CH. 07 JULALAY

77 17 0
                                    


"Ba't antagal mo? Asan yung sandwich?"

"Eh sa ang haba ng pila sa canteen eh, oh eto na yung sandwich mo!" Sabay abot ko sa kanya.

"Bat sandwich lang? Asan yung bottled water?"

"Ay, wala ka po kasing sinabi."

"Common sense, dapat bumili ka na rin nun, pa'no kung mabilaukan ako tapos walang tubig?" Minsan talaga mas mataray pa sya sa babae.

"Edi buti nga" bulong ko.

"Anong sabi mo?" Tapos tiningnan nya ko ng masama. Narinig nya pala.

"Ang sabi ko, eto na PO. Bibili na PO!" Oo capital yung PO para intense! Asar e!

"GOOD!" Sinabi nya yan na parang nanalo sya.

Kainis!

Abuso much!

Anong buwan ngayon?
JULY.

JULY NA BES!!!

At eto ako ngayon, alalay ngayong july. Kaya isa akong dakilang JULALAY.
Remember the "slave thingy"? Wala naman kasi akong choice nun, ipinagdiinan nyang it is the only way and no other way to to pay him back, oh ayan napapaenglish tuloy ako. Sino ba naman ako para magreklamo sa taong nagligtas lang naman sakin diba?

Ganito eksena ko every break time or pag may vacant, pupunta akong gymnasium para sundin kung ano man kelangan nya. Minsan pa nga kasama grupo nya. Water girl ako dito, kesyu tagarefill ng water, bibili ng water. Urgh! Baka isipin ng coach nila part time katulong ako ni Zach, pero parang ganun na nga yun.

Ang kelangan ko lang naman gawin is magtiis. Magtiis ng ilang buwan, Hanggang sa dumating ang Sports competition which is sa October pa. Tapos after nun balik na ulit sa dati. Ang kaso ang hindi ko ata kakayanin is yung ugali ng lalaking to! Para kasing sinasadya nya minsan na pahirapan ako. Asar!!!!!!

"Ui girl, san ka pupunta?"
Nakasalubong ko si Celine.

"Canteen." Walang ganang sabi ko.

"Eh sa galing ka pa lang dun ah?"

"Utos eh."

"Haha. May chance na pumayat ka girl dahil sa mga pinapagawa nya"

Instead na maawa, tinawanan pa ko ng nagiisang bestfriend ko. Seriously, asan yung support?
Alam nga pala ni Celine yung sitwasyon ko. Wala naman akong tinatagong sikreto dyan sa kanya. Bukod sa kanya at sa grupo ni Zach ay wala ng ibang nakakaalam sa slave thingy na yan. Pero panigurado namang paguusapan na naman ako na kesyu bumubuntot ako sa grupo nila, mga estudyante pa man din dito walang magawa kundi mangchismis.

"Tara na nga, samahan mo na lang ako" sabi ko na lang.

Pagbalik namin sa gymnasium, nandun ang friends ni Zach at nagpapraktis sila ng basketball. Kasama na kasi silang anim sa basketball team. Syempre bukod sa kanilang anim ay may mga selected students din na kasama pa sa sports competition.

Si Zach ay sa basketball at swimming. Oo bes, nagulat din ako na swimmer pala sya. Swimming nga daw ang best nya.
Si Raphael ay sa basketball at volleyball. Bes, magaling talaga sya sa volleyball dahil napanuod daw sya ni Celine maglaro.
Si Apollo naman ay sa basketball at tennis kasama. Pero halos lahat ng sports ay alam nya. Woahh! Sya pinakamagaling pero napakahumble pa rin.
Si Nicholas naman ay sa kasama sa lahat ng ball games. Oo sya na adik maglaro. Buhay na ata nya ang bola.
Ang kambal na sina Dennis at Denver naman ay basketball lang talaga ang hilig. Mahilig mag three points yang mga yan.

Lumapit kami sa kanila nang magbreak muna sila. Tapos lumapit naman si Raphael kay Celine. Nga pala, nanliligaw na sya kay Celine. Bilis dumamoves. Sabi naman sakin ni Celine kung sakali man, matagal pa raw nya sasagutin ito. Ewan, bahala sila.

Lumapit ako kay Zach.

"Oh bottled water mo! Bayaran mo ko dyan, wala kang binigay na pera, wala na tuloy ako pambili ng pagkain ko rin"

"Oh" nagulat ako ng may iabot din sya sakin.

"Chubby?" Isang chubby chocolate.

Mabait na ba sya sa puntong yan?! Tapos nagsmirk sya. Urgh! I really hate this guy! Anlakas ng trip nya, ng topak pala.

"Bukas nga pala may pupuntahan tayo" pagkaraay sabi nya.

"Sabado bukas kaya hindi pwede"

Pagpapaalala ko sa kanya. According sa napagkasunduan namin sa contract (naks! May kontrata? Haha) monday to friday lang ako magpapakaslave nya. Kung kelan lang may pasok. Meaning sabado at linggo ay araw ng kalayaan, i mean free days ko.

"Hindi ako makakapasok ng tatlong araw next week kaya bukas dapat sumama ka"

3 days syang wala next week? Aba ayos 'to! Walang manguutos sakin mwehehe

"Ah okay" yun na lang sinabi ko.
Buti nga wala sya nyan para makarelax din ako. Pero teka, pupunta kami bukas saan?

"Saan nga pala tayo pupunta? Tska kasama din ba sila?" Sabay turo ko sa friends nya.

"Hindi kami kasama may iba kaming lakad" halos sabay na sabi nina Denver at Dennis. Magkambal nga talaga.

Uhmm okay kayo ba tinatanong ko? So, kayo na si Zach?

"Tska hindi namin alam kung san man kayo pupunta" sabi naman ni Apollo.

Uhmm okay kelangan magexplain? Eh hindi ko nga kaya kausap.

Pagtingin ko kay Celine.

"Hay naku bes, hindi ako pwedeng sumama, may lakad kami ni Paeng" ay inunahan ako wala pa nga akong sinasabi.

"8am sa guardhouse ng subdivision namin muna lang ako hintayin." Yun lang ang sinabi nya tapos bumalik na sa paglalaro. Mahilig magwalk out yung lalaking yun ah!

8am? Ang aga naman. Sa guardhouse ko pa sya hihintayin, so ako ang pupunta? Kahit kelan hindi man lang gentleman. Pwede namang sunduin ako sa bahay. Asa much ako. Slave nga daw pala ako.

---------------

A/n: hi guys!!!! Kung may nagbabasa man nito, comment naman dyan.

No MeasurementsWhere stories live. Discover now