binitawan nya yung kamay ko at tumingin ng masama sakin. I know, pinag-usapan na namin toh pero ito na yung way nya para maging proud sakanya yung daddy nya. At saka sya na nga nagsabing mahirap kunin yung attention nun, bakit hindi pa nya i-grab?


"Eto na naman ba tayo?"

Oo, eto na naman po kami. Naiinis na naman sya sakin kapag binabanggit yun. Ang laking sayang kasi!


Napasandal ako sa balikat nya. Iniisip ko lang naman yung mas nakakabuti sakanya.


"Kasi girl, sayang yung opportunities. Kung ako nga meron nyan, hindi na ko magdadalawang isip pa. Bakit hindi mo nalang tanggapin?"

"Kasi nga dito ako masaya. Nagagawa ko yung ganito, saka eto pa" inakbayan nya ko at saka pinisil ilong ko. Aish! Seryoso nga ko ngayon!

"Magagawa mo parin naman yan! Bakit hindi mo man lang kasi itry muna kahit 1yr lang? Para sa future mo rin naman yan, or satin. Atleast, masasabi kong NBA player boyfriend ko. At saka para maging meaningful narin yung 'I miss you, baby' mo"

Ginaya ko pa talaga yung way ng pagsasabi nya ng I miss you. PFFFT. Kada kita namin meron syang I miss you, namiss kita chuchu! Eh araw araw na nga yata kaming nagkikita. Miss parin nya ko?


"Iba na kasi yun baby, masyadong malayo. Pano kung mambabae ako dun? Syempre, star player lapitin, walang sisigaw dun ng 'Baby I love you!' para alam nilang taken na ko"

Locheeeee! Kinurot ko sya sa tagiliran nya, napapakagat tuloy sya sa lip nya. wala syang magawa, super close kami, nakaakbay pa kasi. AAAAHH! Nakakainis! Ipaalala daw ba yung nakakahiyang pagsigaw ko sa game nila? AISH!


"gaya-gaya! Eh di, mambabae ka! Yun lang pala pinoproblema mo. Ok lang yun para hindi mo rin ako masyadong mamimiss. Pero siguraduhin mo lang na kaya mo ah?"

"psh. Hindi ko alam kung malaki ba tiwala mo sakin o malaki tiwala mong hindi ko kayang gawin yun?"

MOAHAHAHA! Makasimangot. As if naman kasi kaya nyang mambabae, gulpihin ko sya sa States!

"both!. Ganito na lang, break na muna tayo para wala tayong commitment, then pagbalik mo dito kapag single tayo pareho, tayo na ulit"

"Iniinis mo ba talaga ako Ashley Shaine?"


yung tono ng boses nya WAAAAHH! Tulad narin sya ni Tito, magkasalubong kilay tapos naniningkit na yung mga mata.


Yinakap ko sya ng mahigpit. Wala na kong pake kung makita man kami nung mga kasambahay nila. Tinatago ko yung mukha ko sa chest nya. Hindi ko talaga sya kayang tignan pagganyan. Naiiyak ako! Ayoko! Ayoko! Hindi ko sya kayang i let go!



"alam mo namang mahal kita diba? Hindi ko naman din gusto na magkalayo tayo pero kung yun yung dapat, wala tayong magagawa. Gusto ko maabot mo yung dreams mo, dream ng daddy mo sayo. Gusto ko maging masaya ka. Basketball is your life, and this is the biggest dream you could ever have"

at ayokong maging hadlang dun.. Baka sisihin ko lang yung sarili ko kapag hindi nya tinanggap.


Ramdam ko yung paghinga nya ng malalim. Nagpapakalma siguro sya para mawala yung inis sakin. I swear, hindi ko talaga sya titigilan hanggat hindi sya nakakapagdecide.


"Bakit ba hindi mo maintindihan na masaya nga ko dito? Ayoko dun. Mas gusto kong nakakasama ka"

"ita-try mo lang naman. Wala  namang magbabago satin. Promise! I-accept mo lang yan, hindi na kita kukulitin. Lahat ng gusto mo gagawin ko, hindi kita susungitan, magiging sweet na ko sayo, hindi kita aawayin, ikaw nalang yung boss satin."

"Hindi mo kelangan gawin yun. Wag mo na nga kong pilitin Ashley. Mas priority kita kesa sa basketball. Gusto ko lang yung kasama ka, yung ganito" niyakap nya ko at hinahaplos yung buhok ko. Pakiramdam ko nga inaamoy pa nya or hinahalikan or whatever yung buhok ko. "I want to be with you. Baka kapag tumagal ako dun, mamatay na ko sa pagkamiss sayo"


"Pero hindi ka makakapagEngineering.."

"Pano mo nalaman yan? Si daddy ba nagsabi sayo?"

patay. Daldal talaga Ashley.

Silently In Love (Completed)Where stories live. Discover now