"Her parents died a long time ago. Wala na siyang kasama sa buhay Pa." I said









"Kaya pala ang sabi sa akin ng Mama mo kanina mukhang may lungkot sa mga mata niya, ang mama mo talaga ang galing sa mga ganito. Huwag na huwag mong sasaktan ang katulad niya kiefer." Sabi ni Papa at tinapik ang balikat ko. "Sandali lang bababa na ko malamang hinihintay na ko ng Mama mo doon. Sumunod ka na ha."






Pagkalabas ni Papa nag-stay pa ko ng ilang minuto at pinagmamasdan lang sila. Ang saya lang na close kaagad siya sa pamilya ko.




Nawala ako sa iniisip ko ng tumunog ang phone ko. "Von's calling."






"Paps, bakit? May problema ba?"






"Wala naman, ipapaalala ko lang sayo yung sa charity event next month. Darating kaming lahat baka naman ikaw lang ang mawala doon. Magtatampo sayo si Lau."









Lau organized a Charity ball para sa mga ipapagawang bahay at school sa mga nasa norte. Nung nakaraan ko pa to iniisip dahil alam ko ibebenta na naman ako ni Lau sa bidding na to.





"Oo hindi ko kakalimutan, Paps. Reserved two seats for me please." I said na nakangiti na.





"Bakit dalawa? Sinong kasama mo? At teka nga nandyan ka daw sa resort sabi ni Grace ayaw mo pa daw magpaistorbo. Langya ka talaga Ravena kasal ka na uy! Bawal ka ng mangbabae." Sabi ni Von na tumatawa pa.







"Ulol! Hindi ako nangbababae dito no! Tsaka Alyssa is not one of my girls. She's my wife wala naman sigurong masama kung isama ko siya dito diba?" I said.






"Wait! What? Si Alyssa? Hindi nga? So kasama mo siya dyan? Wait paano mo napapayag? Tinamaan na ba sa Ravena charms mo?" Sabi niya at tawa ng tawa.







"Ayaw nga eh! Feeling ko tuloy ang pangit ko." I said at tawa naman ng tawa si Von.





"Ano ng nangyari sa Ravena Moves? Wala ka pala Paps eh. Oh baka naman hindi ka talaga gusto ni Alyssa. Or baka mayroon siyang ibang gusto?" Sabi ni Von at napasimangot naman ako..





"Von? Wala ka bang ibang gagawin dyan? Pati ako binabadtrip mo dito? Porket masaya lang ang lovelife mo?" Sabi ko sa kanya.





Dreams Into Reality (COMPLETED)Where stories live. Discover now