CH. 06 SLAVE THINGY

80 18 3
                                    


"OMG girls! Kasama sila Zach at ang grupo nya sa sports competition, sila magrerepresent ng school. Ang astig, ang cool, ang gwapo nila!"

Nandito kami ngayon ni Celine sa may terrace ng school, kumakain na kami ng lunch.

"Kaya nga tayo nandito kasi walang maingay tapos may dadaang ala bagyo ang bunganga" ani Celine.

"Hayaan mo na, napadaan lang naman. Pero ano raw yun? Representative sila Zach? Wow! Hindi ba dapat magpatry out muna o pumili ng the best?" Sabi ko naman.

Halos mabilaukan naman si Celine sa kinakain nya. Binigay ko naman yung tubig sa kanya.

"Wala ka talagang alam girl? Malamang sila na ang pinili ng chairman ng school kasi magaling sila sa larangan ng sports, duh?!"

"Paano mo naman nasabing magaling nga sila?" Sabi ko pagkatapos ko ubosin ang laman ng del monte pineapple juice. Ang sarap pala neto, favorite ko na to haha

"Ang dahilan kaya't lumipat sa school na 'to ang grupo nila Zach ay dahil kinuha sila ng chairman ng school. Magaling ang grupo nila sa halos sa lahat ng klase ng sports na meron sa school competition"

"At saan mo naman napulot yang info na yan?" Siguro dakilang chismosa din etong bff ko.

"Nagkalat sa school. Meron sa bulletin, meron sa school magazine, school newspapers at sa website ng school."

"Ganun?" Ano pa bang hindi ko alam sa school na 'to? Sorry naman hindi naman kasi ako active sa issues dito.

"Yup. At alam mo bang full scholarship sa college ang ibibigay ng school natin sa kanila if ever magchampion sila sa competition."

O_O

"Weh? Kung ganun hindi pala basta basta yung competition"

Hindi ko naman inaakalang naglevel up na pala ang school competition ngayon. Dati kasi regional competition lang, athletes from different school sa buong pilipinas ang maglalaban laban. Every year itong inaabangan at akalain mo nga namang hanggang ibang bansa na ang competition. At isang advantage sa school namin kung mananalo at makukuha nila ang titulo. I wonder kung saang field ng sports si Zach. Eeek ano ba yan all of a sudden naisip ko ung lalaking yun.

"Yup. Yup. Yup. At alam mo bang mahilig pala ng chocolate cake si Raphael, at grabe mansyon tinitirhan nila., opss!" Nagtakip ng bibig si Celine. aha! Huli ka ngayon!

"Hihihi.. Nasabi ko ba yun?" Mukhang may kailangan pang ikwento sakin tong babaeng to! Tinaasan ko nga ng kilay.

"Oo.  May iba ka pa bang hindi nasasabi pa?"

"Ka-kasi, magkasama kami kahapon ni Paeng, and you know were friends na."

Paeng? I assume nickname ni Raphael yun. Parang nung isang araw lang sila nagkakilala ah! Kinilig naman yung bruha. I smell something fishy, nasesense nyo rin ba?

Pabalik na sana kami nun sa room nang...

"Yow! Clover big!"

Alam ko na kung kaninong boses yun.. And ano raw? Clover Big? Ano na namang pauso nya?

Pagtingin ko sa likod ko, sino pa nga ba, parang kanina lang pinaguusapan namin sila ah, sina Zach at ang barkada nya na panlaban ng school namin para sa sports competition. Ano kayang magandang pangalan ng grupo nila, uhmm "Zach and friends?" Hahaha. Parang barney and friends lang ang dating. Haha

"Hi clover! And Hi Celine!" Binati nya kami pero nakatitig lang sya kay Celine.

Sinasabi ko na nga ba, theres something ee. Dyusmio yung bruha kong bff nagpacute pa, ilagay daw ba yung hair nya sa likod ng tenga nya, may payuko yuko pang nalalaman.

Lumapit naman yung apat na kaibigan pa ni Zach, eh teka sino sino nga ba to? Anim kasi sila, si Zach at si Raphael lang ang kilala ko sa pangalan.

"Hi, Im Apollo" tapos ngumiti sya. Howaw naman! Isang demigod!

"Im Dennis"

"And Im Denver. And yes, magkambal kami. Pero hamak na mas gwapo naman ako kesa dito!" Tinuro naman nya si Dennis tapos naghampasan na sila. Haha ang cute. Sabi ko na nga ba magkambal sila, obvious naman kasi magkamukha sila. Pero may pagkakaiba syempre sa feature, itong si Dennis medyo mahaba buhok nya kaya nakatali. Anong tawag sa ganun? Bun man ba? Ay ewan. Si Denver naman clean cut at may nunal sya malapit sa labi nya.

"Ako naman si Nicholas" saboy abot naman nung isang guy sakin nung kamay nya.

"...sparks" dagdag nya pa nang makipagshaekehands ako.

Ay may pag ganun? Nicholas Sparks? Naging author bigla? Ansaveehh? I know joke lang ung part na sparks.

Tapos pumagitna naman si Denver at hinila kamay ni Nicholas, tapos naghabolan sila. Ayyyy ang kukulit naman nila haha

And infairness naman talaga sa kanila. Mga naggagwapohang athlete! Panigurado maraming manunuod sa everyday practice nila nyan,

Nakita ko naman si Celine sa may bench dito sa terrace na kasama na si Raphael at nagtatawanan. Ayy iwan daw ba ako dito?

"Hoi fats! May utang ka pa sakin!"

Ay may tao pala kong kasama. Haha. Ang lalaking to kelangan ipaalala pa ung utang na loob ko sa kanya. Tapos kung makabinyag ng pangalan, pauso!

"Wag mo nga akong matawag tawag sa ganyan. Anyway, di na pala ako nakapagpaalam sayo kaninang umaga dahil tulog ka pa"

Kay ate Andromeda lang kasi ako nakapagpaalam kanina bago ako ihatid nung driver nila. Oo na ako na nakiki-ate. Ee sa feeling close nga kasi ako ee haha

"And about sa utang na loob na yan, pa'no naman ako makakabayad? Anong gagawin ko?

Dyusko sana wag pera, sana naman yung madali lang, at sana matapos na to agad, naiirita pa rin kasi ako dito sa lalaking to, mapangasar kasi tapos ewan basta, kung hindi lang talaga ako tinulongan nito ee.

Tinitigan nya ako hanggang sa unti unting pinanliitan nya ko ng mata nya.

"You will be my slave until the school's sports competition."

HUWAAAATTTT? Nabingi ata ako ah.

----------
A/n: omg! Sa wakas natapos ko din to itype hahaha., and sorry naman kung marami pa ring typo dito hindi ko na po kasi nagagawang mag edit pa, so please hayaan nyo na at intindihin na lang hehe

No MeasurementsOn viuen les histories. Descobreix ara