kaya ang nakalilipas mula nung umalis ang isang Marc Kenjie Aguilar sa buhay ko. 

COLLEGE NA AKO! ANG GALING! Parang kaylan lang nang grumaduate ako.

Nabigla ako ng may nagtakip ng mata ko mula sa likod. Sa amoy pa lang niya, kilala ko na 'to. "Hey Josh"

"Ikaw ha! Kilalang-kilala mo na talaga ako." nakangiting sabi niya.

"Sino ba namang hindi masasanay sa presensya mo, kahit san ata ako pumunta parati kang nandyan"

"Malamang, nanliligaw ako e."

Nginitian ko na lang siya. Maya-maya biglang lumapit saakin si Anthony at binigyan ako ng chocolate, admirer ko 'yan si Anthony. Maganda kasi ako. Oh! Wag kumontra, minsan lang ako magbuhat ng sarili kong bangko.

"Sino naman yun?" Iritang tanong ni Josh.

"Admirer ko. Gwapo no?" pang-aasar ko. 

"Hindi ka pwedeng magmahal ng iba" seryoso niyang sabi. Mahal agad? Admirer pa lang nga e.

"At bakit? Ha? Ha?"

"Dahil ayon sa propesiya, IKAW at AKO ay para sa isat-isa."

Ayan nanaman siya sa mga banat niya, napapangiti na lang ako pag bumabanat siya. 

"OH! OH! Nakita ko 'yun! Ngumiti ka! Kinilig ka! Wag kang mag deny. Gwapo ako!"

Tinawanan ko na lang siya. Oh ano kung gwapo siya? Anong connect?

"Hey! Don't laugh. Gumaganda ka lalo sa paningin ko e."

"Ewan ko sayo!"

"Matagal na akong nanliligaw sayo ah. Di mo pa rin ba ako sasagutin? Ang puso ko, hulog na hulog na sayo.

DRAMA OVERLOAD! 

"Kelangan ma-drama? If you really love me, you'll wait.."

"Yes jowjow ko. I'll wait"

Tumalikod na ako, at sa pagtalikod ko, saka kumawala ang ngiti ko. 

Ilang buwan na ba ang nakalipas nung umalis si Kenjie? Ilang buwan ba akong nasaktan dahil sa kanya? Labing isang buwan.

Labing isang buwan na ang huli namin pagkikita. Wala na akong balita sakanya. Siguro meron na siyang pamilya. Sana masaya siya dahil ako, masaya ako para sakanya, masaya ako para sa sarili ko, dahil 'yung sakit na naramdaman ko dahil sakanya, mas ginawa pa akong matatag na tao. Angel in disguise nga ika nila. Masaya na ako kung anong meron ako, masaya na ako kung sino ang meron ako ngayon. Sila Mommy at Daddy, Krissel at si Josh. Ang laki ng utang na loob ko kay Josh, magmula ng umalis si Kenjie, nagbago ang mundo ko. Pero siguro tama nga ang sabi ng ibang tao na 'madaling ma-inlove sa taong nagpapasandal sayo' 

Falling in Love, Again.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon