CH. 08 COMMUNITY SERVICE

64 18 2
                                    


Nandito na ako sa may subdivision nila. Woah! Ang yayaman talaga ng mga nakatira dito.
*tingin sa relo* 8:01 am na. Late na sya ng 1 minute.

Simple jeans and t-shirt tska nakarubbershles lang ako. Ganito naman talaga ang madalas kung suot.

Clueless. Wala akong idea kung san kami pupunta.
Ang sigurado ko lang alalay at utosan lang naman ang role ko maghapon. Tama nga siguro si Celine, papayat ako sa ginagawa ko.

*beep* *beep*

"Ay pusa!"

Nagulat naman ako sa bumusina.

"Hey sakay na dali."

Agad naman akong sumakay sa BMW ni Zach. Sosyal. Hindi naman siguro kami mahuhuli, ang alam ko wala pang license si Zach.

Nang nasa biyahe...

"Uhmm saan ba talaga tayo pupunta?"

Hindi sya sumagot.

"Bat kelangan kasama ako? Ano ba kasi? Saan?"

Hindi ulit sumagot.

Napaka nice talking naman talaga oh!

"MAGDIDATE TAYO???" Sigaw na tanong ko.

Bigla nyang inapakan ang brake. Nyeta! Muntik na kong masubsob, buti nakaseatbelt. Napamura tuloy ako.

"ASA!!!!"

Nakakatawa reaksyon nya, yung nagulat at nadiri. Duh! As if naman gusto kong makipagupdate sa kanya. Trip ko lang sabihin yun para makapagsalita man lang sya. Hahaha

Then, hindi na rin ako umimik. Inantok ako bigla ee. Haha.

After 3 hours na biyahe nakarating kami sa hindi ko alam na lugar. Haha. Basta ang alam ko malayo na to sa kamaynilaan, parteng quezon province ata to ee.

Bumaba si Zach sa kotse't sinundan ko naman. Nakita ko naman ang kumpulan ng mga tao. May artista ba dun? Pero bat nakalinya na sila? Tapos may mga namimigay nang pagkain sa mga nakapila. Mga grocery items like canned goods ata. Relief operation ba 'to? Tapos may naksulat sa tshirt nilang, "shelton's foundation".

Now I Get It.

Pamilyar na sakin ang Shelton's foundation, ito ay pagmamayari nila Zach na may layunin na tumulong sa mahihirap, sa mga taong nangangailangan ng pinansyal, sa mga lugar na limitado ang kinakain, sa mga naapektuhan kung may bagyo man o wala.

Hindi pa man ako sinasabihan ni Zach, mukhang alam ko naman ang gagawin ko dapat kaya lumapit na ako sa ibang workers na nagdidistribute ng mga pagkain.

"Hi ate!" Binati ko ang isang babae na namimigay ng bottled water kanina.

"Oh. Hello." Napakafriendly nya at ang cute nya sa uniform nilang color pink. Tinanong ko naman sya ng kung anu-ano about sa foundation. "Joy" nga pala pangalan nya.

"Every saturday lumilibot kami o pumupunta sa iba't-ibang lugar para makatulong sa mga taong nangangailangan. Madalas naman sa mga lugar na binagyo alam mo naman mahirap sa kanila ang supply ng pagkain." Sabi ni ate Joy.

Nakakaawa nga silang mga nakatira dito. Narealize ko, maswerte pa rin ako sa kung anong meron kami ngayon. Naalala ko tuloy ang madalas sabihin ni mama, "wag magsyang ng pagkain, maraming batang nagugutom."

"Girlfriend ka po ni sir Zach?"

Nagulat naman ako sa tanong ni ate Joy.

"Hindi po"

what a question! Sabi ko sa utak ko.

"Ay sorry. Akala ko kasi.. Hehe"

Tapos umupo muna kami para magpahinga, kakapagod.

"Alam mo bang ngayon lang sumama si sir Zach para tumulong samin?"

"Talaga po?"

"Madalas ang parents nya o kaya si Mam Andromeda ang sumasama samin para magservice. Nagulat nga kami sa pagdating nyo ni sir Zach e"

Ako din nagulat. First time ngayon mainvolve tumulong sa sarili nilang foundation?

"Kaya nga akala namin girlfriend ka ni sir at ikaw ang nagyaya sa kanyang tumulong dito."

Ahh so ganun pala akala nila. Nagsmile na lang ako kay ate Joy tutal wala naman na akong masabi. Pagtingin ko naman kung asan sila Zach, ay mukhang papalapit at papunta sya samin.

Iniwan naman ako ni ate Joy para magassist nang mga bata. Meron pa kasi dental and medical mission para sa kalusugan naman kaya may mga kasama din ditong doctors.

"Hey!" Maka-hey naman 'tong lalaking to.

"Hey ka din!"

"Oh!" Inabot nya sakin ang isang bottled water.

"Oh, anong gagawin ko dito?"

"Edi inumin mo." Ay oo nga noh, tubig nga pala to.

"Anong nakain mo? Bigla bigla ka na lang bumabait?" Pang-aasar ko sa kanya.

"pagkain." Ay pilosopo! Hindi na gets.

"Anong nakain mo't bumabait ka ngayon?"

"Akin na nga!" Ay binawi yung mineral.

"Akin na. Naiinom na 'ko eh." Uhaw na uhaw rin ako. Masaya at nakakapagod din pala tumulong. Aagawin ko na sana pero ininom nya na hanggang makalahati nya tska binigay sakin.

"Oh"

"Eww ayoko na nyan, ininoman mo na yan, meron na yang saliva mo!"

"Sus, If I know gusto mo din. Indirect kiss."

"Eww. Kadirdir ka."

Indirect kiss daw. Tapos iniwan ko sya dahil feeling ko namula ako. Bahala sya dyan!

---------

*please dont forget to leave a comment. ☺️ thank you!

No MeasurementsWhere stories live. Discover now