CH.15 EKSENA SA BAHAY NI CLOVER

50 16 2
                                    


After ng sukatan session bumaba na kami ni Ate Andromeda dahil kelangan ko na umuwi.

"Ate thanks po talaga. Nakakahiya, andami po nitong binigay nyo."

"Ano ka ba, wala yun noh! By the way, igagawa kita ng gown mo basta ipapadala ko na lang yun sa house nyo. Okey? Bayieee. Ingat ka!" Sabi nya sabay beso beso ulit sa akin nang nasa labas na ako ng mansyon nila. Para saan naman yung gown na sinasabi nya? Hindi ko na lang pinansin pa yung sinabi nya at naggoodbye na rin ako sa kanya.

Dumiretso na ako sa kotse na maghahatid raw sakin pauwi. Hindi ko na nagawang magpaalam kay Trevor pero paniguradong natutulog na yun sa kwarto nya.

Nagulat naman ako nang pagpasok ko sa kotse dahil hindi si kuya Jeff yung nasa driver's seat kundi si..

"Trevor?"

"Sino pa ba? Tss. Tara na nga, sabi ni ate ako daw maghatid sayo ee."

Hindi na lang ako nagsalita pa bukod sa sinabi ko sa kanya ang daan papunta sa amin. Hanggang sa nakarating na nga kami sa bahay na kung saan nag-aabang si mama at Alex sa may gate.
O_O
Oh my gahd! Hindi nga pala ako nagtext sa kanila upang magpaalam. Lagot!

Agad akong bumaba sa kotse at lumapit kila mama. Nagulat pa sila nang makababa ako sa kotse.

"Asan ka galing? Ba't ngayon ka lang? Ba't di ka man lang nagtext samin na gagabihin ka? Nag-aalala na kami, sino yang naghatid sayo?"

Grabe talaga to si Mama magreact. Lagi naman kasi ako nagtitext kay mama kung gagabihin ako para hindi sya mag-alala. Nakalimot lang ako ngayon.

"Goodevening po! Pasensya na po kung ginabi sya."

Oh shemay! Bumaba pala si Trevor sa kotse.

Nag-fade yung itsura ni Mama na galit at napalitan ng isang ngiti.

"Ikaw ba ang kasama ng anak ko hijo kaya sya ginabi?"

"Ah opo, pasensya na po."

At bigla na lang nagspark yung mata ni mama pati na rin si Alex na titig na titig kay Trevor.

"Naku. Okay lang yun hijo. Tara na nga muna kayo't pumasok sa loob."

Hindi na nakapagsalita si Trevor nang bigla syang ipagtulakan ni mama papasok ng bahay.

"Pasensya ka na anak at napagalitan kita kanina, hindi mo naman kasi sinabing kasama mo pala boyfriend mo." Sabi ni mama nang makaupo kami sa sala.

O_O
Nakakahiya. What? Boyfriend? Si Trevor? No way! Kung anu-anong pinagiisip nito ni mama.

"Oo nga ate. Hindi mo man lang sinabi na may gwapo kang boyfriend. Ahihi." Sabi naman ni Alex na kanina pa nakatitig kay Trevor.

The ef! Isa pa to! My gahd!

"Kumain na ba kayo?" Si mama.

"Ah opo ma, kumain na kami sa bahay nila."

Actually cookies lang pala kinain ko pero late na kasi para kumain pa, mas gusto ko nang matulog.

"Omg ate! Nag-meet-the-parents na ba kanina? Boto ba sayo parents ni kuya? i-e-engage na raw ba kayo? Magkakapamangkin na ba ako?"
Binatukan ko nga si Alex. Kung anu-ano pinagsasabi.

"Ma, Alex, hindi ko po sya boyfriend." Syempre hindi ko rin naman sasabihin na julalay ako ng lalaking kaharap nila. At ito namang kasing si Trevor todo smile lang. Hindi man lang magsalita.

"Whaaat? Hindi mo sya boyfriend? Kung ganun manliligaw mo sya? Kyaaaahhh... Sagutin mo na ate." Sabi ni Alex.

Oa sya at niyuyugyog pa ako sa balikat. The ef! Penge martilyo at ipupukpok ko sa ulo nitong babaeng to. Ba't ba ko nagkaroon ng baliw na kapatid. Gusto ko na nga sigawan 'to kanina pa kaso nahiya naman ako kay Trevor baka sabihin ganyan ugali ko dito sa bahay.

Tapos kinakausap na siya ni Mama lalo na si Alex ng kung ano man. My gahd! Nakakahiya baka kasi kanina pa nya gustong umuwi eh hindi naman ako makasingit sa kanila dahil tuloy tuloy bunganga ni Alex.

Panigurado naaasar na yan, dyusme yan pa, eh badtripin din yang lalaking yan. Kaso bakit ganun nakikitawa na din sya kila Alex sa usapan.

"Pasensya ka na sa kanila." Finally, natapos na ang eksena sa loob at pinapauwi na ni mama si Trevor pagkatapos ko sabihin kung anong oras na.

"Ok nga lang." Sabi naman nya pagkatapos ko humingi ng paumanhin sa kabaliwan nila mama at Alex. Nasa labas na kami ng bahay at nasa harap na ng kotse nya.

"Eh kasi sorry naman, ganun talaga sila mama at Alex. First time kasi nila akong makitang may kasamang iba bukod kay Celine, tapos lalaki ka pa, kaya yun.."

"HAHAHAHAAH."

Anong nakakatawa dun?

"Its okay. I had fun chatting with them. Masaya naman kausap family mo eh." Sabi nya habang pumasok na sya sa kotse nya.

Binuksan naman nya ang bintana nito.

Ang ilaw sa poste ang nagsilbing ilaw para makita ko ang mukha nya.
Akala ko may sasabihin pa sya pero nakatingin lang sya sakin.

"Ahh uhmm sige, thank you pala." Pinilit ko tumingin sa kanya para ipakita ang sincerity ko sa pag thank you dahil sa paghatid nya sakin.

Ngumiti sya ng maikli. Ngumiti sya.

Para akong natulala sa ngiti nya.

Matagal na nagtama ang mata namin.

Tinitigan nya ako.

Nakatingin sya sakin hindi ung usual na kapag nakatingin sya. This time para akong nilalamon ng mga tingin nya. At hindi ko kaya..

Binawi ko din ang tingin dahil hindi ako komportable. Nacoconcsious ako. Parang may biglang kung ano man akong naramdaman at ramdam kong bumilis tibok ng puso ko. Kinakabahan ba ko?

Niyakap ko ang sarili ko ng biglang umihip ang hangin. Eekk anlamig...

"Ahh cge., late na masyado..Ingat!" Sabi ko pagkaraan.

Para naman syang natauhan bigla at nagsimulang magstart ng kotse.

"Goodbye Yin!" sabi nya at tuloyan nang umalis.

The ef was that? Nag-goodbye sya at ngumiti sakin. Naghahallucinate ata ako, nakita ko pa ang pamumula ng pisngi nya kanina. Pero wait, ngumiti sya? Urgh! Ano ba! Bakit ba ko ngumingiti din!!!!

-------------

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 26, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

No MeasurementsWhere stories live. Discover now