CH. 12 HIS FB ACCOUNT

58 17 0
                                    


CLOVER YIN'S POV:

Ang bilis ng oras. Ng araw. August na nga eh! Natapos na ang madugo't makabasag bungong recitations, quizzes, exams, pero sunod sunod pa yung projects, experiment and laboratories, sumabay pa yung activities sa school. Waaahhh.

Nahahaggard ako.

Naiistress ako.

Tapos eto pa ang nakadagdag sa pagkastress ko, ang pagiging isa kong dakilang alalay, alipon, tagasunod. Eh kasi naman itong "Trevor and friends",oh diba? Hindi na zach and friends, napalitan ko na haha., so yun nga, eh kasi naman inaraw-araw na nila ang practice sa basketball at volleyball at si Zach naman laging swimming, ang ending tuloy ee pati ako nadadamay sa kapaguran hahaha

Pati yung ibang players grabe din ang preparation. Ramdam ko tuloy na mananalo school namin, yiheeyyy!!! Bwahaha

Magagaling ang players dito, syempre naman napapanuod ko practice nila, alalay ba naman ni Trevor ee. Utos dito utos doon. Tagabili ng pagkain at watergirl din! Nyeta!

"Oh!" Sabay abot ko kay Trevor ng mineral.
Ang arte ng lalaking to, ayaw dun sa may faucet na iniinuman naman. May nakalagay na ngang "safe drinking water". Haixt. Gusto talaga mineral o kaya tubig galing sa bahay nila kasi meron silang "oxygenated water" at alkaline water. Ang arte ng lolo nyo!

"Nagtext si kuya jeff, nasa parking lot na sya. Pakuha naman nang pagkain dun."

Abuso itong lalaking to.

Sinunod ko na lang. Hindi kasi ako makapagreklamo kasi mukhang badtrip tong lalaking to dahil late kanina mga grupo nya sa basketball.

Pagdating ko naman sa parking lot, andun nga si kuya jeff, yung driver nila. Binigay nya sakin yung  dalawang tupperware. Yung isa lalagyan ng siomai. Yung isang tupperware may laman na lasagna. Wow! Favorite ko din to ee!

Bumalik na ko sa court kung saan sila nagpapractice.

"Eto na po master" I sarcastically said. Napaenglish tuloy haha
Sinamaan naman nya ko ng tingin.

Pinatong ko na lang yung dala ko sa katabi nyang upuan. Kinuha nya yung steamed siomai. Madami at malalaki pa.

Tapos agad naman syang napatingin sakin,

"B-bakit?"
May dumi ba ko sa mukha?

Tinuro nya yung lasagna.
"That's actually for you!"
😯😮
Ano raw? Para sakin? Weh?
Tiningnan ko lang sya.

"Anong gusto mo, subuan pa kita?"

Ayy suplado.
Kinuha ko na lang at niresbakan yung pagkain. Haha. Sakto at nagugutom na din ako. Grabe hindi rin halata na gutom sya, naubos nya rin kasi yung lahat ng siomai. Paborito nya ata yun.

After kumain, nag ipad naman sya habang ako nagliligpit ng pinagkainan. Wow all around pala talaga ko, hehe buti na lang at libre foods eh.

Nagge-games siguro sya o nagnenet. Naiingit naman ako kaya nag-open naman ako ng facebook sa cellphone ko. Haha. Parang antagal ko ng hindi nagupdate at nagstatus dito ah.

"Ampanget ng profile mo. Ampanget pa ng cover photo."

Napatingin naman ako sa kanya, nakita ko sa ipad nya yung wall ng Fb ko.

"ui ba't nagvisit ka sa profile ko? Istalker kita noh?!"

Nag-whatever-hand-sign lang sya. Eww.

Maasar nga.
"That's so gay you know!"

Nanlaki naman mata nya sa sinabi ko. Haha. Nagpeace sign naman ako. Nakakatakot pa man din sya pikonin at asarin. haha

Ni-search ko name nya sa FB at ang lumabas isang Zach Trevor Shelton with 500k followers. Ni-click ko profile pic nya at andaming likes. Paano ko naman lalaitin ang profile nya dito e gwapo nya dito. O_O Omaygad! Gwapo? Hindi ko sinabi yun ah!

"I-like mo na. Nahiya ka pa!"

Tinaasan ko nga ng kilay. Pwe! Nalaman nya talagang sinearch ko sya ha. Tapos tawa sya ng tawa. Parang kanina lang badtrip sya ah at wala sa mood. BIPOLAR ata 'tong lalaking to eh!

************
A/n: napapadalas ata ang mga updates ko na puro may pagkain. nagugutom tuloy ako. Hahaha.. ANYWAY, PLEASE COMMENT AND VOTE NAMAN. THANK YOU!

No MeasurementsWhere stories live. Discover now